Day 1: Clandestine Academy

2839 Words
- Azalea Zhinli Centana's POV - "Wow! " Wahhh... ibang iba ito sa mga kwento ni Derah. Mas maganda to. Ang sabi kasi ni Derah maingay at magulo dito sa labas. Ang daming tao. Nagkalat yung mga studyante, may mga lumilipad na fairies at kung anu-ano pa. "Prinsesa, iiwan ka na namin dito. Alam niyo na ang gagawin hindi ba? " sabi ni headmaster Arianne. Tumango naman ako. Syempre alam ko na ang gagawin ko. Ang dami ngang rules na ibinigay sa akin eh. Ang no. 1 rule: Bawasan ang kakulitan. Nandito kami sa labas ng gate ng Clandestine Academy. Hindi daw niya ako pwede ihatid kasi mahahalata. Nagsimula na siyang umalis at nagsimula na din akong pumasok ng school. Ganito pala yung pakiramdam na nakatapak sa mga damo. Mas maganda yung feeling kaysa dun sa carpet ko sa kwarto. Lagi ko lang kasing nalalaman ang itsura ng isang bagay sa tulong ng magic ni Derah. Umupo ako tsaka hinawakan yung damo. Napangiti naman ako. This is it pancit! Nakalabas din ako. Tumalon talon pa nga ako sa tuwa eh. Tumayo naman na ako at deretsyong naglakad, mukha na kasi akong baliw sa pwesto ko kanina. Saan naman ako ngayon pupunta? "Prinsesa Azalea..." Hinanap ko naman yung tumawag sa akin. Nakita ko si Derah na lumilipad papunta sa akin. Anong ginagawa niya dito? "Oh Derah. Akala ko ba hindi mo ko pwede kausapin?" tanong ko. "Ginamitan ako ng Invisible spell ni Headmaster Rico. Ngayon lang ito. May pagka-slow at tanga ka kasi kaya naaawa ako sa makakasalubong mo. Tara na." sabi niya tsaka lumipad paalis. Salbahe. Palibhasa kasi siya pwedeng lumipad. "Teka lang!" sigaw ko. Nagsitinginan naman yung mga tao sa akin kaya napayuko ako. Hala. Tinakpan ko pa ng dalawang kamay ko yung mukha ko tsaka naglakad. Nakakahiya... "Tsk" sabi ng kung sino. Inangat ko naman yung ulo ko. Nasaan na si Derah? Wala naman akong nabanga ah. Muntik na kong matumba nung may humawak sa paa ko at inalis yun sa batong natapakan ko. Tumingin naman ako sa paanan ko. Mali! Hindi pala bato yun. Braso pala yun ng isang tao. Lalong nanlaki yung mata ko. "Wahhh tao!" sabi ko habang nakatingin dun sa lalakeng nakatayo na ngayon. Wow... ngayon lang ako nakakita ng tao este wizard bukod kay Derah at sa mga Headmasters. Hinawakan ko yung mukha niya tsaka hinatak. "Ang lambot naman ng pisngi mo!" sabi ko tsaka lalong diniinan yung pagpisil sa magkabilang pisngi niya. Hindi ko kasi pwedeng pisilin yung mukha ni Derah kasi maliit siya. Lalo naman kina Headmasters dahil baka parusahan nila ako. "Aray!" daing ko nang pwersahan niyang tangal yung pagkakapisil ko sa pisngi niya. "Masakit yun ah!" sabi ko na hinihimas himas yung kamay ko. Tinignan naman niya ako ng masama tsaka pinagpag yung damit niya. " You're too noisy." sabi niya sa akin. Ako? Maingay? Hindi naman ah. " Hindi ako maingay, tahimik ka lang!" sabi ko tsaka tumalikod. Hahanapin ko nalang si Derah. Tama tama... yung maliit na Ada na iypn. Nasaan na kaya yun? "Aren't you going to say sorry?" tanong niya. Humarap naman ako sa kanya tsaka kumunot ang noo. "Sorry." sabi ko tsaka nagbow at naglakad paalis. Baka kasi magalit sila headmaster pag nakipag-away ako. Edi naparusahan ako. Nakakainis! Nakikikurot lang ng pisngi eh. Nawala tuloy si Derah. Ang bilis pa naman lumipad nun. Naglalakad ako papunta sa kung saan nang may nabanga ako. Medyo naniniwala na ko kay Derah na may pagkashunga ako. "Sorry Ms." sabi ko sa nabanga ko. "A-ayos lang..." sabi niya. Wow ang ganda. Hindi ko naman napigilan yung kamay ko at kinurot si Ateng nabanga ko. "Wow ang lambot din ng pisngi mo miss!" sabi ko. Ang gaganda at gugwapo naman ng mga nilalang dito. Ang cute niya... pinisil pisil ko pa yung pisngi niya. "Ah... ara-aray..." hala. Napabitaw agad ako sa pisngi niya. "Naku pasensya na Miss. Ang ganda mo kasi ehhh. Sorry. Sorry!" sabi ko tsaka paulit-ulit na nagbow. "A-ayos lang." sabi niya na hinihimas yung pisngi niya. Napayuko naman ako. Nahihiya ako sa kanya, bagong salta lang ako dito sa academy tapos may nasaktan na ako. Bakit naman kasi ang cute cute niya eh. "Ok lang yun. Oo nga pala, I'm Yara Serafin Mondel. Yara na lang." Pakilala niya. Ang ganda na nga niya, ang bait pa. "Ah ako naman si Zhinli. Zhinli Centana." sabi ko. Hindi ko daw pwedeng gamitin yung Azalea. Ok lang pangalan ko pa din naman yung Zhinli. "Ah. Bago ka dito?" tanong niya. Tumango tango naman ako. " Kaya pala. Tara, samahan na kita sa klase mo. Saan ka ba?" sabi niya. " Wahhh ang bait mo naman! Sa Seekers ako. " sabi ko. Yun kasi yung section na inassign sa akin. Tumango naman siya tsaka ako nginitian. "Sayang sa ibang section ka pala. Teka ano nga pala yung magic mo?" tanong sakin ni Yara "Wala." simpleng sagot ko. Bawal daw sabihin eh. "Wala?" tanong niya sakin na parang sampu yung ulo ko. Ang cute, halatang halata yung gulat sa mukha niya. "Wala. Bakit?" tanong ko. Asan na kaya si Derah? "Ka-kasi pangalawa ang seekers sa magic section. Pano ka nakapasok dun kung wala kang magic?" tanong niya. "Hmmm.. baka may magic ako. Hindi ko lang alam" sagot ko sa kanya. Tumango lang siya tapos huminto kami sa tapat ng isang pinto. "Dito ang classroom niyo. Ako sa kabilang building pa. Puntahan mo lang ako kung may tanong ka ah." sabi niya sa akin. "Ok. Salamat Yara!" sabi ko tsaka nagbow. Nasanay kasi ako kay Derah. "Hahaha... Alam mo para kang Ada kung kumilos. Ganyan kasi sila kapag nagpapasalamat" sabi niya. Pano si Derah lagi kung kasama kaya sa gawain niya ko nasanay. Tumango na lang ako sa sinabi niya at baka mabuko pa ako ng wala sa oras. " Ahh... Sige aalis na ko. Nasa kabilang building lang ako kung kailangan mo ng tulong " sabi niya ulit sa akin. Nginitian ko naman siya tsaka nagbow ulit. "Salamat!" sabi ko. Tumango na lang siya tsaka naglakad pababa. Humarap naman ako sa may pinto. Hooo... Heto na. Inhale... Exhale.. Kaya mo yan Zhinli. Sabi ko sa sarili ko tsaka binuksan yung pinto. "Kyaaaa..." sigaw ko tsaka napaupo nang may mga lumilipad na upuan na sasalubong sa mukha ko. "Hahaha..." tawanan ng mga kaklase ko. Napaangat naman ako ng tingin sa kanila. "Hey! Hindi kayo nakakatuwa Ah!" sigaw ng isang babae na lumapit sa akin. Tinulungan pa niya akong tumayo. "Are you okay? " tanong nung babae. Tumango naman ako. Geezzz... muntik na kong masapol ng lumilipad na upuan. "O.A lang Amarine. Hindi naman natamaan." sabi ng babaeng nakaupo sa may lamesa. Wow, ang ganda din niya. Parang ang sarap tuloy kurutin ng pisngi niya. "Hindi siya natamaan kasi nakaupo siya. Paano kung hindi?" sabi nung babaeng Amarine daw ang pangalan. Oo nga... paano kung hindi ako napaupo? "Whatever." sabi nung babae tsaka umirap. " Naku! Sorry ha... Naramdaman kasi ni Arthur na may papasok kaya ayan nangtrip na naman sila. " sabi niya sa akin. "Huh? Ok lang. Hindi naman ako natamaan." sabi ko. "Aisttt... Nga pala. Amarine Luna Altemar." pakilala niya tsaka nakipagshakeshand. "Zhinli Centana." pakilala ko din. "Sorry talaga kanina. Ang lakas lang talaga mangtrip ng mga iyan." sabi ni Amarine na tinuturo yung mga kaklase kong nagtatawanan. Nakaisip naman ako ng magandang ideya. Hihihi... Gagawin ko pa lang sana yung masaya kong plano ng pumasok si Master Era. Yup kilala ko lahat ng Masters or teachers dito sa Academy pero sa mukha at pangalan lang. Kapag kasi wala akong ginagawa sa silid ko eh pinagbabasa nila ako ng mga bagay bagay tungkol dito sa Academy. "Owww... We have a new student. Mind to introduce your self?" tanong ni Master Era. Tumango naman ako tsaka tumayo. Medyo nahihiya pa nga ako habang naglalakad sa gitna eh. Hindi ako sanay na pinagtitinginan. "Hi." panimula ko. Kumaway pa nga ako. Ano bang malay ko sa pagpapakilala eh ngayon lang ako nakapasok sa klase. "Ako nga pala si Zhinli Centana. 17 years old. Mahilig akong kumain at matulog." pakilala ko. Nagtawanan naman yung mga kaklase ko. Narinig ko din si Master Era na nakitawa. Eh? Ano namang nakakatawa? "Anong magic mo?" tanong ni Arthur. Yung tinuro ni Amarine na nakaramdam daw na papasok ako. "Ah wala. Wala pa. Hindi ko alam eh." sagot ko. Nagbulongbulungan naman sila. "Eh bakit ka nandito? Dapat sa Lowest level ka ng Protectors." sabi ng isang kaklase kong babae. Nahahati sa Tatlo ang buong Academy. Ang sabi nila Headmaster, Hunters ang pinakamataas. Isang section lang yun kasi yung mga magagaling lang yung nandun. Sunod ang Seekers. Apat na section naman to, at nasa First class Seekers ako. Tapos last naman yung Protectors, nasa 24 yung section nila. Naisip na din nila Headmasters na ilagay na lang ako sa Protectors kaya lang baka mahirapan silang bantayan ako pag doon ako nilagay kaya nandito ako sa Seekers pero dahil bawal ko naman yun sabihin, nginitian ko na lang yung nagtatanong. "Ahemmm... Ok Ms. Centana, pwede ka ng umupo." humarap naman ako kay Master Era at nagbow. "By the way, I'm Master Era. A Time Wizard." sabi ni Master Era pagkaupo ko. Hmmm... Time Wizard. Cool parehas sila ni Headmaster Arianne ng Magic. "Pasensya ka na sa mga kaklase natin." bulong ni Amarine. Nginitian ko naman siya. Bakit kaya ang hilig niya magsorry? Nagklase naman kami. Nakinig naman ako kahit alam ko na yung tinuturo nila kasi syempre baka makarating sa mga headmasters na nagiging sakit na naman ako sa ulo. Baka hindi na nila ituloy yung 99 days ko tapos ikulong na naman ako sa kwartong yun. "Hoi Zhinli. Tulala ka? Hindi ka pa ba uuwi? Half day lang naman kasi tayo. Saan ba yung dorm mo " sunod-sunod na tanong ni Amarine. Hala. Tulala na pala ako. Teka... Oo nga! Saan yung dorm ko? "Huh? Ah itatanong ko pa muna. Sige una na ako. Bye!" sabi ko tsaka nagmadaling lumabas. Kanino ko itatanong? Kay Derah? Ehhhhh wala nga siya. Sa Headmasters? Pwede kaya akong lumapit sa kanila? Aissttt... bahala na. Saan nga ulit yung office ni Headmaster Ariane? May pinakita na silang mapa sa akin kanina eh. Naglakad naman ako palabas ng Seeker's building nang may mabanga na naman ako. "Awts..." sabi ko nang may nabanga ako. Ay ilang beses ba akong mababanga? Nakayuko ako habang hinihimas yung noo kong tumama sa kung saan. " Zhinli." tinaas ko naman yung tingin ko mg may tumawag sa akin. "Yara." sabi ko sa kanya na nasa likod ng nabanga ko. "Again." sabi ng lalake na nabanga ko. Waahhh... "Ikaw!" sabi ko sabay turo sa kanya. Oo siya yun! Tinignan ko pa siya ng maigi. Naman baka mamaya iba dic ba? Edi napahiya ako. "Magkakilala kayo?" tanong ni Yara. Umiling naman ako ng mabilis at maraming beses, mga 10 times siguro. "Hindi. Hindi ko siya kilala. Pero natapakan ko siya kanina. Tapos kinurot ko yung pisngi niya kaya lang nagalit siya." paliwanag ko. Tumawa naman si Yara. "Kung ganun mahilig ka talaga mangurot." sabi niya. Oo, ng mga Cute at magagandang bagay. Nakakagigil kasi eh. "Hindi naman." nahihiyang sagot ko. "Hoi Zaid, Yara bakit nandito pa kayo? Akala ko ba mauuna na kayo kay Headmaster Arianne? " tanong ng babaeng papalapit samin ngayon. Wow... Ang ganda naman niya. Ang sarap iuwi sa bahay kaya lang wala akong bahay. "Ay, may kausap pala kayo." sabi nung babae tsaka kumaway sa akin. " Ah Fern, si Zhinli nga pala. Zhinli si..." hindi na natapos ni Yara yung sasabihin niya kasi lumapit sa akin yung babae tsaka hinawakan yung kamay ko. "Mitchisel Fern Zerez is the name. Fern na lang... Your so cute naman!" sabi niya na hawak hawak pa din yung kamay ko. Hindi ko na napigilan kaya bigla ko na lang inalis yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya tsaka siya kinurot. "Waahhh... Mas cute ka!" sabi ko habang kinukurot siya. Nakakagigil. "Awww..." daing niya. Nanlaki naman yung mga mata ko tsaka siya binitawan. "Sorry!" sabi ko tsaka paulit-ulit na nagbow. "Ah. Ok lang." sabi niya tsaka ngumiti. Kinagat ko naman yung kanang kamay ko. Bad! "Hey, bakit mo kinakagat yang kamay mo?" tanong ni Yara. Hindi naman ako sumagot. Pinaparusahan ko kasi yung kamay ko. May dumating naman na dalawang lalake at lumapit sa amin. Lalo ko namang diniinan yung kagat ko sa kamay ko. Eeehhh kasi baka makakurot na naman ako eh. "Oh my... Zhinli are you a Vampire? Dumudugo na yang kamay mo oh." sabi ni Fern. Tinignan ko naman yung kamay ko. Hala Oo nga. Ouchyyyy... "Hala ka. Akin na. Gagamutin ko." sabi ni Yara. Inabot ko naman yung kamay ko tapos kinuha niya yung tubig galing sa kwintas niya. Ang galing nga eh ang unti lang ng tubig tapos dumami. Pinagalaw niya yung tubig tsaka binalot sa sugat ko. "Wow... Water Element user ka?" tanong ko. "Oo." sagot niya na nakangiti. "Ibig sabihin kayo yung Hunters?" manghang sabi ko. Ilang beses ko na silang narinig kay Derah. "Yeah yeah. Kami yun." sagot nung isang lalake. "Anong pangalan mo?" tanong ko habang ginagamot pa din ni Yara yung kamay ko. Hindi ko naman masyadong maramdaman eh. "Ace Iñigo Arsen. Ice User. Ang pinakagwapo sa lahat." sabi niya. Tinuro ko naman yung lalaking nabanga ko kanina. "Pero mas gwapo siya sayo." sabi ko. Tumawa naman silang lahat maliban dun sa nabanga ko tsaka kay Ace. "Hahaha... I like you na talaga." sabi ni Fern. "I like you too." sabi ko din sa kanya. "Ahhh... Ako naman si Dion. Dion Gust Almigo, Wind User." sabi nung isang lalake. Tumango naman ako. "Bakit ganito?" tanong ni Yara. Tumingin naman ako sa kanya na nakatingin sa sugat ko. "Ayaw gumaling." sabi ni Yara na inaalis na yung tubig. Oo nga ayaw nga. "Ms. Centana." napalingon ako sa likod ko. Si Headmaster Arianne. Tatakbo na sana ako palapit sa kanya nang maalala kong kunwari nga pala hindi ko siya kilala. "Po?" tanong ko tsaka napalunok. "Itanong mo na lang kay Headmaster Cai kung nasaan ang dorm mo at kung nasaan ang mga gamit mo." sabi niya. "Opo. Salamat po!" sabi ko tsaka nagbow. Humarap ako kina Yara at nagbow tsaka tumakbo paalis. Ang tanong... saan ko naman mahahanap si Headmaster Cai? Tatlo ang headmaster dito sa Clandestine Academy, Si Headmaster Arianne Flynn. Time Manipulator at mind reader, headmaster ng Hunters. Tapos si Headmaster Caizen 'Cai' Zin, Gravity User at kaya din niyang tumagos sa mga bagay-bagay, headmaster naman ng Seekers. Si Headmaster Rico Kelton, Technology User. Siya naman ang headmaster ng Protectors. Sila yung madalas na bumibisita sa akin sa kwarto ko. "Ai Pangit!" sigaw ko nang may biglang sumulpot sa harap ko. "Sinong pangit? Ako?" si Headmaster Cai pala. Bakit kasi bigla-bigla siyang tumatagos sa pader. Nakakagulat tuloy. "Hindi po. Nagulat lang." sabi ko. "Mabuti naman. Ang gwapo ko kaya. Tara sa Opisina ko." sabi niya tsaka ako hinatak papasok sa kwartong pinangalingan niya. May pinto naman kasi. "So kamusta ang unang araw mo dito sa labas?" tanong niya habang hinahalungkat yung gamit niya. Kahit kailan talaga ang kalat niya. Minsan nga pumupunta lang siya sa kwarto ko para magkalat. "Ok naman po." sagot ko. Sa kanilang tatlong headmaster, si Headmaster Cai ang pinaka-close ko. Masyado kasing busy sila Headmaster Rico at Headmaster Arianne. Hindi kagaya nitong si Headmaster Cai na paeasy easy lang sa buhay. "Asan na ba yung susi?" tanong ni headmaster Cai sa sarili niya. Nakaisip naman ako ng ideya. "Anong kulay ba nung susi?" tanong ko kay headmaster Cai. "Hmmm... Kulay blue yun na may pulang tali." sabi niya na nakahawak sa baba niya. Inisip ko naman yung itsura nung susi. Maya maya lumutang na yung susi galing dun sa drawer niya. "Got yah!" sabi ni Headmaster Cai na hinablot yung lumulutang na Susi. "Mapapakinabangan talaga ang pagiging spell caster mo eh." sabi ni Headmaster Cai. Hihihi... Yup isa akong Spell Caster. Kung yung iba elements and abilities ang power ako naman ay isang spell caster na kasama na ng pagigingkeeper ko. Yun nga lang wala akong alam na spell. Nakakatamad kasi aralin yung mga spell eh. Kaya ayun pagpapalutang pa lang ng nawawalang gamit ang alam ko. Hindi bale aaralin ko na lang. "Hihihi... Akin na po yung susi ko." sabi ko na nilahad yung kamay ko. "Fine, fine. Pero huwag mong gagamitin yang kapangyarihan mo sa kalokohan ah. Binabalaan kita Zhinli, wala munang dapat makaalam na isa kang prinsesa, na ikaw ang mana keeper. Ayaw mo naman sigurong mabawasan ang 99 days mo hindi ba? " mahabang sabi ni HM( HeadMaster) Cai. "Opooooo... Get's ko na." sabi ko na naka thumbs up pa yung dalawang kamay. "Room 571, 4th Building sa kanan. Walang kang room mate pero nandun si Derah." sabi niya. Napangiti naman ako, Yessss! Marami akong ikukwento kay Derah. "Ok po. Bye Bye HM Cai!" sabi ko tsaka tumakbo sa may pinto. Nagbow pa ko ng ilang beses bago tuluyang umalis. "Matatapos na yung unang Araw. Go fight Zhinli!" sabi ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD