Episode 3-Result

1368 Words
"Mateo!" tili ni Tin na halos mag lambitin na sa batok ng binata at buhat-buhat ang dalaga na ibinato na ang sarili sa kanya. Napabuga ng hangin si Mateo na napatingala sa kalangitan na asul na asul "Narinig ko ba ‘yon nang tama? Hindi ka nagbibiro, ‘no?" kilig na kilig na tanong ni Tin na dahan-dahan naman na pinakawalan ni Mateo. "Siguraduhin mo lang na mamatay ka dahil pag hindi ka namatay ako ang papatay sa'yo." wika ni Mateo na itinaas pa ng bahagya ang mukha niya at parang sinisilip pa ang butas ng ilong niya. Bago tiningnan naman ang mga mata niya na idinilat pa nito. "Paano naman tayo magiging masaya bilang mag-asawa kung mamatay ako. Ang KJ mo naman!" "Bago mo isipin ang pagigiging masaya sumama ka muna sa akin sa hospital? Titingnan ko kung hanggang kelan ka na lang mabubuhay?" anito na hinila na siya sa kamay sabay gilid sa kalsada at nag abang ng taxi. "After sa hospital puwede na ba tayong mag pakasal?" tanong pa ni Tin. "Nag jo-joke ka ba?" "Hindi syempre, ikaw talaga ang gusto kong mapangasawa, mamatay man ako!" ani Tin na nagtaas pa ng kanang kamay na parang na ngangako pa. Napabuga naman ng hangin si Mateo na saktong may huminto ng taxi at sumakay na sila. - - - - - - - "Celestine Zulueta, 26. Patient Report – Neuro Evaluation." Nanginginig ang kamay niya habang dahan-dahan niyang binubuklat ang mga pahina ng medical report niya na ibinigay sa kanya ng isang nurse after niyang mag-undergo ng MRI scan. Nagkaroon naman ng emergency CS patient si Mateo kaya bigla siyang iniwan nito pero mahigpit ang bilin nito na wag na wag siyang aalis na wala ito. Kapag daw umalis siya hindi na siya pakakasalan. "MRI SCAN RESULTS: Progressive growth of intracranial lesion noted. Symptoms consistent with worsening pressure on temporal lobe." napalunok si Tin habang binabasa ang nakalagay sa papel. "Doctor’s Note: Immediate surgical intervention is recommended. Delay in operation may lead to irreversible brain damage, cognitive decline, or loss of consciousness." basa pa niya, unti-unting lumabo ang paningin niya—hindi dahil sa sakit—kundi dahil sa luhang pilit niyang pinipigilan. Bumuga siya ng hangin, halos hindi makahinga saka pumikit na itinupi ang papel. "Brain damage…?" Binaba niya ang papel, pilit inaabsorb ang bawat salitang parang kutsilyong bumabaon sa dibdib niya. "Hindi pa ako handa... hindi pa dapat ngayon..." Luminga siya sa paligid, naghahanap ng lakas, pero wala. Wala si Mateo, wala kahit sino. Kundi ang papel sa kamay niya, bigla siyang napaangat ng tingin ng biglang bumukas ang pinto sa harapan niya. "Ms. Celestine, come in." utos ng doctor na nag-assist sa kanya kanina. Wala naman sa loob na tumayo si Tin at humakbang papasok sa loob ng tanggapn ni Dr. Taylor. Inutusan siya nitong maupo sa harapan ng mesa nito. "I see, you’ve read it?" simula nito, tumango naman si Tin. "Yes." "Then you understand the severity. The trauma from the accident has triggered progressive swelling in a critical area of your brain. We’re dangerously close to irreversible damage." wika nito na muling ikinatango niya. Nabanggit kasi niya rito kanina na naaksidente siya sa kotse last year ng makita nito ang malaking peklat niya sa ulo na natatakpan ng buhok niya. "I figured that much." "Ms. Celestine, this isn’t something we can keep putting off. The memory loss is only one part. Headaches, confusion, disorientation—those will come next. And if you wait too long, we might not be able to bring you back." wika pa nito na alertong tinig. "Then I’ll do the surgery. I will. But..." huminga ng malalim si Tin na saglit pang napakagat labi sabay pumikit sandali. "Please don’t tell Matteo. Not yet." paki-usap niya rito, alam niyang hindi naman ito kaibigan ni Mateo pero sa iisang hospital lang nag tatrabaho ang mga ito, baka bigla aksidente na magkausap ang dalawa kaya mabuti ng mapaki-usapan niya ito. "You want me to keep this from your boyfriend?" tanong