CHAPTER 3

1476 Words
NAGMAMARTSA NA PABALIK ng elevator si Mae nang marinig ang pagtunog ng cellphone. It was her editor-in-chief, naghahanap ng updates sa assignment niya. She ignored the text message. Nasa tapat na siya ng elevator nang muling makabasa ng text message mula sa network provider niya, reminder na malapit na ang due date ng bill niya sa cellphone at mobile internet. She ignored it as well. Kasabay ng pagbukas ng elevator ay ang pagdating ng isa pang text message mula naman sa cable service provider niya. “‘Sarap magpunit ng kalendaryo,” sambit niya nang pumasok ng elevator. “Hold the door!” Hodor? Nope, it was not one of the characters from her favorite tv series Game of Thrones. The guy running towards her now was none other than that madapakah earlier. Nai-imagine na talaga ni Mae ang sarili na humahalakhak habang sumasara ang pinto ng elevator, at maiipit ang kalahati ng katawan nito hanggang sa mahati sa gitna, in gory detail. Mabuti na lang at kararating lang ng mga reminders ng bayarin niyang bills kaya isang magandang ngiti lang ang isinalubong niya sa lalaki habang hinihintay itong makapasok ng elevator. “You’re welcome,” wika niya. “I’m not saying anything.” “Alam ko naman na hindi ka magpapasalamat kaya inunahan na kita. Anong floor ka?” Nagdududa man sa tumubong kabutihan ngayon ni Mae, hindi na nagkomento pa ang lalaki pero ito na mismo ang pumindot sa button ng ground floor. Pareho pa pala sila ng destinasyon. “You’re welcome,” wika nito. “What?” “Alam kong hindi ka rin magpapasalamat kaya inunahan na rin kita.” He then took out his cellphone and called someone. “Pababa na ako, Tito. Sorry medyo natagalan. May…” Dumako ang tingin nito kay Mae. “Kaunting aberya lang akong inasikaso.” “My name’s not May. It’s Mae. Mae Ramirez.” The guy just ignored her, the way she ignored all those text messages earlier. “‘Sarap manapak,” bulong niya. “Gusto kong manapak.” Tapos na yatang kausapin ng lalaki ang kung sino mang kausap nito sa cellphone. “Hindi pa rin kita pagbibigyan sa hinihingi mong interview kahit umabot pa hanggang langit ang katarayan mo. It’s not gonna work with me.” “Hindi kita tinatarayan. Ganito lang talaga ako sa mga taong sinusupladahan ako.” “Hindi ako suplado. Naiistorbo mo lang ako kaya ganito lang din ang reaksyon ko sa iyo.” “Fine. Let’s agree to disagree. Can we do the interview now?” “No.” Bumukas na ang elevator at nauna nang lumabas ang lalaki. Nasa ground floor na agad sila? Ang bilis naman. Hindi pa siya nakaka-quota sa pang-aasar sa lalaki sa ginawa nitong pabalang na pagsasara ng pinto sa kanya at paulit-ulit na pagtanggi sa hinihingi niyang interview schedule. Pero lumabas na rin siya ng elevator saka sinundan ang lalaki. Naglakad na rin si Mae patungo sa reception area. “Will you stop following me?” baling ng lalaki sa kanya. Sa kasamaang palad kasi, nakasunod siya rito dahil mukhang pareho na naman sila ng pupuntahan. “Can we do the interview tomorrow?” “No. At paki-bura na rin ang mga pictures ko sa cellphone mo.” “Buburahin ko. Bukas. Pagkatapos ng interview natin. G?” “G?” “Go.” “No. And delete those pictures on your cellphone, or I’ll sue you for invasion of privacy.” “Okay. I’ll do that. Tomorrow. Pagkatapos ng interview ko sa iyo. Hindi kita tatakbuhah, pramis.” “Paulit-ulit na lang ito. Kayo na lang ng lawyer ko ang magkita bukas. What’s your name again?” “Beyoncé.” “Mae?” Napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya. Isang lalaki na nasa edad na mga past fifty na siguro, pero halata pa rin na nung kabataan nito ay maraming babae ang nabaliw dito. “Mae Ramirez, right?” “Sino ho sila?” “Oh, sorry. I’m Allan dela Merced. I’m friends with your parents. At naikukuwento ka nila sa akin tuwing napapadalaw ako sa ospital ninyo.” Agad napasimangot si Mae nang mabanggit ang mga magulang niya. “What did they say? That