Malaki ang hakbang ni Celestine papasok ng Everest ng sumama ang timpla ng mukha niya at napahinto sa pag lakad ganun din ang mga bodyguards na kasama niya. Na ngangalingasaw kasi ang amoy ng magkakahalong matatapang na amoy at masakit sa ulo ang amoy. Kadarating lang niya mula sa meeting sa Z Group. Bitbit niya ang leather folder at naka-sunglasses pa habang naglalakad papunta sa elevator. Bumaling ang leeg niya sa isang walkway patungo sa isang store ng perfume na natitiyak niya na dun nanggagaling ang amoy. Kaya agad ng humakbang ang mga paa niya papunta roon. Agad niyang napansin ang kumpol ng mga tao sa harap ng isang boutique ng women’s perfume. Mas lalong tumapang ang amoy na ikinatakip na niya ng ilong. Hindi na sana niya papansinin dahil masakit sa ilong at ulo ang amoy ngu

