Estella's POV
"Good morning!" masayang bati ni Jerome nang makarating siya sa meeting place. Tumabi naman siya agad sa akin pagkatapos at mas lalo niya akong pinausod kay Justin na abala sa pakikinig ng musika.
“Tch. Tumahimik ka nga d'yan. Baka magising si Justin.” suway ko sa kaniya. Nahulog ang ulo ni Justin na sinalo naman ni Jerome ang ulo niya bago lumanding.
“Tumatahimk na mga. Ang bigat ng ulo,” reklamo niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ang sama mo naman sa akin. Nagka boyfriend na lang ganiyan ka na.” maktol niya. Ngumuso ako at bahagyang inilapit ang labi ko sa pisngi niya. Pagdampi ng labi ko sa pisngi niya ay tumili siya.
"Ang hyper mo palagi. Parang lagi ka na lang na-overdose." masungit na sabi ni Justin na umakbay na sa akin.
Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa cellphone ko at naghihintay ng mga text ng iba. Ang tagal naman nila. Sarap iwanan na lang at pasunudin na lang sila doon. Magco-commute pa man din kami mabuti na lang kung magdadala ang isa sa kanila ng van.
"Psh, wala ka nang pake! Atlis hindi ako weirdong kagaya mo." nakangusong sabi ni Jerome na tila inaasar na naman si Justin. Ito talagang baklang na 'to mapang-asar kahit kailan. Alam naman niyang weirdo itong boyfriend ko, ipinapamukha pa lalo.
"Tama na nga 'yan. Baka mag-away na naman kayo sa harap ko." awat ko sa kanila. Pinandilatan ko ng mata si Justin upang hindi na magsalita pa. “Why? Hindi ko na siya papatulan.” sabi niya.
Nag thumbs up ako at lumingon ako kay Jerome na tahimik na tumatawa. Nag-zip mouth naman si Jerome sa tabi ko at nag-cellphone na lang din. Madalas kasi magkasagutan ang dalawang 'to kaya iniiwas ko na.
Muli kong ibinalik ang tingin sa cellphone ko. Baka hindi na dumating ang apat na 'yon. Paano na ang usapan namin na pupunta kaming Baguio? Paasa talaga sila.
"Argh! Ang tagal naman ng mga apat na 'yon." naiinip ng sabi ni Justin sa tabi ko. Umiling ako. Mga Heartthrob Kings talaga, mga walamg patience. Isa lang ang kilala kong may patience sa kanilang lima. Si ano… si ex-crush ko este si William.
Mayamaya bigla na lang dumating 'yong dalawang mag-partner in crime. Magka-akbay pa ang dalawa nang tumingin ako sa kanila. "We're already here!" sabi ni Mike at inilibot pa niya ang paningin niya. Mukhang may hinahanap siya.
"Si Claire ba?" pinangunahan ko ng tanong sa kaniya.
Napakamot siya sa ulo niya at nag-iwas ng tingin. "Ah, 'di ah,"
Tumawa naman si Justin sa tabi ko. Halata naman sa kaniya na siya ang hinahanap niya rito. Ano na naman bang nangyari sa kanila? Akala ko mag-baby na 'yong dalawa.
"Sus! Deny pa bro. Halata naman na siya ang hinahanap mo. Kung inamin mo na lang kasi." pailing-iling na sabi ni William at inalis ang pagkaka-akbay Mike. Naglakad ito patungo sa tabi ni Jerome saka umupo.
"Hind ko nga siya hinahanap." naiinis na sabi ni Mike. Tinaasan ko siya ng kilay. “Asus! Deny pa more Mike. Hindi bagay sa'yo ang magpalusot.com.” sabat ni Jerome.
Ngumuso lang si Mike at nag-iwas na naman ng tingin. "Akala ko ba kayo na. Baby pa nga tawagan niyo 'di ba?" sabi ko.
“Baby? Hindi kasi sanggol si Claire,” natatawang komento ni Justin sa aking tabi.