I’m their good-for-nothing, worthless daughter?” “No. But—“ “Huwag nyo na hong pagandahin ang mga sinasabi ng parents ko. Alam ko na ho iyon. At tanggap ko na rin.” Napansin ni Mae na mataman lang na nakamasid sa kanya si Rafael. Inismiran lang niya ito. “You’re with her, hijo?” Umiling si Rafael. Tumango naman si Mae. The older man’s eyes smiled, making his facial features a little softer. “Wait, sabi nyo ho dela Merced ang epilyido nyo? Kaano-ano nyo ho ang lalaking ito?” turo niya kay Rafael. “I’m his uncle.” “Uncle?” Parang nakakita ng umilaw na bumbilya si Mae. “Uncle! Hello po! In fairness ho, akala ko talaga kanina magkapatid kayo. Ang bata pa ho nyo para maging uncle na ng isang gaya nitong si Rafael.” “His mother had him at a young age.” There was a stiffness in Allan’s voice. “Sorry, Tito. Just give me a minute,” wika ni Rafael saka hinila si Mae palayo sa tiyuhin nito. Sa tapat ng cafeteria sila nakarating. “Ano ba talaga ang gusto mo, ha? Sinabi ko na sa iyo na—“ “One caramel macchiato and two of that delicious pastry.” “What?” “I want those.” Itinuro ni Mae ang mga tinapay na nakahilera sa display rack na agad inasikaso ng cafe crew na naroon. “Libre ‘to, ha? Since ikaw ang nagtanong ng gusto ko…” Hindi na naituloy ni Mae ang sinasabi nang dumako ang mga kamay ni Rafael sa kanyang mukha at ikulong iyon sa pagitan ng mga palad nito. For the first time in her life, she suddenly ran out of words to say. He was looking straight at her and she was looking up at him, his thumb was gently brushing against her cheek. His gesture was making her feel warm and fuzzy. And, man, he was really handsome. But… Payment bills is lifer. “Marami akong libreng oras ngayong araw, Mr. dela Merced. Baka gusto  mong ngayon na lang natin i-schedule ang pagbubura ng mga pictures mo sa cellphone ko? May naka-ready na akong set of questionaires para hindi na tayo mangapa during the—“ Rafael had stuffed her mouth with the warm and fluffy pastry. “I don’t want you following me around. So delete those pictures now and get the hell out of my sight. Nagkakaintindihan ba tayo?” Inalis ni Mae ang nakasalpak na tinapay sa kanyang bibig. Kumagat lang siya ng maliit na piraso at nginuya iyon habang sumasagot. “Okay. Pero sana naiintindihan mo rin ang request ko, di ba? Para fair. Besides, isang interview lang naman iyon. Well, if you’re generous, puwede nating gawing series of interviews. Walang problema sa akin. And since nasa usapan na tayo ng generosity, pwede rin bang i-document ko ang daily life ng isang Rafael dela Merced? Kahit isang linggo lang. Ano? G?” Nakita ni Mae sa gilid ng kanyang mga mata na dumating na ang order niyang blended coffee. Pero dahil nakakulong pa rin ang mukha niya sa pagitan ng mga palad ni Rafael, she just reached out a hand and tried to pick up her drinks without moving an inch in front of the man she just laid out a lie that was worth half the lies she could make out in her entire life. Mabuti na lang at nagmagandang loob si Ati Girl Crew na iabot sa kanya ang inumin niya. Pero hangin na lang ang nahawakan ni Mae nang maunahan siya ni Rafael na makuha iyon. “Tomorrow. Two o’clock,” he said, taking a quick sip on the hot drinks. “Thanks.” Di na nagreklamo pa si Mae. Tapos na ang isang problema niya. May magandang balita na siyang maibibigay sa editor-in-chief niya. Time to go home and take her much-needed beauty rest while imagining treating herself to a nice bubble bath somewhere in Santorini with the most stunning view of Greece— “Ma’m, excuse me ho. ‘Yung…bayad nyo ho sa orders nyo?” “Ah, oo nga pala.” Lumapit siya sa counter at saka itinuro ang puwesto nina Rafael at tiyuhin nito. “Nakikita mo ang guwapong mama’ng iyon? Pakibigay na lang sa kanya ang bill. At pakibalot na rin pala itong natitirang tinapay. Salamat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD