CHAPTER 2

2268 Words
MAY MGA YOUTUBE VIDEOS na mahigit isang linggo nang naging trending topic at viral sa mga social media sites. Kuha iyon ng ilang netizens na nakasaksi sa isang hit-and-run incident kung saan hinabol ng naka-motorsiklong lalaki ang tumatakas na kotse ng nakasagasa. It would have been just a simple act of heroism, kung hindi lang nagmukhang eksena sa isang action movie ang nangyari. The guy in the motorcycle had used the center island to catch up with the runaway car that was zigzagging its way through the heavily traffic highway. Ilang sasakyan din ang nadisgrasya niyon sa kagustuhang makatakas pero wala halos magawa ang mga nakasaksi sa takot na madamay. Hanggang sa humarang nga ang naka-motorsiklo sa daraanan ng kotse para mapatigil iyon. Pero imbes na huminto ay binalak ng driver ng kotse na sagasaan ang naka-motor. And that’s when it happened. Sinalubong ng lalaking naka-motor ang kotse. Maririnig sa background ng bawat videos na nakuha ang sigawan ng mga tao. Head-on collision! But on that last heart-stopping moment, the motorcycle ‘flew’ over the car’s hood running over the car’s roof and unto its back. It stopped as it landed on the concrete pavement amidst the screetching sound of tires and billows of smoke coming from the motorcycle’s exhaust pipe. Nawalan ng kontrol ang nagmamaneho ng kotse kaya gumewang iyon hanggang sa sumampa sa center island at bumangga sa poste ng ilaw. Ngunit meron pang eksena na mas nakapagpa-nganga sa mga tao. It was when the driver of the runaway car tried to escape. The motorcycle hero took off his helmet, ran after the suspect while still riding on his motorbike, and smashed his helmet on the suspect’s head. Wala nang malay ang suspek na sumubsob sa kalsada habang ang mga nakakita sa nangyari ay hindi na magkamayaw sa sigawan at palakpakan. Balewala na kung nagkabuhol-buhol man lalo ang trapiko. Angas! Astig! Pucha with feelings! Ganon ang mga reaksyon ng paghanga mula sa mga netizens na nakapanuod ng naturang video nang i-upload iyon sa mga social media sites. Everyone was talking about that incident, especially about the motorcycle guy. Hindi naman nagtagal at nahalukay na rin ng mga netizens ang katauhan ng bagong social media darling. Rafael Dela Merced. Extreme sports enthusiast. Genius businessman. Billionaire philanthropist. Admired by the men. Adored by women. So far, iyon lang ang tanging impormasyon na lumabas tungkol sa lalaki, at karamihan pa sa mga iyon ay galing sa mga iilang news articles na nabanggit ito. Kaya mas lalong naging intense ang pagnanasa ng mga tao na makilala pa ito lalo na nang maglabasan ang mga larawan nito na mula sa mga taong minsang nakasalamuha nito. May nadagdag na naman tuloy sa description dito. Amazing hot bod. Breathtaking gorgeousness. Kaya naman todo hukay ang mga reporters at lifestyle writers ng iba’t ibang tv shows at magazines para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa lalaki. Because the mere mention of the guy’s name spells money. Money, money, money. “And I needed that money,” bulong ni Mae pagbaba ng taxi sa harap ng isang five-star hotel kung saan tumuloy ang lalaking sinusundan niya kanina pa. “Let’s go get that moolah!” Inayos niya ang suot na bistida at taas-noong pumasok sa sikat na hotel. Walang maghihinala na may masama siyang balak roon dahil na rin sa pustura niya. Lumaki kasi siya sa karangyaan kaya oozing with wealth pa rin ang aura niya kahit halos masaid na ang natitira niyang pera sa savings account niya. Napasimangot si Mae nang maalala ang dahilan kung bakit narito siya ngayon sa hotel na ito at parang tanga na naghahabol sa isang taong hindi naman niya kilala o kaano-ano. She had a good life before, being the only daughter of one of the most famous cardiologists in the country. Nagbago lang ang lahat nang pakialaman ng parents niya ang lovelife niya. Bernard Arizala. The love of her life. More than two years ago, that is. Sumugod siya noon sa ospital na pag-aari ng mga magulang niya para magreklamo para taasan ng parents niya ang credit card limit niya dahil laging nagma-max out ang credit card niya. That’s when she met Bernard. Intern pa lang ito pagdo-doktor sa ospital nila, and she immediately fell for his mild demeanor. At doon nagsimula ang maganda nilang relasyon hanggang sa manligaw nga sa kanya si Bernard at sagutin naman niya agad. Siya pa ba ang choosy? Guwapo, mabait, matalino, matino, at running for the best cardiologist in the country. Everything her parents would ask for a man for their precious daughter. Or, everything her parents had wished to have as their child. Sad, ‘no? Pero wala na siyang panahon sa mga sentimental na bagay. Masaya na siyang minahal siya ng isang tulad ni Bernard kahit na luka-luka siya. At siguro naman kahit paano ay natuwa sa kanya ang mga magulang niya dahil kahit baliw siya sa sariling buhay, matino pa rin ang puso niya sa pagpili ng lalaki na gaya ni Bernard. Everything was perfect. And then her parents had to send him away without giving her a heads up. Basta na lang sinabi ng mga ito na nasa America na si Bernard para mag-specialize sa cardiology, salamat sa sponsorship na ibinigay dito ng mga magulang niya. Nagalit siya sa mga parents niya for being so inconsiderate na ni hindi man lang isinangguni sa kanya ang plano ng mga ito. Nagalit siya kay Bernard dahil hindi man lang nito isinaalang-alang ang mararamdaman niya sa desisyon nito. Nagalit siya sa kanyang sarili dahil wala siyang magawa. Bernard really wanted to be a heart doctor like her parents. And her parents were impressed with his academic records and his dedication to his chosen field, kaya nagprisinta ang mga ito tulungan ang binata na matupad ang pangarap nito. Kaya sino siya para tumutol? Siya na walang pakinabang sa kanyang pamilya dahil puro lang siya gimik at ni hindi nga sumubok na mag-apply ng trabaho pagkatapos mag-college na inabot pa ng ilang taon bago maka-graduate dahil sa kaka-gimik niya imbes na nag-aaral. Mabuti nga at napansin pa ni Bernard ang isang tulad niya. Hindi naman siya sumuko agad noon. Binalak niyang sundan ito sa America at doon na manirahan kasama ang binata habang nag-aaral ito. Pero nalaman niyang pinutol pala ng mga magulang niya ang lahat resources niya. She was so angry at everything that she decided to leave their home, her parents, and her old life. Sa unang pagkakataon, nabuhay siyang wala ni katiting na bakas ng karangyaan na kinagisnan niya. Mahirap, pero mas masama talaga ang loob niya sa kanyang magulang kaya tiniis niya ang bagong buhay. At sa unang pagkakataon, nagbanat siya ng buto para lang may maipangtustos sa sarili. Pero hindi naman naging ganon ka-miserable ang buhay niya, salamat sa natapos niya sa kolehiyo at nakakuha siya ng maayos na trabaho bilang lifestyle writer from a fashion magazine. Well, okay. Ginamit din niya ang impluwensya at kuneksyon ng mga magulang niya para makuha ang trabahong kaya niya at naaayon naman sa natapos niyang college degree. But two years of doing the same thing over and over again, she was getting burnout. She needed a new job. With higher pay. Nami-miss na niya ang mga dati niyang ritual na pagpa-pamper sa kanyang sarili na hindi niya magawa dahil ang suweldo niya ay sapat lang sa pang-araw-araw niyang gastos sa pagkain, pambayad sa kuryente, tubig at renta sa apartment. Kaya noong nakaraang linggo ay nag-umpisa na siyang i-trace out ang mga amigos and amigas ng mga magulang niya na puwede niyang mauto para maipasok siya sa trabaho na may magandang sweldo pero hindi masyadong mahirap ang mga kailangang gawin. Medyo garapal. But, who cares? Kesa naman matuyot siya sa pagkabagot sa trabaho niya ngayon. Mabuti na lang at may opportunity na dumating sa kanya isang araw sa opisina nila. She was actually in the middle of writing her resignation letter when her editor-in-chief offered her a special assignment with a hefty bonus. Sinunggaban na niya kahit ano pa trabahong ‘yon. Ang importante, may ‘hefty bonus’. Tumunog na ang elevator. Nineteenth floor. Dumiretso si Mae sa hotel room ng pakay niya saka pinindot ang doorbell ng silid. Habang hinihintay na may magbukas ng pinto, inaalala uli ni Mae ang set of questionaires na inihanda niya para sa gagawing interview sa taong pakay niya sa silid na iyon. Rafael dela Merced. Yep. The viral video guy. The man of the hour. Naki-ride on sa trending