"Pa!" tawag ni May sa ama ng abutan ang ama na nakatingin lang kay Tin na naka-upo sa pasemano ng bintana at nakatanaw sa labas habang malakas na bunubuhos ang ulan sa labas. It's been 3 months simula ng iuwi ni Mateo si Tin at itinira kasama nila ang asawa nito dahil nag-aalala si Mateo simula ng magising si Tin after ng aksidente. Bigla parang wala itong lakas parang bigla na lang itong sumuko sa laban nito. Hindi man ito magsalita makikita mo sa anyo ni Tin na sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng Tito Martin nito, bagay na pinipilit nila si Mateo na sabihin na ang totoo kay Tin na buhay pa ang Tito nito. Ngunit hanggang ngayon nasa state pa rin ng coma si Martin kaya gusto sana ni Mateo sabihin ang totoo pag gising na ang matanda. Para hindi na masaktan ang asawa. "

