Chapter 13
Chie's Pov
"Chie ano ba? Ang bagal mo naman, kukuha ka lang ng gamit ko ang tagal." Hindi ko maintindihan ang ugali niya. Kanila lang ang tahimik ng loko ng dumating si Janzen bigla na lang ako sigawan. Nagulat ako sa ginawa niya. Para wala ng gulo kinuha ko na lang gamit niya. Sa pagmamadali ko, iyong gamit ko, naiwan ko sa kuwarto niya.
"Ikaw magdala ng gamit ko." Natauhan ako sa sinabi ni Jake. Hindi ko alam gagawin ko. Susunod ba ako o magpapaiwan? Hawak ko ang gamit niya.
"Tangina naman si Chie, tatayo ka na lang ba?" sigaw niya sa'kin.
"Ano kasi---." Hindi ko alam sasabihin ko. Nang mapatingin ako kay Jake na busy sa pagkain ang tahimik lang ang loko."
Ano na naman ba idadahilan mo ah?"
"Wala nagliligpit ng kinainan natin wala si manang," sabi ko sa kan'ya. Wala kasi si manang at manong sinama ni Jay dee sa cebu dahil sa utos ng parent ni Jake. Umalis kasi ang katiwala nila sa cebu na ngayon si manang ang nanilbihan si at si manong naman ay kasama ni Kuya Jay dee siya raw ang bodyguard niya ngayon. Ang loko tuwang-tuwa naman sa nalaman niya dahil walang sisita sa kan'ya kahit na abutin siya sa mga kaibigan niya ng 2 o 3 araw na hindi umuwi pero ngayon nagtataka ako araw-araw siyang nandito at hindi kasama ng kaibigan niya.
"At ikaw, makakaalis ka na? Mag-empake ka na ng gamit mo dahil kinausap ko na si kuya at pumayag na siya manirahan ka roon sa bahay niya."
"Kung ayaw ko umalis! May magagawa ka ba? Tangina halos ipagsigawan mo si Chie na parang hindi tao. Hindi ako tanga at hindi ko siya iiwan sa'yo," sigaw ni Janzen sa kan'ya.
"Ayaw ko makita pagmumukha mo. 'Wag mo sagarin ang pasensiya ko. Pag-uwi wala ka na. Isa pa wala kang katulong ligpitin mo iyan kalat mo." Sabay hila ni Jake sa'kin.
"Teka!" mahina ko sabi.
"Ano?"
"Ka-------." Nagulat ako sa sigaw niya.
"Ang dami mo palusot."
"Kasi ano! Iyong gamit ko naiwan ko sa kuwarto mo." Tuloy-tuloy ko sabi sa kan'ya.
"Ang tanga mo kahit kailan." Sabay talikod niya. Mabilis kong tinakbo paakyat sa taas hanggang sa maabot ko ang kuwarto ni Jake. Nang makita ko ang gamit ko agad ko pinulot at nagmamadaling lumabas. Napatigil ako napatingin kay Jake. Paminsan-minsan kinakausap ko siya kahit na may pangamba ako sa kan'ya.
"Sorry sa inasal ni Jake kanina," sabi ko kay Janzen.
"Sana'y na ako sa ugali ng pinsan ko. Ikaw ang mag-ingat sa ugali ng pinsan ko. Bakit hindi ka umalis? Bakit tinitiis mo ang pinsan ko. Iisipin ko may gusto ka sa pinsan ko kasi kung oo hindi ka magpapa-alipin sa pinsan ko." Minsan naisip ko na rin bagay na ito. May gusto na ba ako kay Jake? Hindi ko alam ang tamang sagot at sabihin harapan kay Janzen ang totoo kasi kahit na ako nalilito pa rin.
"Hindi mo kailangan sagutin ang ang tanong ko. Aalis ako hindi dahil takot ako sa pinsan ko. Aalis ako dahil para sa ikakatahimik niya pero Chie ikaw ang iniisip ko. Sumama ka na kaya sa'kin." Sabay hawak ni Janzen sa kamay ko. Hindi ko nakapalag dahil naguluhan ako.