nito na nakatitig sa kanya. "Yes, for a while but not forever. Just for now. I just… I want to be the one to tell him—if I ever decide to. I need time to process this. Please, Doctor. Please don’t say anything to him." paki-usap pa niya rito. "Ms. Celestine, this isn’t about emotions anymore. You’re sitting on a ticking time bomb in your brain. What if something happens before the surgery? What if you collapse and he's left completely in the dark?" may galit sa tinig ng doctor habang nakatingin sa kanya. Napalunok naman si Tin na muling huminga ng malalim. "That’s why I’m here. I’ll follow every test, every schedule. I’ll even stay in the hospital if I have to. Just… don’t tell him yet. I need this. I need to be in control of something—anything." komento pa ni Tin habang na nanalangin na sana pumayag ito. Natahimik naman itong nakatitig sa kanya na sumandal sa upuan nito naparang iniisip ang lahat ng pinakiki-usap niya. "Fine. But only for now. I won’t keep this a secret forever." sang-ayon na nito. "Thank you…" napapapikit na pasasalamat ni Tin. "You have two weeks, Celestine. If there’s even the smallest sign of decline—loss of vision, fainting, severe headache—I’m telling him myself. No negotiations," mariin na wika ng doctor na tinanguan na lang niya. "Understood." the doctor lean forward at tinapik siya sa balikat na parang isang nag-aalalang kapatid. "You’ve survived a lot, Ms. Celestine. Don’t sabotage yourself by trying to survive this alone." Celestine gives a tight nod, blinking back the tears. Her fingers still clutch the edges of the medical report—as if holding it could stop the truth from sinking in. - - - - - - Kanina lang paiyak na si Tin dahil sa kondisyon niya pero ngayon parang gusto na niyang mag-ala sangre' Pirena sa inis at sunugin na ang buong hospital. Napagkalaman na siyang janitress dun dahil sa scrub suit na suot niyang ipinahiram sa kanya ni Mateo pansamantala para lang palitan ang damit niyang duguan kanina. Kanina pa kasi siya pabalik-balik sa harapan ng OR may apat na oras na yata siyang upo at tayo sabay lakad. "Hiring kaya dito, baka pwede na akong maging receptionist dito. Or mascot ng department." inis ng wika ni Tin habang naka crossarm ng sa wakas bumukaas na ang pinto ng OR at lumabas na ang love of her life na si Mateo. "Sorry, na-delay. Emergency CS—di na talaga naiwasan." wika nito na patakbong lumapit sa kaya at tiningnan muli ang ilong niya kung may dugo pa. "Four hours, Mateo. FOUR. Tinanong ko pa sa nurse kung may camp-out promo ba kayo rito." kunwaring mataray na turan ni Tin. "Grabe ka naman. Eh sabi ko 'di ba? Wait for me. Gusto kong malaman ang result ng MRI mo, so I said—don't leave. So asan na ang—." "Yeah, well. Tinubuan na ko ng ugat sa paa. May calcification na ata sa panty ko sa kakaupo dito." natawa naman si Mateo. "Baka gusto mong ipa-MRI ulit, baka may findings ng bago?" biro ng binata. "Oo. Diagnosis: Broken heart. Cause: Neglect. Treatment: Pakasalan agad yung nagpaasa." tumawa naman na napailing si Mateo. "Ganyan ba kalala? ang lagay mo?" "Hmm. Baka sakaling gumaling kung bibigyan mo ako ng yakapsul at kisspirin. What do you think?" "Oo na, sige na nga pero after natin pag-usapan ang results mo. Okay?" "Okay. Pero bad news, kailangan mo na talaga akong pakasalan sa lalong madaling panahon." "Loka ka! loka ka talaga." "Sa sobrang tagal mo napagkamalan na akong janitress dito sa hallway, isa pa, kung hindi ako kumain ng SkyFlakes, baka pinasok na 'ko sa ER sa gutom!" tumawa naman ulit si Mateo na hinila na siya sa manggas ng damit niya. "Okay, okay! Sorry na. Bawi ako—dinner date tayo mamaya." "Dinner date? Matteo Iñigo Almonte, after four hours of waiting, a simple dinner date won’t cut it." "E anong gusto mo?" "Wedding. Gusto ko na ng kasal, ngayon na." napailing na lang si Mateo tinakpan na ang bibig ni Celestine at hinila na ito palayo sa harapan ng OR.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD