"Wala ka nanaman trabaho ano?" ani Matteo habang nag lalakad sila sa sidewalk.
"Meron kaya, natatamad lang akong pumasok talaga."
"Yung totoo?"
"Meron nga ayoko lang talagang pumasok."
"Tinay!" may babala na sa tinig ni Matteo kaya napabuga naman ng hangin si Tin. Basta kasi Tinay na ang tawag nito sa kanya ibig sabihin nun seryoso na ito at hindi na niya puwedeng biruin.
"Wala, na sesante ako." nguso ni Tin, tumarak naman ang mata ni Matteo. Mag-iisang taon palang silang magkakilala ni Celestine short for Tin. Nakilala ito ng ina niya sa isang subway station, umiiyak ito at halata daw na naliligaw. Kita daw na natatakot itong mag tanong. Kapag daw may nalapit dito agad itong lumalayo na parang natatakot. Nilapitan daw ito ng mommy niya hindi para kausapin, inabutan lang daw ito ng ina niya ng tinapay at inumin.
Saka umalis na the next day daw inabutan daw ulit ito ng ina niya sa subway at doon daw natulog kasama ng mga pulubi na ninanakawan na ito kaya tinulungan na ng ina niya at isinama sa bakery nila. Doon nito nalaman na Pilipino si Celestine at may hinahanap itong tao pero ng puntahan daw ng mga ito nalaman nilang namatay na ang taong hinahanap nito. And to make it short pinatira ito ng ina sa isa nilang paumahang kuwarto. Libre yun pero ayaw nitong pumayag kaya nagulat sila ng mag bayad ito ng pagtira nito ng kuwarto ng good for 1 year.
Tahimik lang ito ng una, hindi nalabas ng kuwarto. Lalabas lang ito kapag kakain or may bibilihin ayon sa ina niya. Pero nang una lang yun paglipas daw ng ilang buwan. Iyon ay dahil daw sa kanya ng makita daw siya ng unang beses, na tinawanan naman niya ng una kasi normal na sa kanya na may babaeng nagkakagusto at nanliligaw sa kanya pero wala naman siyang pinapansin dahil iba ang priorities niya. Gusto niyang maging doctor to be exact OB-gyne, bakit? Dahil sa Mama niya na meron uterus cancer. Sa ngayon malapit na siyang makatapos Fellowship Program in Gynecologic Oncology. After nun kailangan niyang pumasa sa subspecialty exam to be officially certified as a Gynecologic Oncologist.
"Ano nanaman ginawa mo?"
"E kasi naman nakita ko na binibira ng boss ko yung isang dishwasher sa stockroom. Umiiyak siya kaya akala ko kailangan niya ng tulong kaya ayun lumapit ako at hinampas ko ng kaldero sa ulo si chef." natawa naman si Matteo.
"Oh tapos?" tanong pa niya.
"Hindi pala naiyak, ganun lang pala siya umungol. Kainis! Ang baboy nila." malakas naman na tumawa si Matteo.
"Ayun inireklamo ako sa management, sinabi ko nakita ko kaso hindi ako pinaniwalaan kaya ang ending ako ang na sesante."
"Sa susunod kasi wag kag feeling superhero, oh ano ngayon gagawin mo maghahanap ka nanaman ng trabaho dito?" bumuga ng hangin si Tin sabay yakap sa braso ni Matteo na mabilis naman na inalis ni Matteo at itinulak siya sa ulo palayo na ikinanguso ni Tin.
"Bakit ba kasi ayaw mo sa akin? Sabihin mo na para mag -aadjust ako. You know flexible naman ako." tumawa naman si Mateo.
"Una sa lahat hindi pa ako ready na mag-asawa at pangalawa marami pa akong plano sa buhay ko."
"Jusko 33 ka na! Kelan ka pa magiging ready?"
"Sa aming mga lalaki bata pa ang edad na yun."
"Hindi ba puwedeng isama mo na lang ako sa plano mo sa buhay?" ngiti pa ni Tin, umiling naman si Mateo.
"Doctor," sabay pa silang napalingon ni Matteo ng makarinig ng busina mula sa likuran nila at isang magarang kotse ang huminto sa tabi nila.
"Doc Rica," bati naman ni Matteo sa isang doctor na isa pa rin may gusto sa kanya pero hindi ito makulit na tulad ni Tin.
"Are you heading to the hospital now? Let's go together—I’m on duty too. We can head in at the same time."
"Sure, thank you." wika naman ni Matteo na agad na lumapit sa sasakyan sabay lingon kay Tin.
"Umuwi ka na." utos niya rito sabay pasok sa passenger seat, ngunit nagulat na lang silang parehas ni Rica ng pumasok ito sa backseat na parehas nilang ikinalingon ni Rica.
"Excuse me?" turan ni Rica.
"I’m heading to the hospital too. What did you think—that only doctors go there? I’m going too… just not as a doctor. As a patient." sagot ni Tin.
"Tin, can you please knock it—"
"Nasakit ang ulo ko, mag papacheck-up ako. Hindi joke yun kaya would please drive." ani Tin na nakatingin kay Mateo ng una bago bumaling kay Rica na hindi naman nakakaintindi ng tagalog. Humingi naman ng paumanhin si Matteo kay Rica ng nag dadrive na ito.
"Bakit ka nahingi ng sorry, wala naman akong ginagawang kasalanan ahhh!"
"Nakakahiya ang ginagawa mo? Halata naman na nag seselos ka lang kaya gumagawa ng alibi?" sumama naman ang mukha ni Tin.
"Ipara mo sa tabi." mariin na utos ni Tin.
"Oh! Ano mag-iinarte ka nanaman?"
"Ipara mo!" sigaw na ni Tin na ikinasinghap pa ni Rica ng sipain ni Tin ang likod ng upuan ng driver seat.
"Celestine!" galit na angil ni Matteo.
"Ipara mo o isusub ko yang babae na yan sa manibela." ani Tin.
"Pull over for now, Rica. Tin's getting off here." galit na utos ni Matteo na sumunod naman si Rica.
"Bumaba ka na." galit na utos naman ni Mateo sa dalaga, nakakuyom naman ang mga kamay ni Tin na nakatingin kay Mateo na hindi nalingon.
"Next time! Wag kang hihingi ng sorry kung wala ka naman ginagawang mali. Katangahan yun!" wika ni Tin sabay baba na at walang lingon likod na naglakad palayo sabay hawak sa ilong niya sa pag-aakalang sinipon siya bigla pero napahinto siya sa paglalakad at napamura ng makitang puro dugo ang kamay niya. Dali-dali niyang kinuha ang panyo sa bulsa ngunit wala ang panyo niya mukhang nalaglag pa sa kotse ng Rica na yun na naka-alis na agad pag baba pa lang niya. Mabilis niyang hinila na lang ang damit niya at ginamit na pang punas sa ilong niya habang pinag titingnan na siya ng tao na papangiwi pa. Palakad na sana siya ngunit bigla nalang umikot ang paningin niya.
Nakasimangot naman si Mateo na nakatingin sa side mirror na tinitingnan si Tin na papalayo, batsa umiral ang ugali nito akala mo kung sino itong anak ng presidente kung makapag salita. Ito yung tipo ng babaeng ang hirap i-predict ng tunay na ugali, kikay at kalog. Masiyahin at makulit, ngunit minsan kinakikitaan niya ito ng mga ugaling inaayawan niya sa isang babae. Yung masyadong brat, señorita, bossy at higit sa lahat selosa. Okay lang sana kung may title na ito sa buhay niya kaso wala nama kung maka-asta akala mo sila na ang magkakatuluyan.
"Celestine!" biglang bulalas ni Mateo ng makitang natumba na lang bigla ang dalaga habang nag lalakad. Automatic na naalis niya ang seatbelt at napasigaw na ihinto ang kotse kahit nasa gitna sila ng kalsada na naipreno nga bigla ni Rica na nagulat sa lakas ng sigaw ni Mateo. Mabilis na tumakbo si Matteo at hinawi ang maraming tao sa paligid na naka palibot sa dalaga na ikinagulat niya ng makita ang maraming dugo sa ilong nitong umagos na marahil sa bibig. Puro dugo na din ang damit nito at sa dami ng dugong yun natitiyak niyang hindi yun normal na nosebleed lang.
Mabilis niyang binuhat ang dalaga para sana isakay na ito ng taxi pero sakto naman na mag dumating na agad na ambulansya na naitawag pala agad ng mga tao, iyon ang kagandahan sa ibang bansa. Ang bilis rumisponde ng tulong di tulad sa Pilipinas patay na ang pasyente bago dumating ang tulong. Agad na itong isinakay sa ambulansya at sumama na siya, nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ng bigla itong bumalikwas ng bangon at napatingin sa kanilang lahat na nasa likod ng ambulansya.
"Haizt!" bulalas pa nito.
"Ma'am please lay down, your vital sign is—"
"Celestine!" bulalas ni Mateo ng alisin ng dalaga ang mga nakakabit sa kamay nito.
"Para na lang sa tabi, baba na ako."
"Ano ba Tin,"
"Ano ka ba props lang to hindi to totoong dugo, sinubukan lang kita kung babalikan mo ako and I succeeded. Diba bongga." ngiti pa ni Celestine.
-
-
-
-
-
-
"That's not a fake blood, Celestine!" ani Mateo na nag lalakad na sila ng bumaba na sila ng ambulanysa na ayaw pa sana ng mga ito pero nag banta si Tin na tatalon pag hindi inhinto kaya napitan na ihinto na ang ambulansya pero ibinilin ng medic kay Mateo na kailangan siya nitong dalahin sa hospital as soon as possible.
"E ano naman sa'yo kung tunay na blood, wala ka naman paki-alam sa akin diba? Ayaw mo sa akin?" bumuga ng hangin si Mateo.
"Tara na sa hospital, kailangan kang matingnan sa hospital?"
"Ayoko."
"Celestine."
"Bakit pakakasalan mo ba ako pag sinabi ko sa'yo na mamatay na ako?" tanong niya rito na huminto sa paglalakad at nilingon ang binata. Na saglit na natigilan na nakatitig sa kanya na parang sinusukat pa nito kung nag jojoke ba siya o hindi.
"Kung hindi mo lang din ako kayang pakasalan, wag ka ng mag panggap na concern sa akin, pinakikilig mo lang ako ng walang basehan." ani Tin sabay talikod na ulit.
"Oo." sagot ni Mateo na hindi sumunod sa paglalakad ni Tin.
"Sabi ko oo." sigaw ni Mateo na ikinalingon naman ni Tin na kunot ang noo at salubong ang kilay.
"Oo na ano?" tanong pa ng dalaga.
"Tinanong mo ako diba?" ani Mateo.
"Oo, pakakasalan kita." wika pa nito na biglang ikinatili ni Tin at tuwang-tuwa na ibinato ang sarili sa binata at yumakap rito ng mahigpit.