Melissa's POV
Parang kahapon lang kami pumunta sa Pampanga pero tatlong araw na ang nakalipas. Ang saya saya ko 'non, dahil nga sa ngayon lang ako nakahanap ng makakasama este mga tunay na kaibigan. Sa madaling salita, ngayon lang ako nakahanap ng masayang barkada na katulad nila.
Tuwang-tuwa akong nakilala ko sila dahil nagbigay sila ng saya at ibinigay sila sa akin ng diyos bilang pangalawang pamilya. Mas lalo na si Jerome na super ang pangwe-welcome sa akin. Kinilig pa nga ko nang yakapin niya ako nang ipakilala ako sa kaniya ni Estella subalit sayang, dahil isa pala siyang bakla. Crush ko kasi siya at kung lalaki lang siguro si Jerom, siguradong magseselos si Justin sa Pampanga kung nandoon man siya.
Makikita mo sa kanilang dalawa ang sweetness sa isa't isa. Kami nga ni Claire ay hindi na makapagsalita noong nandoon kami, nagkaniya kaniya na nga lang kami ng buhay ni Claire. Pero alam ko namang walang ibang kahulugan ang sweetness nila sa isa't isa. They are long time best friends kaya hindi na dapat kami magbigay ng malisya sa kanilang pagkakaibigan.
Sa Ferris wheel nga na imbes silang dalawa ni Claire at Estella ang mag partner para naman maka-close ko si Jerome, kaso bigla na lang niyang hinila si Estella. Tumawa na lang kaming dalawa ni Claire sa tabi dahil parehas kaming iniwan ng magiging partner namin. Tanging naisambit na lang namin ni Claire ay, "Kayo ba? Parang kayo ah. Akala mo kung sinong inaagawan ng girlfriend. Pero in fairness bagay din kayo kaso 'di puwede." napailing na lamang si Jerome 'nong mga oras na 'yon.
I realized that time na mas maganda pa palang maging kaibigan mo na lang ang crush mo kaysa umasa kang maging crush ka rin niya. Masasaktan ka lang kung umasa ka pa.
"Hoy!" muntikan ko naman maibuga ang kapeng iniinom ko dahil sa gulat. Galit kong nilingon ang may-ari ng boses na 'yon. Ang ganda na ng moment ko, mangiistorbo pa.
"Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya sa'kin. Inirapan ko lang siya at humalukipkip na nilingon ang window glass sa café.
"Gusto ko lang, bakit ba?" mataray kong sagot sa kaniya nang hindi siya nililingon sa tabi ko. May atraso pa siya sa'kin eh kaya ganito ako kalamig sa kaniya. 'Nong Birthday ko, hindi niya binili 'yung minsang itinuro ko sa kaniya nang isinama niya akong mag mall.
"Aba! Nagtataray ang tomboy. Ano bang atraso ko?" curious na tanong niya sa'kin saka umupo ito sa tabi ko. Psh, nangako tapos makakalimutan. Langya ang William na 'to, sarap upakan. Umakbay pa sa akin ang sinungaling.
"Nangako pero hindi naman pala gagawin. Dapat kasi 'wag ng mangako kung hindi naman gagawin, mahirap umasa sa wala." pagpaparinig ko sa bwiset na lalaking katabi ko na ngayon.
"Tsk, 'wag kasi maniwala agad-agad. Akala mo naman bibilhin na kaso 'yun pala hindi." pailing-iling pa niyang sabi sa akin at tinapik tapik pa niya ang braso ko. Kinurot ko ang kamay niya dahilan upang alisin niya ang pagkaka-akbay sa akin.
"Hindi na lang sana ako naniwala. Sino ba kasing hindi maniniwala kung ang ganda ganda ng pagkakasabi niya. 'Yung tipong mapapa-asa ka na lang talaga." may bahid na pagkainis at pagdidiin ang pagkakasabi ko sa bwiset na 'to.
"Teka nga, nakikihugot na rin ako sa'yo. Sino nga ba 'yong tinutukoy mo? Para kasing..." hay nako! Siya na nga tinutukoy ko hindi pa niya alam. Pamilyar na nga siya kung sino dapat alam na niyang siya 'yong tinutukoy ko. Napasapo na lang ako sa aking noo, ang tanga naman!
Inis kong humarap sa kaniya at nagpigil ng tawa dahil napakainosente ng mukha niya at tila hindi alam ang nagaganap, base sa kaniyang ekspresiyon ngayon. Subalit nanaig sa akin ang pagkainis dahil nga hindi nito tinupad ang pangako niya. Ako kasi 'yong tipo ng taong hindi lumilimot ng pangako at umaasang matutupad ito ng taong nangako sa akin.
"Tanga! Ikaw 'yung tinutukoy ko. Nangako ka sa akin na bibilhin mo 'yong cellphone na 'yon kaso hindi mo rin pala binili." nagulat siya sa sinabi ko na bumilog ang nguso niya. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa asar na asar na ako.
"SLOWMO King ka talaga! Sakit sa ulo mag-explain!" naiinis kong singhal sa kaniya sabay tayo at tumayo rin siya. Itinulak ko siya upang makadaan ako, kaso hindi man lang siya natinag. Langya! Buong lakas ko na 'yun. Ang tigas naman ng isang 'to.
"Makatanga ka naman. Akala mo kung sinong hindi rin tanga," wika niyang ikinapikon ko. Nanlilisik ang mata kong tumingin sa kaniya. Tanga, ako? Sino kaya sa amin ang mas tanga ngayon? Susme! Galit ko siyang hinarap at kinewelyuhan.
"Aba't 'wag mo akong tinatanga, you don't know me." maangas kong sabi sa kaniya. Ngumisi lang siya at tinanggal ang kamay ko sa pagkaka-kuwelyo sa kaniya.
"Napaka seryoso mo naman. 'Wag mong seryosohin maaga kang tatanda niyan. Baka nga hindi ka na gaganda 'pag nagalit ka pa." nakakainsulto niyang sabi sa akin.
"Edi ikaw na ang guwapo. Alis ka na nga diyan! Dadaan ako." inis kong sabi sa kaniya kaso parang wala siyang narinig. Nanatili pa itong nakatayo harap ko. Itinaas ko ang kamao ko at sinuntok siya sa braso. Ngumiwi siya sa sakit na naidulot ko.
"Sabing tabi eh! Hindi ka ba nakakaintindi?!" galit ko ng sigaw sa kaniya at sinamaan ko pa ng tingin ang bwiset na 'to.
Pinaningkitan niya ako ng mata at humalukikip siya sa aking harapan. "Tss. Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang sinabi mo. At porket binansagan akong SLOWMO King, eh, hindi ko na maiintindihan. Sadyang ayaw ko lang tumabi dahil may gusto pa akong sabihin sa'yo." sabi niya na nakatingin lang sa 'kin. Ibinaba ko ang nakakuyom kong kamao at taas kilay lang siyang tinignan. Naghihintay ako ng sasabihin niya ngunit walang isang salita ang ibinigkas niya.
Hanggang ngayon nakatayo lang kaming dalawa sa café at nagtititigan lang, wala na yata siyang balak magsalita. Magsasalita na sana ako dahil ayaw ko na ang katahimikan na ito nang biglang pumasok sina Claire, Mike at Estella.
"Hey, what's up! What are you doing there?" pa-cool na bungad ni Mike at tumigil sila sa kung nasaan kami. Bahagya pa akong itinulak ni Claire palapit kay William.
“Para kayong timamg, anong bang ginagawa niyo? Mannequin challenge?” tanong ni Claire.
"Nagtitigan lang, dahil mukhang walang balak magsalita itong partner in crime mo Mike." sabi ko sa kanila nang hindi ako nakatingin. Naiinis ako. Akala ko ba ay may sasabihin siya tapos hindi naman iimik.
"Hay nako! Mukhang nag-away na naman kayong dalawa. Alam niyo 'wag kayong gumaya kina Mike at Claire," sabay turo niya dalawa nang lingunin ko siya. “Palagi na lang bangayan ang dalawa at nakakarindi sa tenga. Magbati na kayo, hindi niyo bagay ang maging ganon sa kanila." dugtong niya.
"Psh, sa 'min lang ang posisyon na bangayan pero sweet namang tignan." nakangiting sambit ni Claire at kung mapapansin mo ay blooming siya ngayong araw. Inilipat ko ang tingin ko kay Mike na nakangiti rin saka tumingin ako pababa at ayon, nakapulupot ang braso ni Mike sa bewang ni Claire.
Nawala ang atensyon ko Kay William na mukhang tudo pa rin sa harap ko. Pinaningkitan ko ng mata ang dalawa sabay ngisi, habang sila ay natatawa at magtitinginan. There's something. Something that I knew already.
"Ay, nadulas na ako," sabay takip ni Claire ng bibig at napahagikhik. Sinasabi ko na nga ba, pero ba't ang bilis naman? Parang 'nong last week lang ay nag-break sila ng boyfriend ni Claire tapos malalaman naming sila na palang dalawa ngayon. Jusko, si Mike talaga.
Mga galawan niyang hindi mare-reject. Ngumuso ako at tinaasan ng kilay si Mike. Mahina naman siyang tumawa at humilay kay Claire nang mapansin niyang nahalata ko na.
"Si baby talaga. Okay lang, para wala na tayong lihim." natatawa namang sabi ni Mike sabay akbay niya kay William,. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umiimik. Mga mata niyang nakatingin sa sahig at tila ba pinutulan ko siya ng dila kaya ito hindi magsalita.
Ibinalik ko ang tingin ko sa ka kya at kinompronta ito. "Oh, 'di ba may sasabihin ka sa'kin? Sabihin mo na. Nangangawit na kasi akong nakatayo rito habang hinihintay ang sasabihin mo."
Blangko lamang siyang tumingin sa akin. "Wala akong sasabihin. Siya nga pala belated happy birthday tomboy." sabi niya at saka may kung anong inlabas siya sa bag niya. Inilapag niya sa mesa ang maliit na kahon at ni isang salita ay wala siyang binigkas nang lisanin niya ang café.
Hindi ako naimik at tila naging tuod bigla sa aking kinakatayuan. Aaminin kong may pagka-boyish ako pero hindi naman ako aabot sa puntong magkakagusto ako sa kauri kong babae. Sa pag-uugali ko lamang ako boyish at sa kadahilanan rin sigurong nag-iisa lamang akong babae sa pamilya kaya ganito ako.
Umupo ako at nahihiya ng hinawakan ang inalapag niyang kahon. Kinuha ko ito sabay lapit sa tenga at inalog-alog. Mabigat tila may laman na hindi ko makumpirma kung ano.
“Paano mo malalaman ang laman niyan kung aalugin mo na lang buong magdamag.” inip na salita ni Claire.
“Kung buksan mo na lang kaya nang makita mo.” singit ni Estella sa tapat kong nakaupo na rin.
“Buksan mo na. Hindi naman magre-regalo 'yon nang kung ano-ano." sabi ni Mike. Huminga muna ako ng malalim at excited na binuksan ang nakabalot na kahon. Pagbukas ko ay bigla akong na-guilty.
"Oh my cellphone? Cellphone ang birthday gift niya sa 'yo? Naks! Ang mahal niyan." hindi makapaniwalang sabi ni Estella na napapalo pa sa mesa. Maging ako na natalakan siya ay hindi rin makapaniwalang binili niya pala iyon at hindi niya kinalimutan.
Ang lakas maka-konsensiya. Hindi ko na lang dapat siya pinagsalitaan ng kung ano-ano. Nahihiya tuloy akong harapin siya. Napahilamos na lamang ako ng mukha ko at umiling-iling ng ilang beses.
"Oh bakit malungkot ka? 'Di ba dapat masaya ka dahil niregaluhan ka niya?" takang tanong ni Claire sa akin. Nakasimangot akong binalingan siya ng tingin sa tabi ni Mike. Hindi ko napansing nagpalitan pala sila ng upuan ni Estella, ngayo'y nakaupo sa tabi ko.
"Eh... inaway ko siya eh. Akala ko nakalimutan na niya." malungkot kong wika sa kanilang tatlo. Tumawa naman bigla si Mike na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Malungkot naman ako, ah, at bakit tumatawa ang isang 'to?
"Hoy! Anong itinatawatawa mo diyan? Upakan kita gusto mo?" napalitan ng inis ang mukha ko nang hindi tumitigil sa pagtawa si Mike na parang nasisiraan ng bait.