topic sa social media ang magazine nila kaya isa na rin sila sa mga naghahanap sa Rafael dela Merced na iyon. Mabuti na lang at babad si Mae sa mga social media sites kaya madali siyang nakapaghalungkat ng mga impormasyon tungkol dito, na mostly ay galing sa mga taong sumasagot sa mga posts sa social media kapag ang lalaki na ang topic. Sikat nga talaga ito. Kaya hindi na nagtaka si Mae na pati ang current location ng binata ay nalaman niya sa mga netizens. Ibang klase talaga ang powers ng social media. Salamat sa mga iyon, hindi na niya kailangang personal pang habul-habulin ang kanyang subject para lang ma-interview ito. Wala pa naman sa bokabularyo niya ang magpaka-stalker sa isang taong hindi naman niya pinag-iinteresan. “Pero ang tagal nyang magbukas, ha?” Kinatok na ni Mae ang pinto ng unit. Wala pa rin. Her third knock, though, landed on the naked chest of the fully-clothed man she just saw at the lobby earlier. At kung guwapo na ito nang may damit pa, damn the man for making her admit to herself he was way hotter when half-naked. And he’s half-naked now. Isinampay nito sa balikat ang tuwalya. Mukhang naistorbo nya ito sa planong paliligo. “Yes?” “Ah…” Lift up your eyes to his face, Mae. Stop ogling at him, for Pete’s sake! “Hmm?” “I said, what do you want?” Focus, Mae. Focus! Masunurin naman ang mga mata niya kaya na-focus lang siya sa malapad nitong dibdib. Pinto na lang tuloy ng hotel room nito ang huli niyang nakita nang basta na lang siya pagsaraduhan ng lalaki. “Wow. He dared to slam the door at my face? Dahil lang sa nag-e-enjoy ako sa view ng ka-macho-han nya? Walang utang na loob.” Sunod-sunod uli niyang kinatok ang pinto para mas ramdam ng lalaki ang urgency ng pakay niya. Hindi naman siya nabigo. The guy came out again, still gorgeously half-naked, and even more irritated. “I don’t have time for some sick joke. I’m dead tired and I just wanted to rest. Now, leave me alone or I’ll call the hotel security and drag you out of my sight.” “That’s harassment and I’m a woman.” “You’re stalking me and I don’t care.” “Ah. Madali ka naman pala kausap.” Itinaas ni Mae ang hawak na cellphone at saka sunod-sunod na kinuhaan ng picture ang lalaki. “What the hell are you doing?! Stop that!” “Okay.” Itinago na niya ang cellphone. Sa loob ng kanyang bra. Natigilan tuloy ang lalaki nang akma nitong aagawin ang cellphone niya. Umurong ito ng ilang hakbang pabalik sa loob ng kwarto nito. “Burahin mo ang mga picture ko sa cellphone mo. You’re invading my privacy.” “Sure. Basta ba mabibigyan mo ako ng schedule para ma-interview ka sandali.” “You’re a reporter?” Mas lalong nagdilim ang ekspresyon sa mukha nito. “I’m Mae Ramirez. And, no. I’m not a reporter. I’m a lifestyle writer for Sparks Magazine—“ “What did you say your name again?” “Mae Ramirez. And I’m—“ “Hah.” He looked at her from head to toe. “So, you’re a reporter.” “Ay, ang kulit. Hindi nga sabi—“ “Get the hell out of my sight, and don’t ever show your face in front of me again.” “Why? Maayos kitang pinuntahan dito hotel room mo para humingi ng interview. Bakit ang rude mo? ‘Buti nga hindi ako gaya ng ibang reporters at writers na ini-stalk ka araw at gabi.” “Hindi pa ba stalking itong ginagawa mo? You suddenly showed up in front of my door and technically harassed me.” “Excuse me. Aksidente lang ang mga naging pagdikit ng kamay ko sa dibdib mo…” Palihim pa uli niyang sinulyapan ang malapad nitong dibdib bago muling binalikan ang guwapong mukha ng lalaki. “At pinuri ko lang ng konti ang katawan mo, ‘technically harassed’ na agad iyon?” “Whatever.” He stepped back inside his room, without taking his eyes off her. Off her hands, actually. Iniisip ba nitong ‘maa-aksidente’ na naman ang mga kamay niya? Grabe siya, o. But, wait, he’s trying to get away. “Okay. Fine. Bahala ka na kung ano ang gusto mong isipin sa nangyari kanina. So, puwede mo na ba kitang ma-interview—“ “No.” And he slammed the door shut. Right at her face. Again. Abusado. Sinipa niya ang saradong pinto. Rafael opened the door again. “Did you just kick my door?” “No.” Iyon lang at basta na lang niya ito tinalikuran. In yo face, madapakah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD