Galit na hinubad ni Celestine ang suot na blazer pagkapasok na pagkapasok pa lang nila ng private office niya kasunod sila Martin at Mateo. Officially announce na si Mateo ang official na chairman of the board since ito ang may pinaka malaking share sa kanilang lahat. Kanina she felt relieve gumaan ang pakiramdam niya ng makita ito na dumating pero habang nag sisink in na sa lahat ng utak niya ang possibleng mangyari pakiramdam ni Toni nag sisikip ngayon ang dibdib niya. Alam niyang ginawa yun ni Teo to save her at na aapreciate naman niya yun pero hindi niya gusto. Galit niyang binato ang hawak na blazer sabay harap Mateo na nag tataka na kanina lang ang lawak ng ngiti nito at ni Martin ng palabas sila ng board room. "Alam mo ba ang ginawa mo huh! Alam mo ba kun

