LORENZO CLYDE Kanina pa akong nakasunod nang palihim sa kotse ni Lorkan kung saan sakay sila ni Lovely na dalawa. Wala akong ideya kung saan ang punta ng mga ito pero sinusundan ko lang sila. Nasa likod lang nila ako at hindi ko inaalis ang tingin sa sasakyan. Mabagal lang takbo nila kaya binabagalan ko rin ang andar ko. Mukhang hindi naman pansin ni Lorkan na may sumusunod sa kanila. Kilala ni Lorkan ang kotse ko at imposibleng hindi niya makikilala kapag nakita niya ito. Siguro ay masyado itong busy kaya hindi na nito alintana na nasa likuran lang nila ako at sinusundan sila. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa nila pero I'm sure something is going on. Habang nagmamaneho ako ay natatawa na lamang ako sa sarili ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko ito ngayon ang sundan

