- Azalea Zhinli Centana's POV -
"AZALEA!! anu bey... Gumising ka na nga. Malelate ka na!"
"Waahh... Derah 10 minutes pa." sabi ko tsaka tumagilid.
"Aba sosyal! Yung iba 5 minutes lang ang hirit ikaw 10? Hoi, kamahalan, para sa kaalaman mo mahuhuli ka na sa klase!" sabi niya. Napadilat naman ako agad tsaka biglaang bumangon. Hinanap ko talaga yung door clock ko. Door Clock kasi wala siya sa wall. Hahaha... ok Azalea este Zhinli and aga-aga ang corny mo.
6:20 A.M.
Teka... 7:00 A.M. klase ko ah.
"Oh ano tulala ka na lang forever. Naniniwala na ko sa forever. Forever ka ng antukin! Hala sige malelate ka na!!! KILOS!!!!" sigaw ni Derah. Oha... Prinsesa ako, Ada ko siya pero kung sigawan niya ko parang baliktad ata. Tumayo na lang ako bago ko pa .akalimutang malelate na ko.
"Derah, yung sapatos ko?" tanong ko kay Derah habang paikot-ikot sa dorm ko. Hindi naman masyadong malaki itong dorm ko kaya lang makalat.
"Nasa ilalim ng upuan. Oi, kumain ka muna!" Sabi niya na lumilipad at may dalang isang pirasong tinapay. Inabot ko naman yung tinapay tsaka sinubo at inayos yung sapatos ko.
"Mamwaya nah. Shawamat!" sabi ko habang subosubo yung tinapay.
"Ewww... Lunukin mo nga muna iyan. Sige na layas!" sabi niya tsaka sumenyas na parang aso lang yung tinataboy. Lumabas na lang ako at nag bow. Nginunguya ko pa kasi yung tinapay. Naglakad na ako papunta sa Seeker's Hall. Atokong mahuli sa klase.
"Zhinli!" napatigil ako sa paglalakad tsaka nilingon si Amarine na tumatakbo palapit sa akin.
"Good Morning, Amarine!" bati ko kay Amarine pagkalapit niya sa aki . Medyo hinihingal naman siya na nagsalita.
"Sabay na tayo?" alok niya.
"Sige!" Excited na sabi ko. Sabay na kaming pumunta ng classroom namin. Bubuksan ko na sana yung pinto kaya lang pinigilan niya ko.
"Wait." pagpigil niya tsaka pumuwesto sa gilid ng pinto tsaka iyon binuksan. Tama naman yung ginawa niya kasi pagkabukas niya ng pinto, isang lumilipad na chalk box yung sumalubong sa amin. Mabuti na lang nakagilid kami.
"Masanay ka na." sabi niya. Tumango naman ako.
"Palagi ba silang ganito?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa mga upuan namin.
"Oo eh. Lalong lalo na yan sila Arthur at Arin. Magpinsan sila at talagang malakas ang trip nilang dalawa. Paano kasi sila ang pinakamagaling sa buong Seekers kaya ganiyan." sabi niya. Tinignan ko naman sila.
"Parehas silang galing sa Ventus kingdom. Pychokinetic si Arthur tapos Gravity Manipulator si Arin." dugtong pa niya. Magsasalita pa sana ako ng pumasok si Master Era sa classroom.
"Good Morning Class!" bati ni Master Era. Syempre nag 'Good Morning' din kami tsaka umupo. Nagsimula na magklase si Master Era pero hindi ako nakikinig, nakayuko ako dito at binibilang yung linya sa palad ko. Hindi naman ako nakikita kasi malaki yung nasa unahan ko.
"Kyaaaa..." tilian ng mga kaklase. Huh? Inangat ko agad yung ulo ko. Chismis.
"Shhhh..." saway ni Master Era.
"Oh my gosh! Ang hunters!" sabi ni Arin na tumitili. Tinignan ko naman sila Yara na nasa harapan. Kailan kaya sila pumasok?
"So Class I'm here to introduce you the Hunters." sabi ni Master Era.
