Azalea Zhinli Centana's POV
Kanina pa ko nakikinig sa sermon nila sa akin at masakit na ang tenga ko. Nandito ko sa kwarto ni Headmaster Cai. Sa kwarto talaga niya hindi sa opisina, para daw walang makarinig at makaistorbo sa mahaba niyang sermon sa akin. Nakayuko lang ako habang pinagdidikit yung dalawang hintuturo ko. Kasama ko din pala si Derah na sinasabayan pa si Headmaster Cai.
"Nakikinig ka ba Azalea?" tanong ni Headmaster Cai kaya inangat ko yung tingin ko sa kanya.
"Hindi Headmaster. Lumilipad na naman ang utak niyan." sabi ni Derah kaya napasimangot ako. Nakakalipad ba ang utak? Kung ganun may isa pa kong power? Inangat ko yung tingin ko sa taas ng ulo ko tsaka ngumuso ng di ko naman makita yung utak ko na lumilipad.
Nagsisinungaling na naman si Derah. Magsasalita pa lang ako ng nagsalita na si Derah with matching taas pa ng kamay.
"Hep! Wag mong sabihin sa aking hindi nakakalipad ang utak at talagang gagawin kitang palaka." sabi niya kaya napayuko na lang ako ulit.
"Hay naku Azalea, Intindihin mo sanang pinoprotektahan ka lang namin." mas relax na sabi ni Headmaster Cai.
"Eh headmaster gets ko naman eh." sabi ko na nakayuko pa din. Sabay naman silang napabuntong hininga ni Derah.
"Yun naman pala eh, Bakit lagi ka pa ding napapahamak? Suki ka na ng clinic." sabi ni Derah. Hindi ko naman alam kung bakit ganun eh. Basta ang alam ko, yung mga halimaw ang sumusugod dito. Hindi naman ako ang lumalapit sa mga bad eh kaya hindi ko kasalanan yun.
"Sa tingin ko alam na ng mga kalaban na si Zhinli at si Azalea ay iisa." sabi ni Headmaster Cai kaya tinignan ko siya ng nagtataka. Pano naman nila malalaman eh hindi ko naman sinabi kahit kanino. Alangan namang chinika nila Headmaster Arianne yun eh kampi kampi kami.
"Pano naman nila malalaman? Sinabi niyo?" tanong ko kaya nakatangap ako ng masasamang tingin. Nakakatakot naman to sina Headmaster Cai at Derah.
"Natural hindi. Pero kung sa bagay, yung umatake sa harang, yung pagatake sa mga kaibigan mo at paghahanap sayo nung mga halimaw. Pati na din yung pagkausap sayo nung nangunguha ng Mana at yung pagsugod kahapon ng mga Black Wizards... Nangyari lang lahat ng yun nung hinayaan ka naming makalaya sa kwarto mo." sabi ni Derah kaya napaisip din ako. Ibig sabihin... kung hindi ako pinalabas sa kwartong yun walang mapapahamak? Magiging maayos ang lahat?
"Ibabalik niyo na ba ko sa kulungan ko?" tanong ko sa kanila kaya nagkatinginan silang dalawa.
"Kulungan?" tanong ni Headmaster Cai kaya napatango ako. Kulungan naman talaga yun. Kasi bawal akong lumabas, wala pang bintana. Kulungan yun... narealize ko lang nung naranasan kong lumabas. Hindi sila nagsasalita kaya ako na ang nagsalita.
"Headmaster may 64 day pa ko di ba? Wag niyo muna akong ibalik sa kulungan ko." sabi ko sa kanila tsaka yumuko. Waahhh... naiisip ko pa lang na babalik na ko sa kwartong yun naiiyak na ko. Hindi ko pa nga nagagawa yung Zhinli's goal ko eh...
"Lumabas ka muna Zhinli. Pag-uusapan naming apat to ng iba pang Headmaster." sabi ni Headmaster Cai kaya tumayo na ko at naglakad palapit dun sa may pinto. Bago ko pa buksan yung pinto humarap muna ko kina Headmaster Cai at Derah bago ako lumabas.
"Gusto kong tapusin yung 99 Days of freedom ko. Please..." sabi ko tsaka yumuko at binuksan yung pinto. Napabuntong hininga na lang ako pagkalabas ko.
Hoooo! Go fight Azalea!
Sana nadaan sila sa charms ko. Ayoko pang bumalik sa kwartong yun. Gusto ko dito sa labas.
