LORENZO CLYDE Eksaktong 6pm nang umalis ako ng opisina ko. Tinapos ko pa muna ang lahat ng trabaho ko bago ako umalis doon. Ayaw ko rin kasi na nag-iiwan ng trabahong hindi tapos. I always make sure na bago ako mag-out duty ay tapos na talaga lahat. Kung minsan din ay nag-o-overtime rin ako para lang do'n. Para wala na akong iisipin at hindi rin ako mahihirapan kinabukasan dahil sa mga naghihintay na trabahong hindi natapos. I was organize sa lahat ng bagay. Sa trabaho ko, sa mga schedules ko maging sa mga gamit ko. Kaya siguro nadala ko na rin ang ugali kong 'yon pagdating sa trabaho ko bilang housekeeping manager. At sa tingin ko naman na sakto lang na sa housekeeping department ako napunta. Itong department ang nahawakan ko dahil it involves cleanliness and orderliness. Aminado akong