"Tangina, ano ito?" Nabitawan si Janzen nakatingin sa'kin. Napalayo ako kay Janzen, sabay hila ko kay Jake. Ayaw ko mapangabot silang dalawa. Wala naman ginagawa sa kan'ya ang tao pinag-iinitan niya. Kahit nga ako hindi ko alam ang trip niya. Nang makarating na kami sa kotse niya, napa-bitaw ako sa kan'ya.
"Sakay ang dami mong excuse. May gusto ka ba sa pinsan ko?" Nagulat ako sa sinabi niya. Pinagsasabi niya. Problema nito sa buhay daig pa nireregla.
"Ah!" Iyon lang sinabi ko.
"Paulit-ulit." Sabay tulak niya sa'kin. Ang sama talaga ng ugali nito. Sumakay na lang ako sa katabi niya hanggang sa nakarating kami. Seryoso ko lang tiningan si Jake habang daan-daan siya pababa sa kotse niya. Ako naman nanatili lang sa loob.
"Tangina pagbubuksan pa ba kita." Nagulat ako sa sigaw ni Jake. Sa pagkataranta ko mabilis ako bumaba sa harapan niya, lahat sila nakatingin sa'kin. Bigla ako kinabahan ang sasama ng tingin nila lalo't na mga babae akala mo pag-aari ni Jake. Bigla ako napaisip sa sinabi ni Janzen Kanina. May gusto na ba ako kay Jake. Kasi kung oo! Baka tama si Janzen. Walang tanga babae na pagpapaalipin sa lalaki na ubod ng sungit kung wala naman naramdaman. Ngayon ko nakumpirma na unti-unti na nahulog ang puso ko kay Jake kahit na masungit siya natutunan ko siya mahalin.
"Ingatan mo iyan." Sabay bigay niya sa'kin ng bag niya. Doon lang bumalik ang diwa ko kung hindi pa binato ni Jake ang gamit niya sa mukha ko. Para walang gulo kinuha ko na lang ang gamit niya at mabilis ko siya iniwan. Ramdam ko nakasunod siya sa'kin. Nakayuko na lang ayaw ko salubungin ang bawat tingin nila. Nakasalubong ko si Roy na ngayon may kausap ang loko. Tumango lang siya nakatingin sa kin. Pasimple ako nakangiti sa kan'ya at tinalikuran ko na siya. Hindi na ako nagtataka kung sino man ang kausap niya ngayon. Ang tanging isang tao lang ang pinagkakaabalahan niya ay taong mahal na mahal niya noon pa man bata pa lang kami may pagtingin na ang loko. Ito ang gusto ko sa kan'ya loyal siya sa girlfriend niya at walang iba siyang minahal kundi si Erika lang ang babae minahal niya. Kilala ko silang dalawa mayaman si Erika at mahal nila ang isa't-isa.
"OMG! Girl, andito ang malandi babae." Napatigil ako sa kanila. Lagi na lang kami nagtatagpo ng tatlong ito. Hindi ko na lang sila pinansin. Pahakbang na ako ng bigla na lang hablutin ni Joana ang buhok ko. Hindi ako makagalaw ramdam ko ang sakit pag-sabunot sa'kin.
"Ang landi mo babae ka. Alam mo, may girlfriend isang tao sunod ka ng sunod sa kan'ya." Naguluhan ako sa sinabi niya. 'Wag niya sabihin nakipagbalikan si Jake sa kan'ya. Mas hinigitan niya pagsabunut sa'kin.
"Ano ba wala akong ginawa sa inyo?" Sabay bitaw ko sa kan'ya. Napalapit ako kay Joana habang si Joana paatras siya sa'kin. Hindi ako papayag na ganito na lang niya ako. Hindi ko siya uurungan. Mabait ang ako sa mabait. Tanging si Jake lang ako tameme dahil takot ako naisumbong niya sa parent ko at isa pa pag-aari nila ito.
"Ano ba problema niyo sa'kin ah?" sabi ko sa kanila.
