"Ma, lalabas lang po muna ako. Tawagan n'yo po ako kung may kailangan si Tin, hayaan n'yo nalang po muna siyang matulog." wika ni Teo ng lumabas siya ng kuwarto kinabukasan na dahil nakatulog na lang siyang magkayakap kahapon. Pinilit niyang alagaan at intindihin ang gusto nito pero pasakit ng pasakit ang puso niya habang inaalagaan niya si Tin, hindi ganito ang love story na pinangarap niya para sa kanilang dalawa. Kailangan na muna niyang lumabas dahil iiyak at iiyak lang siya, masakit na ang ilong at mata niya ganun din ang lalamunan. Kaya kailangan muna niyang lumayo saglit lang para may lakas pa siyang matira para kayanin pa niyang umiyak. "Kaya mo yan anak! Kaya natin to hmmm... nandito lang kami ng lolo mo." wika ni May hindi naman sumagot si Teo na

