Chapter 12

1389 Words

DAHIL "injured" si Oreo, si Tazmania ang nagmaneho papunta sa set ng shooting kung saan nakahanda rin ang sorpresa niya para kay Kookie. Pagdating nila sa location, napangiti si Oreo nang makitang naroon na ang malaki at nakabukas na van na nagmistulang improvised stage, kung saan may banda na handa nang tumugtog at kompleto sa mga instrumento mula gitara hanggang drums. Ang indie band na iyon ay tinatawag na "Violet Rage." Nakilala ni Oreo ang mga ito nang minsan niyang i-direct ang music video ng naturang banda. Papasikat pa lang ang banda, pero malaki ang tiwala niyang makikilala ang banda dahil talaga namang mahusay tumugtog ang mga ito. "Direk," bati ni Kathreene kay Oreo. "Wala naman yata sa script namin na may bandang tutugtog para sa eksenang kukunan ngayong araw." Ngumiti siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD