Chapter 18

693 Words

"FRIENDS? Talaga bang friendship ang ibinigay mo sa lalaking 'yon sa halip na closure?" naiinis na tanong ni Kookie sa sarili habang nakaharap sa salamin sa banyo. Kaliligo lang niya at nakatapi lang siya ng tuwalya. Pero kahit nilalamig siya dahil sa kakarampot na telang nakabalot sa katawan, nakakaramdam pa rin siya ng init tuwing naaalala kung gaano kalapit sa kanya si Oreo. At kung paano siya nito tingnan na para bang gusto na siyang kainin... ... sa ibang paraan nga lang. Nag-init ang mga pisngi niya dahil sa pinag-iiisip, at nakita naman niya ang pamumula ng mukha sa salamin. Pinapasok na naman ng kamunduhan ang utak niya dahil kay Oreo. Bakit ba kasi ayaw pa siyang lubayan ng binata? At bakit ba kasi hindi mo siya magawang tanggihan? Matagal nang inamin ni Kookie sa sarili na a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD