SS Prologue:
•Third Person POV•
"Ma'am Lysa," tawag ko sa amo naming babae.
Tumingin naman sa akin ang ina ni Sir Peja, ngumiti pa ito at nakipag-beso sa akin. Gustong-gusto ako ng ina nito dahil ako lang ang nakakatagal sa ugali ni Peja. Nilukob siya ng takot at pangamba, nang maalala ang dapat na sasabihin sa amo.
"Ano yun hija? May importante ka bang sasabihin. Oh, nandito na pala si Louie."
Nanigas ako nang marinig ang sinabi ni Ma'am Lysa, pero di ko ito pwedeng ipagliban lalo na at kailangan ko ng pera para matigil na ang mga humahabol sa kanila tatay.
"Anong ginagawa mo dito Miss Tobias? Bakit mo hinaharang–"
"Buntis po ako at si Sir Peja ang ama ng dinadala ko."
Nanlalaki ang mata ni Ma'am Lysa na tumingin sa akin at bumaba sa aking tiyan ang kanyang mga mata.
Binalingan nito si Sir Peja na matalim ang tingin sa akin, patawarin sana ako ng Diyos pero kailangan kong magsinungaling para sa pamilya ko.
"What the f*ck are you saying Miss Tobias? Isang beses lang nating ginawa iyon at gumamit ako ng proteksyon."
Napaiyak ako sa sobrang kaba, gusto ko ng bawiin ang sinabi ko dahil sa galit na boses ni Sir Peja.
Magsasalita sana ulit ako nang niyakap ako ni Ma'am Lysa, naaawa itong tumingin sa akin bago hinaplos ang aking buhok.
"Louie ano ba! Hindi kita pinalaking walang modo at irresponsable. Gusto kong magpakasal ka kay Janifer, lalo na at magkakaanak kayo dapat mo siyang panagutan," kampi ni Lysa sa babae.
Hindi pa rin nito binibitawan ang natatakot na dalaga. Tinapik nito ang kamay ng anak nang bigla nitong dinuro ang dalaga na umiiyak pa rin.
"Mommy, nagsisinungaling ang babaeng yan. Ayaw kong magpakasal sa mga taong manggagamit at sinungaling."
Mabilis na dumapo ang kamay ng Ginang sa mukha ng anak. Namumula na ito sa galit, dahil sa pagsagot ng binata sa kanya.
"Ito ba ang isusukli mo sa pagpapalaki ko sayo Peja Louie Montefalco? Kasalanan mo kung bakit siya nabuntis kung di mo sana siya ginalaw ay di naman maghahabol ito sayo. Alam mo ba na gustong-gusto ko ang babaeng to bilang sekretarya mo dahil di man lang siya nagsasawa na intindihin ka," hinihingal na pangaral nito sa anak. "Kung ayaw mong magpakasal sa kanya ay huwag ka na ulit uuwi sa bahay at itatakwil na kitang anak."
Inakay ang dalaga palabas ng opisina. Inaalo niya ito para tumigil na sa pag-iyak nang makarating sila sa kotse ay pinasakay niya kaagad ito.
"Tahan na anak. Pakakasalan ka ni Louie. Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa inyong dalawa ng apo ko. Pupuntahan natin ngayon din ang obgyn na kilala ko."
Napatigil siya sa pag-iyak at tumingin sa ina ni Peja. Di niya pwedeng sabihin dito na di siya buntis pero di rin naman siya pwedeng pumunta sa obgyn at baka malaman nitong nagsisinungaling lang siya.
"Ma'am, okay lang po ako, kahit huwag niyo na po akong dadalhin sa—"
"Call me mama, atsaka kailangan mong magpatingin sa doctor para malaman natin kung maayos ba ang dinadala mo."
Putol nito sa kanya, hindi na siya umimik at tumingin na sa bintana nag-iisip kong ano ang pwedeng gawin.
Ngunit na blanko ata ang utak niya dahil sa ginawa niya kanina. Nataranta siya ng bumaba sila sa isang clinic, gusto niyang magmura pero di niya magawa.
Napasuklay siya sa buhok at sumunod sa ginang na tuwang-tuwa na naglakad sa pasilyo ng clinic na iyon.
--
"You're 2 months pregnant, and the baby is healthy. Kahit healthy si baby ay dapat palagi ka pa ring mag-iingat lalo–"
Natulala siya sa narinig sa doktora, sarado na ata ang isipan niya para tanggapin ang mga susunod nitong sasabihin.
Hindi niya gustong mabuntis. Ayaw niyang magkaanak sa lalaking ayaw sa kanya. Natatakot siya sa kinabukasan ng anak niya.
Hindi niya aakalain na may laman ang sinapupunan niya lalo na at wala naman siyang nararamdaman na kakaiba sa katawan. Karma niya ba to pagsisinungaling?
Napahikbi siya sa sobrang takot na nararamdaman. Natatakot siya baka anong mangyari sa baby niya.
"Hija, calm down. Delikado yan sa bata. Huwag kang mag-alala, pakakasalan ka ni Louie at mamahalin natin ang bata. Sabay natin siyang palalakihin sa magandang pamilya."
Tumango-tango nalang siya sa sinabi ni Lysa, kahit na hindi niya masyadong naiitindihan ang sinasabi nito, dahil sa mga masasamang ideya na pumapasok sa isipan niya.
"Mama natatakot po ako para sa anak ko. Paano po kapag di matanggap ni Peja? paano na po kami–"
"Hush now Janifer, nandito lang ako gagabayan kita. Pangako yan ni mama sayo, huwag kang matakot."
Napatango siya at niyakap ang ina ng binata. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon ng magulang niya kapag nalaman ang sitwasyon niya ngayon.
---
"Louie, huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!"
Nagdikit ang dalawang kilay nito sa narinig sa ina. Sawang-sawa na siya sa mga pangaral nito sa kanya. Naiinis pa siya lalo nang makita ang sekretarya na umiiyak. Dinala pa talaga 'to ng ina niya sa mansyon. Pagak siyang natawa at sinuyod ng tingin ang dalaga.
"Mag-uusap kami Mommy. Pwede bang hayaan niyo muna kaming mag-usap."
Tumango naman kaagad ang ina nito at lumakad palabas ng kwartong iyon.
"Stop crying, you irritates the hell out of me. This is bullsh*t, paano mo magawang magsinungaling para maipakasal sa akin," galit niyang sigaw.
Tumigil naman sa pag-iyak ang dalaga at pinunasan ang luhang pumapatak sa mukha nito.
"Sir Peja hi-hindi naman po ako nagsisinungaling–"
Tinaas nito ang kamay bago hinawakan ang pisngi ng dalaga. Napaigik naman ang huli dahil sa sakit na nararamdaman.
"Sige pakakasalan kita, pero huwag mong iisipin na mamahalin kita. Di kita kailangan sa buhay ko. Marami akong babae, kaya kapag pinakialaman mo ako sisiguraduhin ko sayo na magsisisi ka."
Malakas nitong tinulak ang dalaga na naging dahilan ng pagkabuwal nito. Hinawakan pa nito ang tiyan, tumawa naman ng malakas ang binata di makapaniwala sa nakikita.
"T*nginang buhay to. Stop the drama Miss Tobias, wala si Mommy rito. I don't care about you, so after the marriage you can do whatever you want, just please don't ruin my relationship with my mom. Baka di kita matantiya at di lang yan ang magawa ko sayo."
Tumango naman kaagad ang dalaga, mas lumakas ang pag-iyak nito nang tinalikuran na siya ng binata.