Umupo muna ako sa tapat ni Mama at saka kumuha ng tinapay at pinalamanan ng ham. "Pa, nagpunta po kasi ako sa bahay nila Tristan. Pinuntahan po kasi ako ng Mama niya sa coffee shop na nabili ko. Hindi naman po ako makatanggi. Hanggang sa ginabi na kami ni Tita sa kakahintay kay Tristan. Nagkuwetuhan lang naman kami ni Tita at nanood ng Diary ng Panget na movie doon." pagkukuwento kanilang Mama at Papa sa nangyari. 'Yong nangyari nga kagabi ay masayang-masaya at hindi ko makakalimutan, first happy moment ko sa Mama niya iyon pero ang tanong does his mother approved to me? Hindi naman kasi porket masaya kami kagabi ay tanggap na ako ng Mama niya. That thoughts keep bothering me. Kumagat ako ulit sa tinapay saka napatingin kay Mama ng magsalita. "Hon. nakakatampo si Racelle 'no?" "Hala, h

