bc

When love signs the exit

book_age18+
1.0K
FOLLOW
13.3K
READ
fated
second chance
friends to lovers
doctor
billionairess
heir/heiress
drama
bxg
serious
poor to rich
musclebear
like
intro-logo
Blurb

“I want a divorce.”

Hindi ko inakalang maririnig ko ‘yon mula sa lalaking pinakamamahal ko. The same man who once kissed my scars, whispered promises on my skin, and built a world where I thought I’d be safe forever.

At first, our marriage felt like a fairytale.

Walang kulang. Walang labis.

Until one day, everything changed.

One night, he handed me divorce papers with shaking hands and tear-filled eyes.

“Bakit?” bulong ko. “Did I do something wrong?”

Pero hindi siya sumagot. He just stared at me like I was already gone.

I didn’t know the truth until it was too late—

He was trying to save me.

From danger, from death, from the shadows chasing us both.

And the only way to protect me…

was to let me go.

chap-preview
Free preview
Episode 1- The beginning
"Hanapin n'yo, wala akong paki-alam kung paano n'yo gagawin yun basta hanapin n'yo!" malakas na sigaw ni Catherine sa mga tauhan na agad na nag pulasan. "Hon! Parang mahihirapan ang mga tauhan mong mahanap si Celestine, masayadong malaki ang US para suyudin nila. Bakit hindi mo na lang i-post o lumapit sa mga pulis." suggestion naman ni Martin na galit naman na binatukan ng asawa. "B*bo ka talaga kahit kelan!" sigaw ni Cath. "Alam mo ba kapag ginawa natin yun, tatawag tayo ng atensyon sa lahat. Paano kung makidnap si Tin, tapos gamitin para makakuha ng ransom sa atin. Ano? Anong gagawin mo pag nangyari yun ha!" sigaw ni Cath, napakamot naman ng ulo si Martin. "Pasensya na, nalimutan ko na nag-iisang tagapag mana nga pala si Tin." "Kailangan makita si Tin, sa lalong madaling panahon. Kundi mamatay siya na wala akong makukuha ni konting kusing." ani Cath. Sabay talikod, napasunod naman ng tingin si Martin sa asawa sabay buntong hininga. "Galing mo sa pagtatago Tin, gabayan ka sana ng langit." bulong naman ni Martin sabay sunod na sa asawa. Siya si Martin Revillame, assistant ng namayapang Don Lauro Zulueta na step brother ng asawang si Catherine. Si Doña Cecilia naman ang nakapulot sa kanya sa lansangan noon panahon na iniligaw siya ng sarili niyang ina. 11 years old palang siya noon, kinupkop siya ng ginang noon. Pinalaki, binihisan at pinag-aral sa magandang paaralan. Dalaga pa ito noon hanggang nakapag asawa sa edad na 42. Akala ng mga ito hindi na magkakaanak ang dalawa dahil malapit ng mag 50 years old si Doña Cecilia at sa eksaktong kaarawan ng ginang noon, bila na lang itong nag collapse kaya dinala sa hospital. Assistant at kanan kamay na siya noon ng asawa nitong si Don Lauro. Noon nila nalaman lahat na buntis ang ginang na talaga naman ikinatakot at ikinatuwa na rin. Halos sa hospital na tumira ang mag-asawa noon para sa kaligtasan ni Doña Cecilia hanggang sa ipinanganak na nga si Celestine. Ang batang babaeng nag dala ng kaligayan sa buong pamilya ng mga Zulueta. Ngunit ng lumaki ang dalaga naging pasaway ito at matigas ang ulo spoiled brat kasi pero hindi naman itong lumaking masamang tao. Mabait ito sa lahat sadyang makulit lang at maraming katwiran, ang ugali nito ay naka depende sa kaharap. And to make the story short napangasawa niya ang kapatid ni Don Lauro sa paki-usap na din ng mag-asawa. Nang-una labag sa kalooban niya dahil nga may nakikita siyang kasamaan sa ugali nito. Pero kalaunan na sanay na lang din siya at hinayaan na lang niya ito since kasal lang naman sila sa papel at natutugunan naman nito palagi ang pangangailangan niyang physical. Hanggang sa nalaman na lang niya namatay ang mag-asawa at nasa critical na condition