Yvonne's POV Para siyang kinakabahan no'ng magkasama kami kanina. Something's wrong with him o baka naman may itinatago siya sa akin? Ewan. Umupo na lang ako sa ipinareserve kong mesa sa isang restaurant nang matapos akong mag banyo. Walking distance lang sa aming studio na kakatapos ko lang ding magphotoshoot kanina. Sabi niya kasi sa'kin ay magpareserved ako dahil sabay kaming kakain ng dinner. Kumbaga dinner date namin. Noong Valentine's day, simple lang naman ang nangyari. Pumunta kami sa Cebu at nag-date lang saka nag-enjoy sa isang napakagandang isla doon. And I'm thankful dahil hindi nga niya ako binigo no'n, for once he didn't broke his promise to me. Kahit madalas ang pagtatampo ko ay mahal ko 'yon eh, hindi ko kayang pahabain ang pride ko sa kaniya. Nakangiti akong tumingin

