Maingat na pinihit ni Celestine ang doorknob ng kuwarto, kanina pa siya nasa labas ng kuwarto ng mag-inang Matthew at Rica. Narinig niya na nag paalam si Rica sa anak nito na maliligo lang ito. Kaya naman agad na siyang pumasok sa silid ng dalawa, gusto lang nyang makita kung kumusta ang bata. Wala naman siyang paki-alam kung paano nito palakihin at disiplinahin ang anak nito, nag-aalala lang siya dahil hindi pinababa ni Rica ang bata para mag tanghalian. Ayon kay Mama May madalas daw naman ganun ginagawa ni Rica lalo at hindi daw nauwi si Teo sa bahay nagkukulong lang daw ang mag-ina sa kuwarto ng mga ito. Ayaw daw naman ng mga ito na maki-alam dahil baka daw hindi na ipakita sa mga ito ang bata, after ng narinig at nakita na pananakit ni Rica kagabi kay Mat-mat nakaramdam siya ng pag-a

