Habang nag sasalita ang kausap ni Celestine sa loob ng isang VIP room sa isang fine dining restaurant para sa isang close door meeting na ni request niya parang gusto ng itaob ni Celestine ang mesa pero nag timpi siya. Tumutunog ang kuko niya sa ibabaw ng folder na tina-tap niya habang nag sasalita ang kaharap na representative ng AxisPoint International corp. na ipinadala ng mga ito. At hindi siya natutuwa dahil representative lang ang pinadala ng naturang company. Anong akala ng mga ito isa lang siyang pipitsugin tao na nakikipag-usap sa isang hamak na representative lang na hindi kaya mag desisyon. "Ma’am Celestine, as much as we’d like to extend financial support, the board will need—" mabilis na itinaas na ni Celestine ang kamay para pahintuin na ito sa pag sasalita saka matal

