- Azalea Zhinli Centana's POV-
"Hoi, tulala ka na naman!" Sabi ni Amarine na niyuyogyog ako. Tumingin naman ako sa paligid ko. Ai... Tapos na pala yung klase.
Teka... Nagklase ba kami?
"Ano bang nangyayari sayo, Zhinli?" tanong sa akin ni Amarine na nakapamewang pa.
"Wala wala. Gutom lang ako." Sabi ko tsaka ngumiti sa kanya.
"Wow naman. Kahapon ka pa gutom? Kahapon ka pa tulala eh." Sabi niya. Napasimangot naman ako ng kaunti. Kasi naman iniisip ko pa din yung Mana Blocker na yun eh. Hindi ko naman maitanong kay Derah kasi hindi ko pa siya nakikita simula kahapon. Nasaan na kaya yun?
"Mabuti pa samahan mo na lang ako sa field. Sakto Wednesday ngayon." sabi ni Amarine na nagdedaydream na naman.
"Ano naman kung wednesday ngayon?" nagtatakang tanong ko habang inaayos yung gamit ko.
"Hunter's day! Hihihi... Wednesday kasi nakikipaglaro ang mga Hunters sa field. May mga wizard orphan kasi na bumibisita sa Hunter's tuwing wednesday since sila yung mga nagdodonate sa ampunan na yun. Kaya tara na." aya ni Amarine na hinahatak ako patayo. Tumayo naman na ako tsaka nagpatangay sa babaeng kinikilig na naman. Hahaha... Crush na crush niya kasi si Dion. Kung sabagay mabait naman si Dion at gwapo din.
"Oh my... Ayan na sila!" sigaw ng isang babae. Partida papasok pa lang kami ng field ah. Derederetsyo akong hinatak ni Amarine hangang sa makarating na kami sa pinakaunahan ng nagkukumpulang studyante. Ang dami na ngang nainis kasi singit kami ng singit eh. Inangat ko naman yung paningin ko at tinignan yung mga batang kalaro ng Hunters.
"Wahhh... Kuya ang dami na namang nakatingin oh." sabi nung batang lalaking may tumutulo pang sipon kay Dion tsaka tinuro yung mga nakapalibot sa kanila. Ang cute naman nung bata. Kyaaaa! Parang gusto ko tuloy mangurot.
"Hahaha... Hayaan mo na muna. Ganyan talaga kasi gwapo tayo." sabi ni Dion doon sa bata. Ngumiti naman yung bata.
"Talaga po? pati ako gwapo?"
Tanong nung bata. Oo baby. Hindi ka lang gwapo, CUTE ka pa!
"Oo naman. Hahaha." Sabi ni Dion tsaka tumawa. Napaaray naman ako nang ang magaling na si Amarine eh hinampas hampas ako sa kilig.
"Uwaw! Ang gwapo talaga ni Dionmylabs pag tumatawa. Ang sarap iuwi!" sabi niya na kulang na lang tumulo yung laway niya. Errr.
"Shhh..." sita ko sa kanya.
Grrrr...
Hindi ako yun. Yung tiyan ko iyon. Aissttt! Hindi pa nga pala ako nakakapag-almusal. kinalabit ko naman si Amarine na nakaglue na ata yung mata kay Dion.
"Tara na. Gutom na ako eh." sabi ko. Ngumuso naman siya tsaka pinagtuturo lahat ng members ng hunters.
"Busugin mo na lang ang paningin mo. Si Dion ang ulam, si Ace ang pampagana tapos si Zaid ang panghimagas!" sabi niya na kulang na lang ay maging hugis puso ang mata.
"Ehhh gutom na nga ako." sabi ko pero parang wala siyang narinig kaya pasimple na akong umalis. Natagalan pa nga ako kasi siksikan nga. Naglalakad na ako papuntang cafeteria nang may narinig akong umiiyak.
"Huhuhu... *hik* huhuhu... "
Napahinto naman ako tsaka hinanap kung sino yung umiiyak. Hindi naman siguro multo iyon, hindi ba?
"Huhuhu..." iyak ulit ng kung sino.
"Ahhmmm... Sino yan?" tanong ko na medyo kinakabahan. Paano kung duguang babae na may mahabang buhok ang lumabas?
