Naka sunod ang lahat ng mata ng pumasok si Mateo sa building na pag-aari ng ama, ang aga-aga nakatanggap na agad siya ng tawag galing sa ama at pinag rereport siya nito sa company nito asap dahil may kailangan daw silang pag-usapan na importanteng bagay. At dahil nga kailangan niya ang tulong nito para mabawi ang asawa kailangan niyang sumunod dito kahit labag sa kalooban niya. Hindi siya ganun kayaman, million lang ang meron siya kaso billion ang kailangan ni Celestine kaya pikit mata na siyang lumapit sa ama na agad naman siyang tinangap agad-agad since kailangan nito ng rightful heir at hindi anak-anakan lang. "Grabe ang guwapo talaga ng anak ni Sir Iñigo." "Sinabi mo pa, parang ang sarap mag palahi sa kanya." "I heard binata pa daw yan at magaling na OB-gyn