"Layuan mo ang boyfriend ko," mahina niya sabi sa'kin. Nakakunot noo ako.
"Boyfriend mo!" Pabulong sabi nong makapal ang lipstick akala mo kagandahan pangit naman. Napalingon akong daan-daan. Pagtingin ko si Jake ang tinutukoy niyang boyfriend, nakayakap na si Joana sa kan'ya. So! Totoo pala sinasabi ni Joana si Jake ay boyfriend niya, bigla akong nakaramdam selos. Napayuko at iniwan ko na sila. Hindi ko kaya makitang may kasama si Jake at ang babaeng nanakit pa sa kan'ya. Napamalayan ko na lang nakapasok na ako sa loob ng room namin. Napatingin ako sa hawak ko ang gamit ni Jake hawak ko. Bigla akong nainis na hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko pinansin si Raygie ng batiin niya ako napaupo na lang ako sa chair ko at nilagay ko gamit ni Jake sa chair niya. Kinuha ko na lang cp ko at nagbukas ng UB ang unang bumungad sa'kin ang sweet photo ni Jake at Joana na pinag-share ni Raygie ang daming likes and comments kaagad sa loob ng 5 minutes. Hindi na ako nagtataka sikat eh! Mapapansin talaga. Inabala ko ng mga comments, magmumukha pa akong marites. Nag-scroll ulit ako natawa. Nakangiti ako ng magchanges profile si Roy at may messages pa talaga. Ikaw ang aking, my one and only princess. Kaloka isang ito may hashtag pa nalalaman mukha lang lang naman niya. Iba rin mainlove ang loko. Profile picture ko panigurado ng imemessages niya ako. Off ko na lang ng nareceive sa notification ko.
"Wala ba comment diyan! Ano masasabi mo?" Nailamos ko ang mukha ko talaga menention pa niya pangalan ko. Dahil sa hindi niya ako titigilan ginawa ko ng comment ako sa kan'ya.
Comment
Chie: " Guwapo ah!" Wala naman akong maisip na sasabihin. Guwapo naman talaga si Roy.
"Roy: "Guwapo ba? Ka mahal mahal ba?" Ano raw kalokohan nito. Hindi ko na pinatulan comment niya. Napaangat akong muntik ko pa mahulog cp ko magkalapit kasi mukha ni Jake sa akin. Nakasalubong ang dalawang kilay niya. Problema nito! Magkasama naman sila ng girlfriend niya tapos ngayon ganyan siya nakabunsangot dahil sa hindi ko kayang makita mukha ni Jake napaiwas ako ang siyang pasok ni Roy nakangiti pa ang loko. Gusto kong batukan ang loko pero hindi ko magawa. Ng malapit na siya sa harapan ko kunwari pa ang loko natanggalan ng sintas sabay bulong sa'kin. Tapos ang loko tumawa pa. Napatingin na lang, akong pasimple kay Roy. Kinabahan akong anong gagawin ko. Hindi niya alam na kay Jake ako nakatira.
"Tangina nakikinig ka ba?" Sabay ampas niya ng gamit sa mukha ko bigla akong na takot sa kan'ya. Bakit ba siya ganyan. Ano naman ba nagawa? Bakit ganyan na naman mukha niya. Nanahimik ako rito tapos guguluhin niya. Hindi ko naman pinapakialaman ang buhay niya.
"Layuan mo si Joana," sabi niya sa'kin ng seryoso. Paano ko lalayuan, sila naman ang lapit ng lapit sa'kin sabi ko na lang sa sarili ko. Baka iba maibato niya sa'kin. Pasimple ko siya tinitigan ang seryoso niya.
"Chie." Napalingon ako kinabahan na paharap kay Janzen. Andito na pala siya.
"Naiwan mo." Sabay pakita niya sa'kin ng panyo ko. Oo nga pala, tinupi ko kanina panyo ko. Madalas kasi may dala akong panyo kinahihiligan ko magdala. Kinuha ko sa kamay niya.