Naglakad na lang ako tsaka dumeretsyo sa kwarto ko. Nadaanan ko pa nga yung ibang Hunters sa sala namin na nagkukwentuhan, di ko na lang pinansin nung binati nila ako. Nagderederetsyo na ko at sinara yung pinto.
Dumapa ako sa kama.
"Ang daya naman. Ang daya... " bulong ko tsaka dinampot yung unan at umupo. Kinuha ko yung Sketch pad ko tsaka binuklat.
Zhinli's Goal:
1. Have at least 10 friends
Teka... Ilan na ba ang mga kaibigan ko.
Wait... Si Amarine, si Arthur, si Adira, si Yara, si Fern, si Ace, si Gust... si Asher, si... Zaidsungit tsaka si Adara na din kahit mataray siya sa akin kaya sampu.
"Wow sampu na pala sila." nakangiting sabi ko sa sarili ko habang binibilang ulit sila sa daliri ko. Hindi ko na sinama sina Derah at yung mga Headmaster kasi kaibigan ko na sila kahit di pa ko nakakalabas nung kulungan este kwarto pala.
Hihihi...
2. Help someone
May natulungan na ba ako? Parang puro kapalpakan lang yung nagagawa ko eh. Hmmm... Ah yung 3 nga muna.
3. Visit the nearest market
Napasimangot naman ako sa nabasa ko. Ni hindi pa nga ako makakalabas ng academy eh. Binasa ko naman yung ibang mga goals ko kasi nakalimutan ko na eh.
"Ano ba yan? Wala pa pala akong masyadong nagagawa bukod sa number one." sabi ko tsaka tumayo at tinago ulit yung sketch pad ko. Nahiga ulit ako tsaka pumikit.
"Sana wag naman nila akong pabalikin dun." sabi ko sa sarili ko habang nakapikit.
"Pabalikin saan?" napabangon ako agad nung may nagsalita. May mumu ba dito?
"Anong mukha yan Zhinli?" natatawang tanong ni Ace kaya sinimangutan ko siya. May problema ba sa mukha ko?
"Bakit anong meron sa mukha ko?" tanong ko kaya nagtawanan sila. Eto ang pinagtataka ko eh palagi na lang nila akong tinatawanan ng biglaan. May nakakatawa siguro sa mukha ko?
"Wala wala. Ikaw naman kasi parang gulat na gulat ka." sabi ni Gust kaya napatango ako. Panong hindi ako magugulat eh bigla bigla silang nagsasalita.
"Akala ko kasi may Mumu." sabi ko kaya tumawa na naman sila maliban syempre kay Zaidsungit at kay Adara.
"Nakakatawa ka talaga." sabi ni Fern tsaka umupo sa tabi ko sa kama.
"Ano bang iniisip mo at parang sobrang lalim naman." sabi naman ni Asher na nag-iikot sa kwarto ko.
"Bakit di mo nababasa yung isip niya?" tanong ni Adara kaya napalingon kaming lahat kay Asher na nag-iikot pa din sa kwarto ko.
"Ah Oo. Hindi ko nababasa yung isip niya. Wag na kayong magtaka at ewan ko kung bakit. " sabi ni Asher kaya sa akin sila nagsitinginan.
"Bakit kayo nakatingin sa akin?" tanong ko nung nakatingin lang sila sa akin ng hindi naman nagsasalita.
"Wala naman. Nakakapagtaka lang." sabi ni Gust kaya napayuko ako. Para kasing nang-hahalungkat yung tingin ni Gust eh.
"Tantanan niyo nga ng tingin si A... Zhinli. Teka ayos ka na ba?" tanong ni Yara kaya tinignan ko siya sa mata. Alam niya ba? Bakit? Ah hindi baka A as in Ahhh lang yung idudugtong niya. Tama tama. Hindi naman malalaman ni Yara yun kasi wala akong chinichika sa kahit na kanino.
"Inaantok ka pa ata. Ui gising na." sabi ni Fern tsaka ako tinapik tapik. Ay Oo nga pala. Kausap ko nga pala sila. Hihihi...
"Oo okay na ko. Medyo nga kasi ang habah ng sermon nila Headmaster Cai." sagot ko tsaka inayos yung unan ko para humiga ng nagsalita si Asher.
"Zhinli's Goal?" napatayo agad ako at tsaka pilit hinablot kay Asher yung sketch pad ko kaya lang nataas na niya yung kamay niya na may hawak sa sketch pad ko.