Kasalukuyan akong napaparanoid nang biglang may humawak sa hita ko kaya napasigaw ako.
"Waahhhh!" sigaw ko tsaka napaupo. Nagulat naman ako nang dinamba ako ng isang batang babae. Ang cute!
"Aray!" sigaw niya kaya nanlaki yung mga mata ko at binitawan siya. Geeezzz.
"Hala sorry!" sabi ko na inaamo yung bata.
"Ang cute cute mo kasi kaya hindi ko napigilan." sabi ko na hinihimas himas yung likod niya. Siya ba yung humawak sa paa ko? Hoooo... Akala ko multo na. Ayan kasi Zhinli paranoid much.
"Don't touch me!" sigaw niya tsaka tinapik yung kamay ko palayo. Huwow! Ang taray ng bata. Nagalit ko ata.
"Hala sorry na kasi. Ang cute cute mo lang kasi." sabi ko na pinagkikiskis yung dalawang palad ko. Yeah I'm begging for this little missy's forgiveness.
"Fine. Just go away!" sabi niya na parang aso lang yung tinataboy. Ang salbahe naman nito. Ang cute ko naman para maging aso. Teka siya ba yung umiiyak kanina?
"Ah bata..." tawag ko sa kanya. Tinaasan naman niya ko ng kilay. Oha, maldita si baby.
"Hindi na ako bata!" sigaw niya. Anong hindi bata eh mukha lang siyang 6 years old.
"Oh di matanda..." tawag ko ulit sa kanya tsaka niya ko sinimangutan.
"F*ck! 6 pa lang ako!!!" nanlaki naman yung mga mata ko sa sinigaw nung bata. Tama ba ako ng rinig?
"Wahhh... Bakit ka nagmumura?" gulat na tanong ko sa kanya. Bigla naman niya akong tinignan ng masama.
"Tsss... I heared that from kuya Z." sabi niya. Aba, salbahe pala yung kuya nito eh. Kukutusan ko talaga yung kuya niya pagnakita ko. Pinky swear!
"Aissshhh... Bad word yun. Teka bakit ka ba umiiyak kanina?" tanong ko. Umiwas naman siya ng tingin.
"Hindi ako umiiyak." sabi niya.
"Asus... Hindi daw. Bakit nga?" Tanong ko ulit.
"Ang kulit mo naman eh. Hindi nga ko umiiyak!" sigaw niya sa akin.
"Masama magsinungaling bata." sabi ko.
"Sh*t hindi na nga ako bata! Ano ba? Tsaka ano naman kung masama. Mas masama sila sa akin!" Sabi niya tsaka umiyak. Kitams... Sabi niya hindi siya umiiyak. Mamaya ko na nga lang aalalahanin ang pagmumura niya.
"Eh bakit ka nga umiiyak? Sinong masama? Inaway ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Ang kulit mo!" sabi niya ay mali... sigaw niya.
"Yeah, I know. Matagal na akong makulit!" sabi ko. Nanahimik naman siya kaya nanahimik din ako. Maya-maya narinig ko na siyang ngumawa.
"Wahhh... Ang unfair kasi! They kill my Mother! Wala na nga akong papa eh... Wala na, mag-isa na ako." pagsisimula niya. Ayan na nagdradrama na siya.
"F*cking sh*t!!! I hate those D*mn wizard! I'm going to ruin their *ss face! Grrr." sabi niya na naiinis na umiiyak na ewan. Ok na eh. Ok na yung moment niya, yun nga lang ang dami na niyang mura.
"Shhh... Maswerte ka pa nga." sabi ko tsaka nag-indian sit sa harap niya.
"Alam mo kasi ako hindi ko nakilala kahit sino sa pamilya ko. At least ikaw nakasama mo pa sila. Tsaka panigurado sumasakit na ang ulo ng parents mo sa langit kakaisip kung pano pipigilan yang bibig mo. Hahaha." sabi ko. Sumimangot naman siya.
"You're lying! Kung talagang wala kang family bakit mukha kang masaya?" tanong niya. Hindi talaga ako makapaniwalang six years old lang tong kaharap ko.
"Alam mo kasi nasanay na ako. Kaya ok lang at ikaw, masasanay ka din na wala sila sa tabi mo pero tiwala lang magkikita kita din naman kayo ulit." sabi ko.