Itinaas niya ang kanang kamay niya na tila namamanata. "Ayaw ko masapak, baka ipagpalit na ako ni baby ko niyan sa iba," tumatawa niya pa ring sabi habang nakatingin pa kay Claire. Ngumuso ako at tila nakaramdam ng inggit. Yong crush ko kaya, kailan ako magiging crush?
Sumimangot ako ulit nang sumagi sa isip ko na wala akong pag-asa sa crush ko. Ang crush parang crushed, nadurog ang puso mo dahil may iba siyang gusto.
"Eh bakit ka tumawa?" baling ko sa kaniya.
Laking pasasalamat ko naman nang tumigil siya sa pagtawa nang batukan siya ni Claire. Bumalik siya sa kaniyang wisyo at sumagot ang aking tanong. "Hindi ka kasi naniniwala sa kaniya. Hindi 'yon ulyanin. Kilala ko ang isang yon, remember, we're partner in crimes.” sabi nito.
“So? Anong connect sa pagtawa mo ng walang nakakatawa?” pambabara ko.
“Kasi naman kayong mga babae, inuuna pa ang pagtatalak kaysa tumahimik at maghintay ng ibibigay naming mga lalaki.” sermon niya. Nagtipakan naman kaming tatlong babae sa sinabi ni Mike. “Wow! Madalas kasi paasa kayong mga lalaki.” singit ni Claire.
“Aish! Lahat ng tao paasa, walang taong paasa kung palagi namang may umaasa.” sagot ni Mika na nangangamoy magde-debatehan na naman ang dalawa.
“Oy! Tama na nga 'yan, bangayan kayo ng bangayan bakit hindi na lang kayo magbahay-bahayan?” suway ni Estella na sumisimsim ng kapeng kaninang iniinom ko.
“Great idea, Estella.” pasalamat ni Mike sabay nakipag-apir kay Estella.
“Ang swabe niyo kausap. Astig iliko ang usapan sa iba." reklamo ko.
“Ano bang gusto mong malaman? About his life?” tanong ni Mike. Hindi ako tumango ni umiling. Hindi ako um-oo pero nagkuwento siya tungkol sa buhay pag-ibig ni William.
"Alam mo bang sila pa hanggang ngayon ng girlfriend niyang nasa ibang bansa? Pero nakakalungkot lang dahil hindi na sila kasing sweet tulad 'nong dati. Tapos dinagdagan mo pa, aish. Kawawa naman ang bebe ko." lumalabas sa akin na parang naninisi pa si Mike ngunit hindi ko na lang 'yon pinansin. Bigla kasi akong na-curious sa tagal ng relasyon nila.
"Ilang months? Years sila ng girlfriend niya? Nakalimutan ko na kasi." tanong ni Claire. Hindi ko nahalata na may girlfriend pala siya. Ako lang yata ang hindi alam na may girlfriend pala siya.
"Second year high school pa lang ako, may girl na siya. He's 15 years old and he's now 22 years old. So the total is seven years na at mabuti na lang ay tumigil na ako sa paghihintay.” sabay tawa ni Estella sa tabi ko.
“Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Pitong taon? At labin-limang taon pa lang siya nang maging sila? Hanep, maaagang lumandi. Pero paniwala ako sa ka-loyal-an ni William, nakaabot siya ng pitong taon. Swabe.
"Oo, Since second year highschool pa sila at ngayong fourth year college na tayo. So 7 years na sila. Alam naming lahat na may girlfriend na siya pero kahit may girlfriend na siya nagbaba-babae pa rin siya. Ang lakas ko kasing mang bad influence." proud pang sabi ni Mike.
"Kaya nga ako nagmo-move on 'nong mga panahong iyon dahil hindi na puwede. Pero ngayon wala na akong feelings kay William. Only Justin lang ako, no one else." sabat muli ni Estella.
"O siya. Iniiba niyo na ang usapan. Kayo na ba?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan ang dalawa at sabay na humarap sa amin at napakibit-balikat na lang.
"Hindi pa ba halata?" pilosopong sagot ni Claire. Kahit kailan talaga ang sungit sungit ng isang 'to. Parang laging may dalaw na hindi naman dapat araw-arawin.