"Waahhh akin na yan Asher!" sabi ko na tumatalon talon pa kasi biglang lumutang si Asher. Tinignan ko naman si Gust na nakataas yung kanang kamay. Pinagtutulungan nila ako!
"Magaling ka pala magdrawing ng stick na may mukha." sabi ni Asher na natatawa. Nilalait niya ang obra maestra ko.
"Basahin mo yung Zhinli's goal na sinasabi mo!" sabi ni Fern kaya sumeryoso si Asher tsaka binasa ng malakas isa-isa.
"Number one, have at least ten friends. Sampu lang ang gusto mo? Teka ilan na ba kami?" tanong niya kaya napayuko ako. Nakakahiya naman ehh...
"Sampu na kayo. " sabi ko ng mahina. Napaangat lang ako ng tingin ng may umakbay sa akin.
"Ayos. Akala ko di mo kami sinali sa bilang eh ibabaon kita sa lupa." natatawamg sabi ni Fern kaya napaatras ako ng isang hakbang. Wahhh... naiimagine ko yung sarili ko na kinakain ng lupa.
"Number two, Help someone." basa ni Asher tsaka niya ko tinignan. Nakalutang pa din siya kaya nakatingala ako sa kanya.
"Hindi ko pa nagagawa yan" nakasimangot na sabi ko.
"Hindi pa? Sure ka?" tanong ni Gust sa akin kaya tumango ako.
"Tapos mo na to. Natulungan mo na si Amarine, Arthur, Adira at madami pa Zhinli." sabi ni Asher na nakatingin sa akin. May natulungan na ako?
"Huh? Pero wa..." hindi pa ko tapos magsalita ng nagsalita ulit si Asher.
"Mind reader ako Zhinli kaya alam ko. Utak mo lang naman ang di ko kaya eh. Tsaka... basta tapos mo na to." sabi niya tsaka tumingin ulit sa sketch pad ko.
"Huh? Di ka pa nakakapunta doon?" tanong ni Asher sa akin kaya nahihiya akong tumago. Pano naman ako makakapuntang pamilihan kung dito pa lang sa academy di pa ko nakakalabas.
"Nakakapunta saan?" tanong naman ni Yara.
"Yung number three kasi, Visit the nearest market." sabi ni Asher kaya sabay sabay silang nagsitinginan sa akin.
"Hindi ka pa nakakapuntang market? " ulit na tanong ni Ace. Ano ba yan...
"Ah Oo nga pala sabi mo sa gitna ka ng gubat nakatira noon. Gusto mo punta tayo?" tanong ni Yara kaya nagliwanag yung mukha kong lumapit sa kanya.
"Talaga? Sasamahan mo ko? Lalabas tayong academy? Pupunta tayong market? Wahhh salamat Yara! " sabi ko tsaka niyakap siya na may patalon talon pa. Hihihi...
"Hindi lang si Yara ang sasama. Sasama din ako!" sabi ni Fern kaya sa kanya naman ako lumapit at niyakap siya. Ayos!
"Ako din sasama!" sabi ni Ace kaya nilingon ko siya.
"Talaga? Wahhh gusto ko yun!" sabi ko na lalapit na sana sa kanya para yakapin siya ng hinawakan ni Zaid yung kwelyo ng damit ko kaya di na ko nakalapit kay Ace.
"All of us will go." sabi ni Zaid kaya lalong lumapad yung ngiti ko tsaka niyakap si Zaid.
Yes! Yes! Makakalabas ako ng academy.
"Bitaw na." sabi ni Adara kaya bumitaw ako kay Zaid at nagpeace sign. Hihihi. Naexcite ako masyado.
Tinignan ko naman si Zaid ng mabuti.
"Ah Zaid... may sakit ka ba? Bakit ka namu..." hindi pa ko tapos magsalita nung tumalikod siya at nagsalita.
"Magsipag bihis na kayo." sabi niya tsaka umalis.
"Anong nangyari kay Zaid?" tanong ko sa kanila ng humarap ako sa kanila. Eh?
Bakit sila nakangisi sa akin?
"tsss..." sabi ni Adara tsaka lumabas. Anong nangyare?
"Hahaha... Magbihis na kayo. Di ba pupunta tayong Market?" tanong ni Asher kaya naalala ko yung super gandang balita.