"Madaling sabihin." sagot niya tsaka ako inirapan ulit.
"Hahaha. Ang maldita mo. Hindi ba ang sabi mo wala ka ng mama. Sino nag-aalaga sayo?" tanong ko. Ngumuso naman siya.
"Sa bahay ampunan. Psshhh..." Sabi niya. Ahhh... So kasama pala to doon sa mga nilalaro ng hunters.
"Eh may bago ka naman na palang pamilya. Try mo lang makihalubilo sa kanila. Who knows?" sabi ko tsaka tumayo at pinagpag yung damit ko. Nagugutom na talaga ako.
"Ahhh... Parang ganito ka." sabi ko tsaka kinuha yung nalalantang bulaklak sa may gilid niya.
"Ewwww... Lanta?" sabi niya na ang sama ng tingin sa akin. Hahaha.
"Pwede?" biro ko kaya lang lalong sumama yung masama na niyang tingin. Ang cute.
"Fine fine. Kasi etong bulaklak na ito nalanta na, ang lungkot no?" sabi ko tsaka hinawakan yung tangkay nito. Nananahimik naman siya kaya tinuloy ko na yung sasabihin ko.
"... pero mabubuhay to ulit parang ganito. " sabi ko tsaka hinayaang madaluyan ng Mana yung bulaklak kaya bumalik yung dati niyang buhay.
"Lanta pa lang kasi ito kaya naagapan pa. Parang ikaw. Malungkot ka pa lang pero humihinga ka pa. Sa tulong ng mga tao sa paligid mo babalik ka sa dating buhay. Parang ganun? Malabo ba? Pasensya na gutom na kasi ako eh. " sabi ko sa kanya tsaka nilagay yung bulaklak sa kanang tenga niya. Tumayo naman na ako ng tuwid. Hindi naman na niya siguro marerealize na binigyan ko ng mana yung bulaklak di ba?
"Tara na? Ihahatid na kita sa kanila para makakain na ako." sabi ko kaya lang umiling siya. Ehhh?
"Sige. Alis na ako." sabi ko. Pupuntahan ko na lang si Yara para sabihing may isang nagmumukmok na bata sa may garden. Tama tama.
Hahakbang na sana ako paalis nang narinig ko yung bata.
"Ano... A-ate... " tawag niya sa akin. Nilingon ko naman siya habang pinagdudogtong yung dalawang hintuturo niya. Ang cute!
"Pwedeng papiggy back ride?" tanong niya na nagpapacute. Hala ka bata. Wag ka mag pacute sa akin at baka makurot lang kita.
"Hmmm... Pwede naman." Nakangiting sabi ko tsaka umupo patalikod sa kanya. Sumakay naman siya sa likod ko. Ok lang kasi nga maliit pa siya.
"Ok na?" tanong ko sa kanya pagkasakay niya. Naramdaman ko namang tumango siya kaya tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Babalik na lang muna ako sa field para dalhin tong bata. Hoi, mga alaga sa tiyan wait lang muna kayo ha! Uunahin ko muna tong si miss cutie.
"Alam mo ate.. Lagi din akong pinipiggy back ride ni Mama." sabi niya tsaka sinubsob yung ulo niya sa leeg ko, aangal nga sana ako kasi nakikiliti ako kaya lang baka masira ko yung moment niya kaya hinayaan ko na lang.
"Ganoon ba? Edi sa susunod na kailangan mo ng magpipiggy back ride, puntahan mo lang ako." sabi ko tsaka tumingin ng deretsyo. Nasa may field na kami kaya lang ang dami pa ding tao. Ano kayang gagawin ko? Eh kung magpadala kaya ako ng isang batalyon ng ipis o kaya daga para magsialisan na sila?
Kaya lang baka makarating sa mga headmasters.
"Bakit tayo huminto?" tanong nung bata.
"Maraming nakaharang na fans ng hunters eh." sabi ko. Medyo umangat naman siya kaya binalanse ko pa siya. Ai ang likot!
"Hey... Dahan dahan. Baka mahulog ka kasalanan ko pa." Sabi ko. Siya naman yung kumapit sa leeg ko. Hahaha. Takot malaglag.
