Prologue
"Excited na ako!" sabi ko habang inaayos ang buhok ko. Nandito ako sa kwarto ko. Palagi naman eh. Ang totoo niyan, hindi pa ko nakakalabas sa kwartong to.
Ang apat na sulok ng kwartong to ang nagsisilbi kong mundo.
Ang kulay asul kong kama, isang maliit na kabinet at isang maliit na banyo.
Walang bintana at wala akong idea sa totoong itsura ng mundo sa labas.
Simula pagkabata, kinulong na nila ako dito para protektahan ang buong kaharian.
Si Derah lang ang nagkukwento sa akin ng itsura ng mundo sa labas.
Limang taon ako nung sinanay nila ako sa paggamit ng kapangyarihan ko para maprotektahan ang kaharian.
Isa akong Mana keeper.
Ang sabi ng iba, biyaya ang ganitong klase ng kapangyarihan.
Pero para sakin...
...isa itong sumpa...
Dahil sa kapangyarihang ito kaya ako nakakulong sa kwartong to.
"Wag ka ngang masyadong masaya. 99 days lang ang kalayaan mo" pagsira ni Derah sa kaligayahan ko tsaka umirap. Naku ang adang ito masyadong nega.
"Ayos lang iyon. Ngayon lang ako makakatapak sa labas! Kahit gaano kaikli ay ok lang." sabi ko. Bigla naman siyang sumimangot. Hahaha... Mukhang alam ko na kung ano ang ipinuputok ng bubwit na ito.
"Ai naku Derah. Alam ko namang mamimiss mo lang ako eh" sabi ko. Hindi kasi siya pinayagan ng mga headmasters na lumapit sa akin sa labas. Ang sabi kasi nila magiging kahinahinala kung ang isang normal na wizard na tulad ko ay may kasamang ada, sila kasi ang fairy ng mga kabilang sa royal family.
"Hindi no! Iniisip ko lang na baka kung anu-anong katangahan ang gawin mo." pagtangi niya.
Hay naku... tinatangi pa eh. Ako nga mamimiss siya. Siya lang kasi ang madalas kong kasama dito.
"Pwede ka nang lumabas, Azalea" sabi ni headmaster Ariane na biglang nagbukas ng pinto na ni minsan hindi ko nalapitan..
"Sa wakas!" sabi ko tsaka sumunod kay Headmaster Ariane.
Heto na... makakalabas na ako.
-----