"Salamat." Mahina ko sabi ko kan'ya. Tumango lang si Jake, tumalikod na siya. Maya-maya, may prof na dumating. Nakinig lang ako kahit na wala akong maintindihan hanggang sa natapos na dahil sa half day lang kami ngayon. Patayo na akong ng bigla akong hilahin ni Jake.
"'Wag kang gagala." Mahina niya sabi sabay talikod niya. Napahiling na lang ako. Hindi muna akong umalis. Hinintay ko lahat sila umalis. Tsaka akong umalis. Pasimple akong napatingin sa kanila ng mahagip ko si Jake nakaakbay kay Joana. May konting kirot sa puso ko. Bakit sa kan'ya pa ako nagkakagusto ang sama naman ng ugali niya. Akonang kusa umiwas hindi ko, so nakangiti pa ang dalawa. Nagmamadali, akong umalis. Nang makalabas na ako agad akong naghanap ng tricycle. Bigla ko naalala si Roy kinabahan ako sa sinabi niya. Pupuntahan niya ako sa bahay nag-decide akong umuwi sa'amin. Nag-doorbell ako wala kahit isa ang nagbukas. Hinanap ko ang susi sa bag buti na lang dala ko. Maingat ko binuksan. Pumasok ako sa' amin. Nagtataka ako bakit wala sila rito kailan pa? Tinawagan ko si Charls ang sabi niya nagbakasyon muna sila. Hindi ko na inalam kung bakit. Napaupo ako sa sopa. Bigla nanakit ang paa ko. Na out of balance kasi ako dahil sa pag-sabunot ni Joana sa'kin kanina. Hinilot ko ang paa ko. May kaunting maga kabilang kaliwang paa ko. Nang may narinig akong sigaw galing sa labas. Maingat ako lumabas nagulat ako si Roy nakita ko nakangiti pa siya. Napakunot noo ako sa kan'ya.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo nakabusangot ka. Parang ayaw mo icelebrate natin ang friendship day, di ba love?" Sabay pa kita niya sa'kin. Kavideocall niya si Erika loko isang 'to.
"Bessy, happy best friend day." Sabay pakita niya sa'kin ng kuwintas simbolo ng aming pagkakaibigan.
"Tara na." Sabay hila ni Roy sa'kin paloob. Napa-sunod na lang ako sa kan'ya. Hinanda ni Roy ang pagkain dala niya. Ako naman nakatingin kay Roy, hinahayaan ko siya. Ang saya ko na na kasama ko si Roy.
"Salamat." Sabay yakap ko sa kaniya. Tinawanan lang nila ako. Ang dami namin napag-usapan pero hindi pa rin akong sang-yon na sabihin ni Roy ang pagitan samin ni Roy.
"Ayaw mo lang ako ipagmalaki di ba love."
"Eh!" Sabay tawa ulit nila.
"Bessy Happy best friend day, sa'tin. Sige na love off ko na ito. May gagawin pa ako." Paalam ni Erika sa'min.
"Bakit kasi, hindi mo kasama si Erika."
"Para ano pinag-mukha niya wala akong tiwala sa kan'ya. No way! Mahal ko siya at hindi nakakahadlang ang distance relationship." Nanahimik ako sa sinabi niya. Nakatayo ako ng iligpit ko, kinainan namin ng bigla, ako nakaramdam sakit sa paa ko. Nakatayo si Roy, agad niya ako nilalayan.
"Nangyari?"
"Masakit ang paa ko," sabi ko kan'ya.
"Bakit?" Sabay luhod niya tiningnan niya paa ko.
"Namamaga siya." Hindi na lang ako nagsalita ng makita ko nakabusangot mukha ni Roy. Kapag ganyan iyan. Galit na siya. Ginamot niya ako. Nagmumukha akong bata hanggang dinala niya ako sa kuwarto.
"Magpahinga ka na. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako sa sala lang ako." Tumango na lang ako, tsaka akong iniwan ni Roy. Ito ang bagay gusto ko kay Roy maalaga siya. Naiangat ko ang paa ko ng bigla kumirot. Napadapa ako sa kama ko sakit hanggang sa nakatulog ako.