"AWWW... that hurts... ah, 'tang-ina ka, Taz," sunod-sunod na reklamo ni Oreo habang nililinis ni Tazmania ang pumutok niyang kilay. "'Tang-ina ka rin, lollipop boy," sagot ni Tazmania, saka diniinan ang bulak sa sugat ni Oreo dahilan para mapahiyaw siya sa sakit. "Pasalamat ka nga at inaambunan kita ng ginintuan kong oras. Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yong makipagbugbugan ka sa mga pinsan mo?" Napaderetso siya ng upo. Nagsalubong ang mga kilay niya nang maalala ang nangyari kaninang madaling-araw sa reunion ng pamilya niya, kung saan muntik na niyang mapatay ang mga pinsan na lalaki, pati mga tiyuhin. Pero itinulak niya ang alaala sa likod na bahagi ng isip dahil hindi puwedeng sirain ang araw na iyon. "Huwag ka na ngang magtanong," reklamo niya. "Wow, ha. Sino kaya ang pumunta sa bah

