ORLENE Palabas na ako ng employees entrance para umuwi nang bigla kong makita sa may sulok si Ms. Lovely. May hinihintay yata ito kaya naroon ito at hindi ko alam kung sino. Hindi ko na sana siya papansinin pa at tutuloy na sana ako para lumabas nang bigla naman niya akong tawagin. Mukhang may ideya na ako kaya niya ako tinawag at marahil ay dahil iyon sa nangyare kanina kung saan napasukan ko nga silang nasa kama ni Sir Lorenzo Clyde nang hindi sinasadya. Simula pa kasi kanina ay wala pang nagpapatawag sa akin para kausapin ako tungkol do'n sa nangyare. Pero in-expect ko nang kokomprontahin ako ng mga ito. At ito na yata iyon. Kahit na wala ako sa mood na kausapin ito ay wala akong choice kundi ang lumapit rito. "Yes po, Ms. Lovely?" walang gana kong tanong sa kanya nang makalapit ako.