"Ah Oo. Hihihi... Pupunta tayong Market! Lalala... Market!" kanta ko habang naghahanap ng isusuot. Natatawa naman silang nagsilabasan. Siguro magbibihis na sila...
Teka ano bang isusuot ko?
Ano bang sinusuot pagpupunta sa market? Hmmmm... Ah itatanong ko na lang kay Yara.
Palabas pa lang ako ng pinto ng bumungad sa akin si Yara at Fern na may dalang damit.
"Baka wala kang isusuot." sabi ni Fern tsaka inabot sa akin yung damit.
"Tsaka eto din, hiramim mo muna kasi bawal tayong gumala sa labas ng academy." sabi ni Yara tsaka may inabot sa aking hood. Wow! Ang ganda...
"Hihihi... pupuntahan ko sana kayo para itanong. Salamat!" masiglang sabi ko kaya nginitian nila ako.
"Hahaha... Sige na at magbihis ka na." sabi ni Fern tsaka tumalikod. Nginitian lang din ako ni Yara bago siya pumasok sa kwarto niya.
Market... antayin mo ko!
Hihihi...
Third Person's POV
Lahat sila ay aliw na aliw sa kakulitan at kainosentehan ni Zhinli habang naglalakad sila sa loob ng pamilihan.
"Hihihi... Amg daming tao." sabi ni Zhinli habang bumubungisngis. Inakbayan naman siya ni Ace at sinabayan sa paglakad.
"Kapit ka samin baka bigla kang mawala. Ang likot mo." sabi ni Ace kay Zhinli. Napaaray naman si Ace ng may kamay na kumurot sa braso niya.
"Aray! Grabe ka naman Fern, selos agad?" tanong ni Ace na ikinainis lalo ni Fern.
"Tsss... Asa! Nanananching ka na kay Zhinli eh." sabi ni Fern tsaka siya ang umakbay kay Zhinli na kanina pa lingon ng lingon sa kung saan.
"Gusto mo ba diyan?" tanong ni Yara ng mapansin niyang nakatingin si Zhinli sa pet shop.
"Pwede ba? " tanong ni Zhinli kaya sabay sabay silang napatango maliban syempre kay Zaid na walang pakealam at kay Adara na napapairap na lang.
"Tara." sabi ni Gust kaya mabilis na tumakbo si Zhinli papunta dun. Humabol naman ang mga kaibigan nila papasok sa pet shop.
Unang nakapasok si Zhinli sa loob ng pet shop at di niya maiwasang malungkot sa nakita. Para sa kanya parehas lang sila ng mga hayop doon. Nakakulong... Walang kalayaan.
"Ang bilis mo namang tumakbo, Zhinli." sabi ni Asher tsaka nagtaka ng mapansing tulala si Zhinli sa gitna ng pet shop.
"Ang daming mga magical creatures dito. Teka ba't nandiyan kayo sa gitna?" tanong ni Ace. Nginuso naman ni Fern si Zhinli.
"Fern gusto mo ng kiss? Bakit mo ko nginungusuan?" tanong ni Ace kaya nabatukan siya ni Gust.
"Bakit Zhinli? Ok ka la..." hindi na pinatapos ni Zhinli yung sasabihin ni Yara.
"Hihihi... Wala. Tara dun na lang tayo sa iba!" masiglang sabi ni Zhinli tsaka lumabas sa pet shop. Nagtataka namang nagsilingunan sina Fern, Yara, Gust, Ace at Asher samantalang nakatingin lang si Zaid sa likod ng paalis na si Zhinli.
"Let's go." sabi ni Adara at lumakad. Patuloy lang sa pangungulit si Zhinli kaya ang akala nila eh ayos na to. Naglalakad na lang sila palabas ng market at baka mapansin na ng mga headmaster na nawawala sila sa academy ng may nanghatak kay Zhinli.
"Ikaw! Ikaw!" paulit ulit na sabi nung matandang babaeng bulag.
"Ako? Ako?" tanong ni Zhinli na napaaatras sa higpit ng hawak ng matanda.
"Bakit ka pa bumalik? Hahanapin ka nila. " sabi ng matanda kaya napailing si Zhinli.
"Ngayon lang po ako nakarating dito." sabi ni Zhinli kaya lalong nagsisisigaw yung matanda.
