Racelle's POV "Oy, congrats!" masayang bungad sa akin ni Kitian pagkarating ko sa restaurant niya. Napangiti ako at nakipagkamay dahil nakakahiya naman kung hindi ko siya kamayan. "Salamat." ngiting sabi ko. Sumandal siya sa upuan at tumingin sa akin. "Ikakasal ka na rin. Sana double wedding na lang," sabay ngiti pa niyang suhestyon. Ngumiwi naman ako at hindi ko gusto ang kaniyang suhestyon. "Nge, parang hindi naman na enjoy 'pag double wedding ang magaganap sa iisang simbahan saka ilang araw, linggo at buwan na lang ang kasal niyo. Kami next five months pa, by November siguro." sabi ko sa kaniya. Napawi ang ngiti niya sa labi at hindi ko alam kung ang dahilan ay iyong sagot ko sa ibang dahilan. Sumimangot siya at humaba ang kaniyang nguso na ipinagaalala ko. Lumapit ako sa kaniya a