Humaba pa lalo ang nguso ni Mike at tila naiinis. "Baby ko na nga siya kaso hindi ko maintindihan ang isang 'yon. Mukhang nagkamali yata ako ng ginawa. Pero hindi naman sa pinagsisihan ko ang ginawa ko, gusto ko 'yong ginawa ko dahil mahal ko siya kaso nakakatampo lang dahil lagi na lang niya akong hindi sinisipot sa date namin." malungkot na wika ni Mike at bumagsak pa ang balikat niyang punong-puno ng panlulumo. So tampurorot siya ngayon? In-indian siya ng ka-date niya, kawawa naman.
"Ganiyan na ba ang Casanova King namin? Nagiging loyal na?" nakangising patanong na sabi ni Justin. Loko 'to, parang mas gusto niya 'yong lagi na lang may kasamang iba si Mike.
"Hindi ako loyal. Sadyang mahal ko lang 'yong babaeng iyon ngayon." pagtatama niya.
"Woooooh! Alien!" sabay-sabay naming hiyawan at nagtipakan pa. Iba talaga ang nagagawa ng taong in love 'no? Kahit anong kagaguhan ang gawain niya naiiwawasto mo na lang ito bigla dahil sa kaniyang nararamdaman.
"Oh, kinilig na agad kayo?" nakataas kilay na sabi ni Claire sa likod ni Mike. Nandito na pala 'yong dalawa.
"Ito naman oh,” sabay siko ni Melissa kay Claire. “Kararating lang natin nagsusungit ka na." dagdag niya.
“Ito naman, hindi ba pwedeng magbiro?” sabay tawa ni Claire. Lumapit naman agad ako ni Melissa ng mahigpit na yakap.
“Besty! Miss yah!” hinigpitan ko rin ang yakap ko. May naaalala ako. Si Racelle kaya, kumusta na ang isang 'yon? Hayp magpa-miss.
"Tara na! Naiinip na ako." masungit na sabi ni Justin. Napakalas si Melissa yakap at himapas sa braso si Justin.
“Panira ng moment, eh." usal ni William na sa amin na pala ito nakatingin.
“Ang bigat ng kamay mo. Bato ba 'yan?” tanong na reklamo ni Justin.
"Tin, huwag masungit, okay?" natatawa kong sabi sa kaniya sabay tayo ko at nagsitayuan naman ang mga kasama namin. Malapit sa meeting place namin ang terminal ng bus papuntang Baguio kaya lalakarin na lang namin.
“Gora na!” sigaw nila Jerome at Melissa na nangunguna sa paglalakad.
Nakarating na kami sa terminal. Saktong may mga nagtitinda doon na mga pagkain. Itinuro ko 'yon kay Justin at lumapit kami doon mayamaya nagsilapitan din sila upang bumili rin. Si Jerome mukhang binili na lahat dahil sa dami niyang dinampot. “Ate, pa-plastic naman po lahat. Saka magkano po?”
"Oy, dahan-dahan sa pagbili Jerome. Baka maubusan ka ng pera niyan!" sita ni Melissa.
"Huwag mo siyang pakialaman, mayaman 'yan." sabat naman din ni William na magkatabi sila sa pamimili.
Tatlong junk foods lang ang binili ko at dalawang in can bottle lang. Pinakita ko kay manang ang binili ko at iniabot ko na ang bayad. Nagkatinginan naman kami ni Justin nang binawasan niya ng dalawa ang mga tsitsiria na binili ko at ibinalik kung saan ko kinuha.
“Ate, isang junk food lang.” sabi niya.
Nagtataka ko naman siyng tiningnan at nakaawang ang bibig ko. "Bakit?" tanong ko.
"Huwag kang bumili ng mga junk foods, hindi 'yan healthy kainin." seryoso niyang sagot. Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Ngayon lang ulit ako makakakain ng Nova at Piatos. Sige na, pagbigyan mo na ako please, babe." pagmamakaawa ko na hinaluan ko pa ng puppy eyes para pumayag talaga siya.
Pero sa totoo lang lagi kaya akong kumakain ng mga junk foods sa bahay, kasi alam niyo na walang nagbabantay sa akin kaya feel free to do what I want.
"No." matigas na sabi niya saka kinuha na ang sukli at iniwan ako. “Barya ko 'yon, ah." reklamo ko.
Sumunod na lang ako sa kaniya na hinihintay niya ako sa bus, katabi ang konduktor na nagtatawag ng pasahero.
Aish, grabe naman ang isang 'to buti na lang at hindi na niya pinabalik sa akin 'yong dalawang in can na soft drinks saka yung clover.
Sabay kaming pumasok sa loob at naghanap ng bakanteng mauupuan naming dalawa. Nang makaupo kaming dalawa ay agad akong dumungaw sa bintana.
Nandoon pa rin silang lima na bumibili pa rin. Wala yata silang balak sumakay. Mapupuno na ang bus at hindi pa sila nakakasakay. "Dalian niyo guys, baka maubusan na kayo ng upuan! Saka Claire at Mike ano na naman 'yan? Nag-aaway na naman kayo.” sigaw ko na narinig naman nila dahil iwinagayway ni Claire ang kamay niya.
Hinanap ng mata ko ang tatlo. “William halika na isama mo na si tomboy este si Melissa. Bakla! Dalian mo na baka umutang ka na niyan sa akin kapag naubos na pera mo!" sigaw ko sa kanila.
“I'm coming!” sigaw pabalik ni Jerome.
Dali-dali naman silang nagtungo sa bus na kung nasaan kami. Nadinig ko ang tawanan nila at ang mga mabibigat nilang yabag na papasok sa bus. Naramdaman ko ang paggalaw ng sandalan ng kinaauupuan namin at ang malakas nilang tawa. Nag-uunahan yatang makaupo sa tabi ng bintana. Lumingon si Justin kaya maging ako napalingon na rin sa kanilang. Pinagitnaan nila si Melissa.
"Hoy! Grabe kayo. Huwag niyo nga akong pitpitin." sabi ni Melissa. Pantatluhan kasi ang upuan at saka imbes na uupuan ng pasahero 'yong sa tabi ni Justin ay pinagpatungan na lamang niya ng bag namin. Ayaw yata magpaupo ng kahit sino.
Nandito na rin 'yong dalawang mag 'baby'. "Para ka talagang bata." naiinis na singhal ni Claire.
"Hindi ako bata, okay? Humihingi lang ako ng sorry," sumbat naman ni Mike.
"O sige na nga! Para matahimik ka ng orangutan ka. Forgiven ka na."
"Lagi ka na lang masungit. Sa bagay lagi naman na, at ano pa bang bago? Himala na lang pag hindi ka nagsungit." Itong dalawang 'to ang ingay ingay. Sa tabi namin sila umupo dahil bakante naman iyon.
Mayamaya napuno na rin ang bus papuntang Baguio, hindi rin nagtagal ay umandar na ang bus. “Hay salamat. Makakaalis na rin."
“Mike naman, eh! Yang kamay mo kung saan saan na naman napupunta!" asik ni Claire kaya napalingon ako sa gawi nila at nagpipigil ng tawa.
“Parang ipapatong lang naman sa hita mo.” sagot ni Mike.
“Oy! Tama na iyang kalaswaan.” sita ni Justin.
Nagsimula naman ng naningil ng pamasahe 'yong konduktor. Nang nasa tapat na namin yung konduktor naglabas agad ng pera si Justin. "Keep the change." tipid nitong sabi.
"Himala nanlibre ang weird!" nakakalokong sabi ni William sa likod na pinalo pa ang sandalan ng kinauupuan ni Justin.
"Tsk, ngayon lang 'to. Kayo na magpamasahe pauwi." sagot naman ni Justin.