"First, from Aqua kingdom, Princess Yara Serafin Mondel." Tapos gumitna si Yara tsaka kumaway.
"Ang ganda talaga niya." sabi nung mga kaklase ko. Binulungan ko naman si Amarine.
"Ah Amarine bakit sila nagpapakilala? Anong meron?" Tanong ko. Sinagot naman niya ako na hindi nililingon. Busy siya sa pagtitig sa Hunters eh.
"Nakasanayan na iyan kasi sila yung maglelead sa buong student body." ahhh... Hindi na lang ako sumagot kasi mukha ng nangagarap nang gising tong si Amarine.
"Prince Dion Gust Almigo of Ventus Kingdom." sabi ulit ni Master Era tsaka lumapit sa gitna si Dion. Medyo ngumiti lang si Dion.
"Prince Ace Iñigo Arsen of Aqua Kingdom. " sabi ni Master Era tsaka lumapit si Ace sa gitna at kumaway, nagpogi pose pa.
"Princess Mitchisel Fern Zerez of Terra kingdom." tsaka lumapit si Fern sa gitna at ngumiti. Madami pa akong naririnig na bulong bulungan. Grabe, parang hindi naman na nila kailangan magpakilala eh.
"Princess Adara Anari Ampher of Ignis Kingdom." tsaka pumunta sa gitna ang isang matangkad at maputing babae. Hindi ko siya nakita noon na kasama ni Yara.
"and last... Prince Titus Zaid Flynn of Ignis Kingdom." sabi ni Master Era at di na talaga nakontrol yung mga kaklase ko at nagsitilian na.
"Yung tenga ko." bulong ko tsaka tinakpan yung dalawang tenga ko. Pati si Amarine nakisigaw na.
"Oh my..." tili nila. Partida hindi pa pumupunta sa gitna yan ah.
"Shhh... Class!" Awat ni Master Era sa mga kaklase ko pero dahil nga kilig to the bones sila hindi sila nagpaawat. Kahit yung mga lalake tuwang tuwa kina Yara.
"Quite!" sigaw ni Zaid tsaka umapoy sa paligid ng room.
At sa wakas nagsitahimik sila.
"Zaid!" sabi ni Yara kay Zaid, tinignan naman ni Zaid yung apoy tsaka namatay. Medyo sunog na yung wall namin pero ang galing lang kasi paghawak ni Master Era sa dingding bumalik na iyon sa dati.
"Were sorry to ruin your enjoyment but we are here to introduce our selves as your superior." sabi ni Dion. Naku, Medyo seryoso din pala to.
"Sorry." sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko.
"Ok lang. Huwag niyo na lang uulitin. Since kilala niyo na kami. Ok naman na yun, any questions?" Ang bait talaga ni Yara, ang ganda ganda pa niya. Para tuloy gusto kong kurutin yung pisngi niya. May nagtaas naman ng kamay na kaklase ko sa dulo.
"Nasaan po ang prinsesa ng Vista Kingdom?" Tanong niya. Kinabahan naman ako sa tanong niya.
"Hindi namin alam." sagot ni Yara. Si Yara siguro ang spokesperson nila.
"Patay na ba siya?" tanong nung kaklase ko. Lalake siya na mukhang nerd.
"Tsss... Ang daming tanong nito ni Asher. " bulong ni Amarine.
"Sinong Asher?" tanong ko.
"Ayang nerd KUNO na nagtatanong." sabi niya.
"Nerd KUNO?" paguulit ko na patanong.
"Oo... Kunwari kunwariang nerd lang naman yan eh." sabi niya. Tinignan ko naman yung Asher. Tapos tumingin ako sa harap.
"Honestly, wala kaming alam tungkol sa kanya." sagot ni Fern.
"So patay na nga siya?" tanong ni Asher. Anong patay? Hoi, kuya buhay na buhay kaya ako! Alive and Eating! bakit ba masyado itong interesado sa existence ko? Ang sbi sa akin nun nila Master Cai, matagal nang hindi napag-uusapan ang existence ko.
