SEASON 2: THE LOLLIPOP BOY *** NAKAHIGA sa kama si Kookie. Gising na ang diwa kahit nakapikit pa nang may humiga sa tabi niya at niyakap siya mula sa likuran. Pabango pa lang ng lalaki ay alam na niya kung sino iyon. Nang maramdaman niya ang halik na iyon sa kanyang pisngi ay napangiti siya. "What was that for, Bran? Natotomboy ka na ba sa 'kin?" "Loka, alam mong hindi tayo talo," natatawang sagot ni Branon. "Thank you kiss lang 'yon for helping me with Rob. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi magiging kami." Napasinghap pa rin sa gulat si Kookie dahil sa magandang balita. Ang totoo niyan, kahit alam niyang in love sa isa't isa sina Branon at Robin, nag-alala pa rin siya dahil mukhang hindi tanggap ni Robin ang pagiging bakla. She was happy the plan did work in the end. Pumihit si Kookie p