Sumandal naman ako sa balikat niya. "Naks! Iba talaga ang mayaman." sabi ko sa kaniya. Napatawa lang naman siya sa sinabi ko at hinalikan ako sa buhok.
-------
Makalipas ang ilang oras, nakarating na rin kami sa Baguio. Ang lamig ng klima dito kaya pala ang daming gustong pumasyal dito eh. Maraming turistang dinadayo ang Baguio dahil ito ang summer capital, and sa pagkakaalam ko pa ay maraming Korean daw dito.
Our first destination is the mansion house. With its beautiful gardens and a well-manicured lawn, it is a favorite site for sightseeing and picture taking kaya panay ang pagkuha namin ng litrato. We took some pictures, selfie, groupie, at by partners. The ambiance is so wonderful. Mabubusog talaga ang mata mo sa ganda at mamangha ka na lang.
Across the road from the Mansion House is Wright Park, a quiet promenade with a long reflecting pool lined with pine trees. A long stairway leads visitors to the back where ponies for children are available for hire. Dotted all around the nearby hills are vacation homes and small inns.
Nanguna sa paglalakad ang tatlo, habang nasa harapan naming naglalakad ang dalawang mag 'baby', at kami ay nagpahuli para aming sulitin ang kagandahan ng kapaligiran. Tumigil sila kaya maging kami ay napatigil sa paglalakad nang kami ay nagkumupulan na. The horses in the stable were colorful and strong. Some of the horses' manes were dyed in pinkish color. It was an eye opener to see so many horses in a stable. In the other side there were few street pedlars trying to selling products like belts, hats etc.
Sinalubong namin ang lalaking nakatayo roon at tila inaayos ang kabayo. Umalis sa aming tabi sina Mike at Claire. Pumunta muna sila saglit sa mga naglalako at nagtingin-tingin yata ng kanilang mabibili. Kinakausap naman ni Justin si kuya.
Tahimik lang naman din akong lumingon-lingon sa paligid. "Bakla, ang ganda dito.” manghang sabi ni Jerome. “Ang cute ng kabayong tinina ng pink," sambit niya at bakas sa kaniyang mukha ng aking lingunin siya ang pagkasabik na sakyan ito.
Naramdaman ko ang paghapit ni Justin sa aking bewang. “Tara na,” aya niya at una akong pinasakay sa kabayong kaniyang ni-rentahan. Akala ko ay ako lang mag-isa nang sumakay rin siya. "Let's share, ayokong wala ako sa tabi mo.” malambing niyang bulong sa pagitan ng aking leeg at naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang malambot na labi sa aking earlobe.
Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinagapang sa buhok ng kabayo ang kamay ko. Sa wakas, nahawakan ko rin siya. Gusto ko talaga siyang hawakan kaso natatakot ako na baka biglang sumipa. “Kitang-kita ko sa mata mo na gusto mong hawakan,” sambit niya na aking ikinangiti.
Nag-unahang tumakbo sila Mike at Claire. Nag-renta rin sila ng kabayo. Isinuot ni Mike kay Claire ang binili niyang sumbrero. Humarap naman si Claire sa kaniya at handmade na kwintas. “You look so perfect, today.” napaubo bigla si Justin sa likuran ko dahil sa sinabi ni Mike.
"Gasgas na 'yong mga ganiyang linya mo, bro. wala na bang bago?" pang-aasar ni Justin. “Inggit ka na naman sa akin.” biro ni Mike.
“Sa akin ka yata naiinggit dahil sa kaguwapuhan ko.” mayabang na sabi ni Justin.
“Mukhang binaliktad mo, ah. Ako ang guwapo at mukhang naiinggit ka kaya sinira mo ang pormahan ko ngayon.” mahangin na wika ni Mike.
“Para walang away, parehas kayong ipo-ipo." inis kong singit sa kanilang usapan.
“Bakit ipo-ipo, babe? Anong connect?” takang tanong ni Justin. Simple akong umirap at itinaas ang kamay ko. "So hangin~!” angil ni Claire sabay tawanan naming dalawa.
"Share share o solo na lang?" tanong ni William. Hindi pa rin ba sila tapos mag-usap-usap? Kaming apat ay naka-angkas na sa aming kabayo at sila na lamang ang aming hinihintay.
"Share na lang, nagtitipid ako 'no," sagot ni Melissa.
"Eh sinong partner mo? Alangan naman solo ko saka alangan naman isang kabayo tayong tatlo?" taas kilay namang sabi ni Jerome. Parang ewan itong tatlong 'to.
"Para silang ewan Es." inip ng maktol ni Justin sa akin na kaniyang ipinatong ang baba sa balikat ko.
"Ako na lang ang magso-solo kayo na lang dalawa ang magsama." sabi ni William sabay abot ng pera niya. Umangkas naman na ang dalawa sa kabayong kulay pink ang buhok. Hinintay naming maka-angkas si Jerome. Nasa harap si Melissa habang siya ay nasa likod.
"Gentleman bro. akala ko ikaw yung nasa harap." hindi makapaniwalang sabi ni Mike.
Umirap si bakla sa kaniya. "Kahit bakla ako may respeto rin ako sa babae 'no. Saka lalaki naman talaga ako kahit papaano." sabi ni Jerome.
"Weh?" pang-aasar naman ni William.
Umirap na lang muli siya. "Oo nga sabi eh! Gorabells na!" sabay pinatakbo na nito ang kanilang kabayo. Gayon din ang ginawa naming tatlo.
“Huwang mabilis!” dinig kong suway ni Melissa dahil sila ang nangunguna. Ang bilis nilang magpatakbo, paano ba naman nakikipag-karera na sila. Alam naman nilang delikado ay sige pa rin sila.
“Alam mo,” pagbasag ko sa katahimikan na bumabalot sa amin. Gusto ko 'yong ganito, minsan lang ang palitan namin ng sugar-coated words. Mas gusto ko 'yong tahimik lang kaming dalawa ngunit ang mga ngiti at tingin namin sa isa't isa ay totoo. Mas nangingibabaw sa amin ang actions than words.
"Hindi ko pa alam," sagot niya. Kinurot ko naman ang pisngi niya. Hindi pa ako tapos eh.
"May ipapaalam ako sa 'yo," wika ko at matamis na ngumiti. Ngayon ko lang sasabihin sa kaniya ang mga salitang ito. Ang mga salitang galing sa aking puso na puno ng kaseryosohan. Salitang walang halong biro. “Buti na lang at ikaw ang pinili ng puso kong mahalin. Kahit minsan ay naiinis ako sa 'yo dahil lagi mo akong pinagbabawalan pero pinaparamdam mo naman sa akin ang pagmamahal mo. Ngunit sana naman ay maintindihan mong hindi lagi ay pagbabawalan mo ako sa mga gusto ko.” sabi ko sa kaniya na nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya.
“Sorry kung gano'n. Hindi ko kasi kayang makita kang may kausap na iba, may katawanan na alam kong hindi ako iyon. I admit that I am possessive but this is my way to love.”
“Can we trust each other, then? Hindi naman kita ipagpapalit sa iba at alam mo namang sa iyo lang ako.” salita ko. Huminga siya ng malalim. “I trust you.” wika niya.
Bigla naman nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at binasa ang text.
From: Mike
Hoy! Tama na nga ang lambingan niyo diyan! Bumalik na kayo rito dahil may pupuntahan pa tayo. Sige baka ipagdadasal ko pang ihulog na lang kayo niyang kabayo.
"Kahit kailan talaga panira sila." inis na sambit ni Justin. Tumawa ako.
"Halika na nga, umalis na tayo baka magkatotoo pa yung sinabi ni Mike." natatawang sabi niya. Mabilis naman kaming nakarating at nakita naman namin sila sa hindi kalayuan na abalang nagtatawanan roon.
"Mag harvest na lang tayo ng strawberry." sabi ni Melissa kaya sumang-ayon ako agad. Mukhang nag-crave tuloy ako sa strawberry thingy na 'yan. Matagal-tagal na rin akong hindi nakaktikim ng strawberry.
“Kayo na lang.” sambit ni Justin.
“Bakit? Ayaw niyo?” tanong ko.
Sabay-sabay silang umiling maging si Jerome. Wala na ring nagawa si Jerome kundi sa amin sumama kahit ayaw niya. Sumasama nga siya sa mga boys kaso ayaw nila sa kaniya, ang arte naman ng mga iyon. Hindi naman sinabi 'nong tatlo kung saan sila pupunta.
Tuwang-tuwa kaming tatlo na namimitas ng strawberry. Kumuha ako ng isa at isinubo kay Jerome, kinain naman niya kahit ang reaksiyon niya ay nandidiri. Humingi ako ng isa kay Claire na kumakain na.
"Bakla, isa pa." sabi ko kay Jerome sabay subo sa kaniya ng strawberry na hiningi ko. Malinis
"Masarap?" tanong ko. Hindi sumgot si bakla bagkus ang kaniyang mukha ay parang matatae siya na maisusuka na niya yung isinubo ko sa kaniya. Tumawa si Claire at Melissa.
"Haha! Ayaw mo ba ng strawberry?" tumatawang tanong ni Claire.
"Oo kaya ilayo niyo yan sa akin." nandidiri niyang sabi at napaatras. Lumapit sa kaniya si Claire at inilalapit nito ang strawberry na panay naman ang paglayo ni Jerome sa kamay ni Claire. Inilapit pa niya lalo yung strawberry sa mukha ni Jerome.
Tawa naman kami ng tawa sa reaksiyon ni bakla. Ginagawa namin siyang katawa-tawa kahit parang naiinis na siya sa ginagawa namin. "Oy! Tama na." suway sa amin ni Melissa.
"Ayiee! Concern." pang-aasar ko naman sa kaniya na sinundot-sundot ko siya sa tagiliran.
"Sinasabi ko lang dahil bully na 'yang ginagawa niyo." sagot ni Melissa. Hindi na lang namin siya pinansin dahil hindi naman mainisin si Jerome saka gustong gusto naman niya ang pag-trip-an siya.
Kumuha pa kami ng mga strawberries saka ibinato namin iyon kay Jerome kitang-kita mo sa mukha niya na inis na inis na siya at diring-diri.
Natigil lang kami nang mag-react na ito. "Tawa kayo ng tawa! Alam niyo na ngang ayaw ko pilit niyo pa ring inilalapit sa akin. Hindi ba kayo nakakaintindi!" sabay walk out niya.
"Niregla ba yon? Bigla na lang nag walk out." sabi ni Claire sabay sawsaw niya sa chocolate ang strawberry.
"Hindi. Nagalit ata siya sa ginawa natin." sagot ko.
"Tch, hindi 'yon. Kunting suyo lang sa kaniya okay na 'yon." sabi ni Claire.
Hindi siya pikon saka kapag pinagkakatuwaan namin siya dati, sisimangot lang siya sa tabi saka yayakapin lang namin at papatawanin namin siya tapos okay na. Pero ito, ngayon lang siya nag-walk out.
“Sinabi ko na sa inyong tumigil kayo, pero hindi kayo nakinig." pango-ngonsensiya ni Melissa sa tabi.
"Hindi gano'n ang Jerome na kilala ko. Hindi yon nagagalit at nagwa-walk out. Nagalit ata talaga siya Claire at Melissa." malungkot na sabi ko. Umirap lang sa akin si Claire saka sinubuan na lamang niya ako ng strawberry na isinawsaw niya sa chocolate, samantalang si Melissa naman ay ginugulo ang buhok ko.
Jerome, acting lang ba 'yan?
Paano na si best friend ko? Paano ko siya susuyuin kung nagalit nga siya sa ginawa ko?