"Class, let us stop talking about her. Any questions?" tanong ni Master Era, wala naman ng sumagot.
"Princess Azalea, yun lang ang alam namin tungkol sa kanya." Sagot ni Zaid. Ang saklap naman na pangalan ko lang ang alam nila.
"Then wala pala siyang kwentang prinsesa." sabi ni Arin. Hah? Ako walang kwenta? Eh kung ingudgod kaya kita diyan. Teka ano ba yung spell para gawing ipis ang isang wizard?
"She doesn't deserve her title." Dagdag pa ni Arthur.
Grrr... Aba loko tong dalawang to ah! Eh kung kayo kaya ang ikulong ko sa Tore sa labas ng school. Ikaw kaya ikulong ko sa kwartong walang bintana. Tsss.
"Excuse me." sabi ko tsaka tumayo. Aba, nagpapakahirap ako sa loob ng maliit na kwartong iyon, ang boring boring doon tapos sasabihan niya akong walang kwentang prinsesa? Tinignan naman nila akong lahat.
"What?" mataray na tanong ni Arin. Tseh! Gawin kaya kitang ipis.
"Hindi naman ata tamang sabihin niyo na walang kwentang prinsesa si Prinsesa Azalea dahil lang hindi niyo siya nakikita. Kakasabi lang, pangalan lang ang alam niyo sa kanya." sabi ko tsaka umupo.
"Oh tapos?" tanong ni Arin sa akin. Tatayo pa sana ako para sagutin siya namg awatin ako ni Amarine.
"Eh ano ngayon kung wala nga kaming alam tungkol sa kanya? If I know, ayaw niya lang magpakilala kasi ayaw niyang gawin yung responsibilidad niya." sabi ni Arin. Lalo naman akong nainis kaya hindi ko sinasadyang napakialaman ang daloy ng Mana sa loob ng classroom.
Bssttt...bssstt...
Nagpatay sindi yung mga ilaw, yung iba pumutok pa.
Napansin ko namang nataranta na yung mga kaklase ko kahit pati si Master Era. Bihira kasing nagalaw ang ilaw at gamit dito sa loob ng Academy dahil lahat ito ay pinapagana ng Mana.
Kaya nga hindi uso ang brown out dito.
"Anong nangyayari?" rinig ko pang tanong ni Ace. Pilit ko namang pinakalma yung sarili ko.
Inhale... Exhale... Ano ba Zhinli. Relax!
Aissttt... Bukod sa nagpuputukang ilaw, nakakatakot din yung mga fans na nakafull energy na ata. I need to calm myself. Hindi naman kasi ako madaling magalit pero nagugulat ako sa ugali ng mga kaklase ko. Bakit ang bilis nila manghusga? Ngayon ko lang narinig ang pangalan ko sa bibig ng iba bukod kina Derah at sa mga headmaster tapos ganito pa.
Nagulat na lang ako nang biglang pumasok si Derah sa klase namin.
"Kaninong ada iyan?" tanong ni Adara sa mga kasamahan niya. Pasimple naman akong tinignan ni Derah.
"Ako ang Ada ni Prinsesa Azalea." sabi niya tsaka itinaas yung kamay niya. May maliliit na liwanag na dumaloy sa lahat ng gamit na may Mana sa loob ng classroom namin. Unti-unti nanan akong kumalma. Naku naman.
Maya-maya huminto na yung pagkasira ng classroom. Bumalik na din sa normal yung daloy ng Mana. Hinawakan ni Master Era yung mga nasira tsaka ito naayos.
Tumingin sa amin si Derah. Ai hindi, sa akin siya nakatingin.
"Anong nangyari?" Tanong ng mga kaklase ko.
"Mukhang nagalit niyo ata si Prinsesa Azalea." sabi naman ni Derah na nakataas yung isang kilay. Ang tapang niya talaga pero kung sa bagay Ada siya. Isa siyang royal fairy. Takot lang ng mga kaklase kong kalabanin siya at baka sugurin sila ng lahat ng klase ng fairy.
