Tahimik ang kuwarto maliban sa mahinang tunog ng monitor sa tabi ng kama ni Mat. Payapa na ang anak habang natutulog, maputla pero hindi na kasing init ng mga nakaraang araw. Mabuti-buti na ang kalagayan nito after ng ilang araw, hindi na ito kinailangan na salinan ng dugo dahil naagapan naman. Kung na delay pa daw ng konti baka nalagay sa peligro ang bata. Nakaupo si Teo sa silya, habang nasa kandungan niya ang laptop niya at may tinatrabaho kahit nasa hospital siya. Pinauwi na muna niya si Tin at siya na ang naiwan may habang si Rica naman ay nalaman niyang nasa bahay lang nila na nagkasakit din ayun sa ina niya kaya hinayaan na muna itong makapag pahinga. Napahinga ng malalim si Teo na nilingon ang anak 4 days na sila sa hospital and soon pauwede na itong lumabas. Isinarado niya ang l

