"Pak! Tama ka diyan Claire." napahalakhak naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Mga baliw 'tong mga taong 'to dahil bigla-bigla na lang silang tatawa sa mga sinasabi ko. Kanina pa nila ako pinagtatawanan, lalapit lang ako sa kanila at may sasabihin lang tatawa na agad sila. What's wrong with these peoples? "You're still using the bekimon words," puna niya. "So what if I'm still using it? Wala namang masama sa paggamit doon at sa katunayan nga ay may motto pa ako sa sarili ko," proud kong sabi. "Ano?" tanong niya habang natatawa sa akin. "Once you pretended you can't restore everything to the original image of who you are." nakangiting sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at nag high five kaming dalawa. "Bongga!" "Tss," Bigla bigla namang nakiki-join ang isang 'to at may dala-