"Paano?" tanong noong isa ko pang kaklase.
"Lahat ng nakikita niyong dinadaluyan ng Mana sa buong Academy, si Prinsesa Azalea ang kumokontrol. Kaya mag-iingat kayo sa pagsasalita." Sabi ni Derah tsaka ikinumpas yung dalawa niyang kamay at biglang nawala.
"Ano daw?" tanong ng ilan kong kaklase. Paniguradong lagot ako sa mga headmasters mamaya.
"Ahemm... Magpapaalam na kami." sabi ni Yara kaya lahat kami napatingin sa kanila.
"Ok. Ahmmm class wala naman na siguro kayong tanong. Thank you Hunters!" sabi ni Master Era tsaka isa isang lumabas lahat ng members ng hunters.
Okayyy... This is what we called Awkward __ __
"Ahmmm... Let's proceed to our next topic blah blah blah..."
Hindi na talaga ako nakinig sa lahat ng Masters na pumasok sa klase. Kahit noong break time hindi na ako kumain. Nakakainis kasi hindi ko man lang napigilan yung sarili ko. Nandito ako ngayon sa lilim ng isang puno. Hindi ko alam kung anong puno ito eh. Ngayon lang naman kasi ako nakakakita ng mga puno at halaman.
Kinuha ko naman yung sketch pad ko tsaka ballpen. Hindi ako magdadrawing kasi hindi naman ako marunong magdrawing.
Zhinli's Goal
Sinulat ko yun sa may unahan. Total half day lang ang klase dito kasi yung other half para sa school clubs and activities. Eh wala naman akong sinalihang clubs kaya libreng libre ako ngayon.
Anyway, back to the topic. Sinusulat ko ito kasi ito yung mga dapat kong gawin bago matapos ang 99 days ko.
1. Have atleast ten Friends.
Teka ilan na ba ang kaibigan ko? Si Amarine tsaka si Yara pa lang pala.
2. Help someone.
3. Visit the nearest market.
4. Ride a motorbike.
5. Play hide and seek.
Hehehe... Gusto ko talaga yun malaro eh. Lagi kasi kinukwento ni Derah sa akin iyon.
6. Attend a party.
7. Celebrate my birthday with someone. ( 27th of December. )
Yep! Wala kasi akong kasama tuwing birthday ko kasi nasa bakasyon lahat pati si Derah. Tapos pinagbabawalan din sila ng magic council kasi marami daw silang inaasikaso ng ganoong araw.
Ano pa ba?
8. Find my family.
Sino kaya yung magulang ko? Meron kaya? Hindi naman siguro ako damo na bigla bigla na lang sumusulpot di ba?
Hayyy...
9. Say Good Bye!
Syempre pagkatapos ng 99 days ko magpapaalam na ako. Alangan namang iwan ko sila basta basta. Teka... Pagnahanap ko na ba yung pamilya ko, iiwan ko din ba sila?
Aissstt...
"Bakit ko ba iniisip iyon?"
Tanong ko sa sarili ko habang pinupokpok yung ulo ko.
"Bakit? Ano bang iniisip mo?"
Tinignan ko naman kung sino yung nagsalita.
"Asher " sabi ko kay Asher na nakangisi sa harap ko.
"Wow... How did you know my name?" manghang tanong niya.
"Amarine told me." sabi ko tsaka sinara yung sketch pad ko. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Ahhh... The shapeshifter." sagot niya. Tumango naman ako.
"You know, you're really interesting. " sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Hah?" Tanong ko.
"I'm a mind reader and a..." sabi niya sakin na medyo huminto tsaka ngumisi.
"Mana Blocker." Tinitigan ko siya pagkasabi niya nun. Mana Blocker?
"and the weird thing is... I can't block your Mana or even sense it. That's interesting, right?"
Sabi niya tsaka tumayo at naglakad paalis. Ako naman naiwang nakatulala sa kanya habang naglalakad paalis. Mana blocker?