Yvonne's POV Kakauwi lang namin ni Jerome galing hospital. Nakakalungkot lang dahil paggising ko walang Kitian na nakayakap sa akin pero may iniwan naman siyang note sa bedside table, kaya hindi na ako nag-abalang itext siya. Pabagsak akong umupo sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan. Its just relief dahil mabuti na lang wala kaming photoshoot ngayon. Naramdaman kong may tumabi sa akin at hindi ko na kailangang tingnan pa kung sino dahil iisa lang naman ang kasama ko ngayon. "Hindi tayo aalis? Wala ba tayong photo shoot, Yvonnyita?" wala akong balak magmulat ng mata ngunit napamulat ako at umirap sa kaniya. "Sa tingin mo? Wala 'di ba? Kanina pa sana tayo nandoon kung meron." pilosopo kong sagot at napahilot na lang ako sa ulo ko. "Sabi ko nga. Mas maganda palang inaatake ka ng e