"Hoi, mga pangit!!! Tabi dadaan kami. Tsupiiiiii! " sigaw ng malditang bata na naka sakay sa likod ko. Nagsitinginan naman yung mga tao este wizards sa amin. Sa lakas ba naman ng boses ng batang to.
"What did you said?" tanong ng isang babae na nakataas yung isang kilay.
"I said you go away ugly doggy.. Shooooo!" tae pasaway na bata.
"Hey batang maldita awat na." Sabi ko. Aba, ayokong mapaaway no. Kaya lang ang batang magaling tuloy-tuloy pa din.
"Ang sabi ko tabi!" sigaw niya.
"Aba't ang tapang mo ah." sabi nung isang babae na mukhang sasabog na sa galit.
"Nye nye nye nye nye nye... Matapang ako!" sabi ni bata maldita. Sorry naman hindi ko alam yung pangalan niya eh.
"Shut up!" sigaw nung babae tsaka naglabas ng mga bakal na tinik.
"Omo." sabi ko.
"Awww... Takot ako!" Sarcastic na sabi ni bata maldita. Ang sarap i-tape ng bibig nito.
"Grrr." inis na sabi ng babae tsaka kami susugudin dapat kaya niyakap ko ai bata maldita. Kanina ko pa inaantay yung tatamang tinik na bakal sa amin pero wala talaga kaya dahan-dahan kong minulat yung kanang mata ko.
"Hi, Zhinli." bati ni Yara sa akin kaya minulat ko na agad yung mata ko. Nasa harap namin ngayon ang Hunters.
"Tsss... Bitchy kid!" sabi ni Zaid na tinitignan si bata maldita.
"Kuya Z." tawag ni bata maldita kay Zaid tsaka tumalon mula sa likod ko at yumakap sa hita ni Zaid.
Teka... Si Zaid si Kuya Z niya? So siya ang nagturo ng bad words kay bata maldita. Naku! Nagpinky promise ako!
Oo tama... Kailangan siyang mabatukan!
"Tapos na ang palabas. Magsilayas na kayo." sabi ni Fern na pinapaalis lahat ng usisero. Wala namang angal na umalis lahat ng estudyante. Grabe talaga ang impluwensya nila.
"At ikaw Lily bakit humiwalay ka na naman?" tanong ni Dion kay Lily. Hindi naman siya mukhang galit... Teka marunong bang magalit si Dion? O kaya si Yara ? Para kasing ang bait-bait nila.
Hindi naman nagsalita si bata maldita na Lily pala ang pangalan at nagpakarga na lang kay Zaid.
Ah oo nga pala. Babatukan ko pala dapat si Zaid.
Lumapit ako kina Zaid at Lily tsaka buong pwersang binatukan si Zaid.
"Wth... That's for what?" seryosong sabi niya.
"For teaching bad words on her!" sabi ko tsaka tinuro si Lily.
"Bad words?" sabi niya na patanong. Ginulo ko naman yung sarili kong buhok dahil sa inis.
"Eh kasi minura niya ako ng ilang beses tapos sabi niya narinig niya yun sa kuya Z niya at ikaw si Kuya Z niya kaya binatukan kita." sabi ko.
"Maybe, you deserve those words stupid!" sabi niya kaya nag-automatic naman yung kamay ko at nabatukan ulit siya.
"Shhh... Don't use that 'S' word!" sabi ko na pinagdidiinan yung letter S. Bata MALDITA pa naman si Lily baka mamaya ang isigaw na niya...
"Stupid! Lumayo ka saking sh*t ka! F*cking Assh*le... D*mn you i***t!!!"
Brrrr... Naiimagine ko pa lang yun parang gusto ko ng ipadlock yung bibig niya.
"Hahaha." tawa nila Yara, Fern, Dion at Ace. Hindi nila kasama yung si A... Adara. Malay ko kung bakit.
"Anong nakakatawa?" tanong ko na tinuturo sila.
"Huh? Kayo... Para kasing... Pfftt... Whooo... May FOREVER!" Sabi ni Ace tsaka tumawa ng malakas. Ano daw?
Magtatanong pa sana ako kaso napanga-nga nalang ako sa binulong sa akin ni Zaid.
0_o