"Hindi ako updated eh, kaya nagtatanong nga 'di ba? Malay mong trip niyo lang maging sweet minsan dahil nagsawa na kayo sa bangayan." pamimilosopo ko din. Hinagisan ako ni Claire ng nakalukot na tissue at sumakto pa sa mukha ko.
"Hindi kami pero..." sabi ni Mike na may pabitin pang nalalaman. Saktong nasa tapat ko siya kaya sinipa ko ang paa niya nang sabihin niya agad kung anong meron sa kanila ngayon. When our curiousity kills strikes. "Nako Mike! 'Wag kang pabitin malalagot ka sa 'kin. So ano na? Anong status?" tanong ni Estella.
"Atat kayong masyado ah," asik ni Claire sabay tawa.
"Curious lang kami kung paanong naging kayo. Lagi kasi kayong nag-aasaran at nagbabangayan kaya imposible na maging kayo." sabi naman ni Estella na sinang-ayunan ko nang pagtango.
"Ewan. Hindi ko na pinansin na kahit nasaktan ako ay pumayag ako sa kagustuhan niyang maging rebound boyfriend ko siya kuno. Pero, kahit masaktan man ako o hindi, that's already part of life that you will feel the pain." sabi niya na may pahabol pang kaalaman sa dulo. Napatango-tango kami ni Estella. Pero alam ko na ang magiging ending ng dalawang 'to. Ayos dumamoves si pareng Mike ah. Maproseso ang paraan niya.
"Mr. Casanova vs. Ms. Casanova. Yah! Bagay o di kaya'y Enemy turns into a lover." kinikilig na sabi ko sa kanila. Isa-isa naman nila akong binatukan.
"CHILDISH!" sabay-sabay nilang sabi. Anak ng! Okay, childish ako na boyish. Pero ang sakit ng pagbatok nila ah, parang may mga stars ng lumilipad.
Binuksan ko na lang 'yong cellphone na birthday gift niya sa'kin. Inumpisahan kong mag-scan ng mga apps. Chineck ko rin ang contacts baka kasi nai-save niya 'yong cellphone number. Hinalungkat ko pa 'yong box at 'yong wrapper baka kasi may sulat na nakadikit.
In-on ko na lang 'yong mobile data connection ko at saktong lumitaw ang pangalan niya sa messenger chat head. Ngiting aso kong binasa ang sinabi niya. Naks! Naka online ang bwiset.
William: O, ano masaya ka na? May bayad 'yan ha? Mahal ang pinagbili ko diyan pero kahit huwag mo na pa lang bayaran. Baka kasi ibayad mo sa'kin suntok. Ayaw ko pa naman maging panget lalo na't tomboy pa ang gagawa sa akin.
Napailing na lang ako sa kinauupuan ko nang mabasa ko ang message niya. Akala ko nagalit na siya sa'kin. Sa harsh ko ba naman magsalita kanina? Sinong hindi mag-aakalang magagalit siya o magtatampo sa akin lalo na't sinabihan ko pa siyang tanga.
Me: Masayang masaya ako. Pero langya ka par! Sabing hindi ako tomboy.
William: Tsk, tomboy ang gusto ko eh. Wala ka ng magagawa. Saka huwag mo akong tawaging par. Hindi tayo close. Tampo ako sa 'yo. Bleh! :P
Me: Eh? Edi wow! Mr. SLOWMO King.
"Mga baklaa~!" napalingon ako agad sa may-ari ng boses na iyon.
"Nandito lang pala kayo. Hindi man lang kayo nag-text sa akin, pinagod niyo pa ang beauty ko sa paghahanap sa inyo." maktol niyang umupo sa tabi ko at tila nag slow motion ang lahat nang makipag beso-beso siya akin ito cheeks to cheeks.
“Nae hogam.” salita kong wala sa katinuan na nagpakunot sa noo ni Jerome.
"Nae Hogam?" takang tanong niya. Nakangiti akong tumango sa kaniya.
“Oo.” sagot ko.
Pinitik niya ang noo ko. “Baliw ka.” sabay tawa niya sa akin.
Hindi niya ba naintindihan?