"Ang prinsesang nawalan ng alaala ang magiging hudyat ng kamatayan ng lahat. Hindi ka na dapat bumalik! Hindi na!" sigaw ng matanda. Naguguluhan lamang si Zhinli ng binuksan ng matanda ang kanyang mga mata at mula doon nakita ni Zhinli ang bagay na kahit sa panaginip hindi niya gugustuhing mangyari.
Dugo... Kamatayan. Kamatayan para sa lahat at ang pinaka kinakatakutan ni Zhinli ay ang makita ang mga kaibigan niyang duguan at wala ng buhay. Halos mapaupo si Zhinli sa mga nakita niya... Inangat niya ang tingin niya sa taong tumapak sa katawan ng kaibigang walang ng buhay at tuluyang kumawala ang mga luha ni Zhinli.
"Ako... ako ang pumatay sa kanila?" tanong ni Zhinli bago ito mawalan ng malay.
...
"Ayun si Zhinli!" sigaw ni Fern tsaka sila tumakbo palapit kay Zhinli na wala ng malay at nakahiga sa sahig.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Gust tsaka lumapit kay Zhinli.
"Inaapoy siya ng lagnat. Ta..." hindi na natapos ni Yara ang sasabihin niya ng binuhat ni Zaid si Zhinli at agad naglabas ng apoy na pakpak at lumipad pabalik ng academy.
"So wala ng tago tago? Tara na din!" sabi ni Ace at naglabas naman ng pakpak na gawa naman sa Yelo.
"Tsk... Mapaparusahan tayo neto. " sabi ni Gust na naiiling.
"Wala eh. Lumipad na din naman sila." sabi ni Fern tsaka sila tutumuntong sa pinagsama samang dahon ni Fern tsaka pinalipad ni Gust.
Habang hinahabol nila si Zaid na buhat buhat si Zhinli, hindi nila maiwasang magtaka sa kinikilos nito.
"Tinamaan ata ang loko." sabi ni Ace na sumasabay na ng lipad sa kanila. Napangiti naman ng makahulugan si Asher bago nagsalita.
"Matagal ng may tama yan." sabi ni Asher tsaka binuksan ang harang ng academy. Natural hindi sila makakadaan sa gate dahil sa tumakas lang naman sila sa academy. Isa pa, Mana Blocker si Asher kaya kaya niyang buksan panandalian ang maliit na bahagi ng harang.
Lumapag sila sa tapat ng Hunters Building at dumeretsyo sa clinic.
"Asan si Zhinli?" napatingin agad silang lahat at halos sabay sabay na napalunok ng makita ang galit na mukha ni Headmaster Cai.
"Eto na ang parusang sinasabi ko." bulong ni Gust tsaka tumabi para makita ni Headmaster Cai si Zhinli na inaapoy ng lagnat at pilit pinapagaling ng natatarantang healer dahil sa galit na aura ni Headmaster Cai. Pati si Yara eh tumulong na sa pangagamot.
"Chill old man. " nakangiwing sabi ni Asher kaya sinamaan siya ng tingin ni Headmaster Cai.
"Anong nangyari dito Asher?" mariing tanong ni Headmaster Cai.
"Nilabas namin siya. Namasyal lang naman kami sa pamilihan." sabi ni Asher kaya nasuntok siya ni Headmaster Cai. Sinamaan naman ni Asher ng tingin ang kapatid tsaka tumayo at pinunasan ang kanang labi na may dugo.
"He-Headmaster kasi..." hindi pa tapos magsalita si Yara ng nagsalita si Asher.
"Tell them the truth. " madiing sabi ni Asher tsaka lumabas ng clinic. Napabuntong hininga naman si Headmaster Cai at sinundan ang kapatid samantalang naiwang nag-aalala sila Yara.
"Mabuti pa lumabas na muna kayo." sabi nung healer kaya nagkanya kanya sila ng labas.
"May alam ba kayo sa nangyayare?" tanong ni Gust pagkalabas na pagkalabas nila.
"Naguguluhan din ako." sabi ni Fern tsaka bumuntong hininga.
"Isa lang ang alam ko. Gwapo ako." sabi ni Ace kaya nabatukan na naman siya ni Fern. Malalim naman na nag-iisip si Yara kaya tinignan siya ng mga kaibigan.
"Ikaw ba Yara, may alam ka? Kanina ka pa kasi tulala." sabi ni Fern kaya napaatras si Yara.
"Wala. Pagod na ko. Sige ah" sabi ni Yara at mabilis na umalis.
Nagugulo na ang lahat.