Justin's POV Nag-iinat akong bumangon at bumaba. Pagkababa ay napansin ko ang nakadikit na note sa refrigerator. "Justin, kainin mo 'yang nasa mesa. Its all yours para magkalaman 'yang tiyan mo." basa ko sa sulat ni Mom. Napangiwi na lang akong lumapit sa mesa at tiningnan ang mga pagkain na nandoon. Umupo na ako at sinimulan ng kumain ng almusal. Mabilis kong naubos ang dalawang chicken legs nang may magsisigaw. "Yuhoo!" Napairap ako sa kawalan at napabuntong hininga. Nakakabanas lang dahil kay aga-aga eh, nambubulabog na nila ang haring katulad nila. "Mr. Diaz! Where are you?" Hindi ako tumayo para salubungin 'yong mga walang hiyang pumasok sa bahay. Nakakapanginit lang ng ulo, sarap na sarap ako sa pagkain dito. "Justin!" "Mr. LBM!" sigaw ni Mike. Sa inis kong marinig ang s

