HINDI komportable si Kookie ngayong nasa condo unit nila ni Branon si Oreo. Ngayong alam na nito na kay Branon uli siya nakatira, siguradong hindi itong mangingiming puntahan siya madalas gaya ng ginagawa ng binata noon. "Magkasama pa rin kayo sa bahay ni Branon," komento ni Oreo. "Pero mas okay 'tong apartment n'yo ngayon kaysa noon. Mas malaki." "Mas mahal din, pero hati naman kami sa renta kaya okay lang. Mas madali kasing magtrabaho kung magkasama lang kami sa isang bahay, lalo't sa bawat event na hawak namin ay kailangan talaga naming magtulungan," paliwanag ni Kookie habang ipinagtitimpla ng juice si Oreo. Kahit nakatalikod siya mula sa binata, nararamdaman niyang nakatitig ito sa kanya. Ang totoo niyan, hinihintay ni Kookie na magtanong si Oreo kung bakit niya ito iniwan noon, o

