ORLENE Pagkatapos ng lunch break ko ay agad na rin akong bumalik para dumuty uli. May ilang kwarto pa kasi ang naghihintay na malinisan ko. Wala naman akong kasama kaya kailangan kong mag-double time para mabilis akong matapos. Naglalakad na ako sa hallway ng 6th floor habang tulak-tulak ang trolley. Dalawa kasi sa mga kwarto rito ang nakatakda kong lilinisan. Sabi kasi ng isa kong kasamahan na si Maureen bago ito mag-break ay meron pa raw dalawang kwarto ang hindi nalilinisan kaya nagpresenta na akong ako na ang maglilinis niyon. Binanggit niya na rin sa akin ang numero ng mga kwarto. Tapos ang sabi pa nito ay tutulungan niya raw ako pagbalik niya pagkatapos niyang mag-break. Maingat at marahan akong naglalakad. Sobrang tahimik lang ang paligid at iniiwasan kong makagawa ng ingay. Wala