ang kalagayan ni Celestine dahil sa isang car accident. Kasalukuyan siyang nasa Cagayan de oro ng panahon na yun dahil sa isang business meeting na dinaluhan niya sa utos na din ng amo niya. Sa balita na lang niya nalaman ang nangyari na talaga naman iniyakan niya ng husto at ganun si Catherine, ngunit isang araw narinig na lang niya na may inuutusan itong ihinto na daw ang life support ni Celestine. Hindi siya sigurado kung may kinalaman ito sa aksidente ng mga Zulueta pero kinukutuban na siya at para mabantayan ng maaayos si Celestine nag panggap siyang uto-uto at tanga-tanga. Naging sunod-sunuran siya kay Catherine na siyang temporary na pumalit sa puwestong iniwan ni Celestine bilang company president. At dahil naging biglaan ang kamatayan ng Chairman of the Z group of company. Nabakante ang posisyon at dahil buhay pa si Celestine ito ang naka-abang na uupo sa iniwang puwesto ng ama nito. Ngunit hindi pumayag si Catherine na si Celestine ang Chairman at ito ay underdog lang ng pamangkin. Binabalak nitong patayin si Celestine upang ito na ang maging natitirang tagapagmana. Palihim siyang kumilos at ginamit niya ang lahat ng perang ibinibigay sa kanya ng mga Zulueta para maprotektahan si Celestine. Para makakuha ng isang abogadong magiging loyal sa kanya at palalabasin na meron last will na iniwan ang mag-asawa. Na kapag namatay si Celestine sa isang aksidente or insidente ang lahat ng kayamanan ng Zulueta ay mapupunta lahat sa charity at mga hospital na meron mga cancer patient. Nakita niya ang galit ni Catherine dahil sa last will na yun, nawala ito ng husto kaya ng magising si Celestine from coma ng ilang buwan. Lalo pa itong nagalit ngunit natuwa ng malaman nilang nagkaroon ito ng amnesia at walang kakayanan na mag desisyon sa sarili. 26 na si Celestine pero dahil sa naging lagay nito naging sunod-sunuran ito sa Tita Cath nito. Hanggang sabihin ng doctor na kailangan ulit ni Celestine na sumailalim ng operation para makaalala ulit ito ngunit 20% na lang ang chances kung makaka survive ito. At gusto ni Catherine na ipa-opera si Celestine hindi para ibalik ang alala nito kundi para mamatay ito sa operating table. With natural death. Hindi aksidente at hindi Insidente, para protektahan si Celestine palihim niya itong kinakausap every night. At unti-unting sinasabi rito ang lahat na pinaniwalaan naman nito. Nagpanggap sila na walang mga alam kaya nakatakas si Celestine ng walang nakakaalam, isinilid niya ito sa maleta at isinama sa Palawan ng umalis siya sakay ng private jet ng mga Zulueta at ilang piling tao lang ang nakakaalam. Pagdating sa Palawan dun niya ito iniwan sa airport at inutusan na mag tago muna sa US. At ibinigay ang isang ATM na paglalagayan niya ng pera para sa magiging budget nito habang nag tatago at gagawa siya ng paraan para maipakulong si Catherine sa mga kasalanan nito. Kaya pag balik niya sa bahay after ng business trip niya sa Palawan na alam ni Catherine, nagwawala na itong sa galit at ipinahahanap na si Celestine. Ngayon it's been 5 months nagkakausap naman sila ni Celestine gamit ang ibang phone. Regular daw naman itong nag papa check up at okay daw naman ang kalagayan nito kaya kahit papaano kampante pa rin siyang nasa malayo ang dalaga. Sana lang hindi pa ito makita ni Catherine wala pa siyang makuhang matibay na ebidensya para makulong ito. Sana bantayan pa si Celestine ng langit habang gumagawa pa siya ng paraan. - - - - - - "Ano nanaman ginagawa mo ditong bata ka!" sigaw ng isang matandang lalaki ng makita si Tin na pumasok sa isang bakery shop. "Edi bibili, ano bang gagawin ko dito." simangot ni Tin habang nag patingin-tingin sa paligid. "Puwede ba! Umalis ka na dito kaya minamalas ang tindahan ko dahil sa'yo." taboy ng matandang lalaki. "Ito naman si Lolo bakit ba kayo ganyan sa akin? Dapat nga mabait kayo sa akin kasi parehas tayong Pilipino at nasa bansang banyaga tayo." "Sus! Puwede ba parang di ko alam na ang apo ko lang naman talaga ang target mo kaya ka laging nandito. Hindi para bumili." lumawak naman ang ngiti ni Tin sakto naman may lumabas na isang ginang mula sa kusina. "Hello po may future mother in law." bati niya sa ginang na tumawa naman. "Tingnan mo napakakapal talaga ng mukha! Wala ka na bang kahiya-hiya sa katawan?" "Ay grabe ka sa akin Lolo!' kunwaring maktol ni Tin. "Ayaw n'yo ba ng magandang lahi? Kapag ako ang napangasawa ng apo n'yo tiyak magkakaroon kayo ng apo sa tuhod na kasing gaganda ko." ani Tin na sinapo pa ang mukha. "Maganda ka nga ang lakas naman ng baltik mo kaya di bale na." "Hay! Tumigil na nga kayong dalawa. Alam n'yo bang sa kusina palang dinig na dinig ko na ang mga boses n'yo. Paano tayo papasukin ng customer." wika naman ni May. "Si lolo kasi, high blood nana—" "Ma." bungad ng isang britonong tinig kasabay ng pag ding ng bell sa pinto at pag pasok ni Matteo sa bakery. "Hi! My future husband." bati agad ni Tin sa binatang doctor na anak at apo ng may ari ng bakery. "Ano nanaman ginagawa mo dito?" "See, kahit apo ko na aalibadbaran na sa'yo." wika pa ng matanda pero hindi pinansin ni Tin ang matanda. "Doc, ang sakit kasi ng puso ko baka puwede mo naman tingnan?" "Utak! Utak ang patingnan mo at mukhang maluwag na ang turnilyo mong bata ka." natawa naman si Matteo sa lolo niyang mortal na kaaway ni Tin pero kapag hindi naman napunta ang dalaga sa shop hinahanap nito. Minsan uutusan pa ang ina niya na silipin si Tin sa bahay nito at baka daw may sakit. Kunwari lang palaging galit ang Lolo niya kay Tin pero ang totoo gusto nito ang dalaga. "Bakit naman sasakit ang puso mo?" tanong ni Matteo na lumapit sa ina at ibinigay rito ang reseta ng gamot ng Lolo niya para sa maintenance drug nito. "Sobrang laki na kasi ng pag mamahal ko sa'yo hindi na mag kasya." malakas naman na tumawa ang ina niya habang siya ay napangiti na lang din. "Susmariahosef, patatawarin ng langit." bulalas naman ng Lolo niya na tinawanan lalo ng ina niya. "Yun totoo lolo, type n'yo ako ano. Kasi naniniwala ako sa kasabihan na the more you hate, the more you love." ani Tin na lumapit sa matanda na nasa cashier. Ngunit bilang tugon binato siya nito ng red bean kaya napa-atras naman si Tin na sumimangot. "Umalis ka dito masamang espirito." wika pa ng matanda. "Hay grabe talaga!" "Halika na! Umalis na tayo bago pa asin ang ibato sa'yo ni Lolo." hinawakan pa siya ni Matteo sa kamay para hilahin nasa pinto na sila ng bigla siyang lumingon sa lolo ni Matteo. "Babye Lolo, igagawa ka nanaman ng apo sa tuhod. Wait ka lang diyan mwuah! babye po mother-in-law." kaway pa ni Tin sa ina ni Matteo. "Kulit talaga." ani May na napapailing sabay lingon sa amang biglang natahimik. "Pa?" nag-alalang tawang ni May sa ama. "Nabawasan ang kinang niya?" "Po?" umiling naman si Ben na itinago ang red bean sa ilalim ng mesa niya. "Bukas nga itanong mo sa batang yun kung may karamdaman ba siya o kung may sumasakit sa kanya?" biling pa ni Ben sa anak bago tumalikod. Nagtatakaman nagkibit balikat na lang si May.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
103.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
28.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
172.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.1K
bc

The naive Secretary

read
69.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
28.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook