Day 4: 60 Rounds

1764 Words
Azalea Zhinli Centana's POV " Prinsesa Azalea bumangon ka na nga diyan! " kanina pa ko ginigising ni Derah para pumasok. Waaahhh ayoko pumasok T^T " Ayoko pumasok Derah! " malungkot kong sabi tsaka sinilip siya mula sa kumot ko. " At bakit naman? Pang-apat na araw mo pa lang ayaw mo ng lumabas? " tanong niya sa akin. " Ehhhh hindi naman sa ayaw kung lumabas... May iniiwasan kasi ako. " sabi ko. Iniiwasan kong makasalubong si Zaid. Natatakot ako sa kanya eh! Naalala ko na naman yung binulong niya sa akin. " Prepare yourself... You'll pay for this. " " Waaahh Derah pano kung iihaw niya ko? Matutusta ako! " ngawa ko kay Derah. " Hai naku! Prinsesa Azalea hindi naman siguro yan gagawin ni Zaid kasi bawal manakit ng kapwa wizard. Tsaka tingin mo ba papayag ang mga headmaster na masaktan ka? " mahabang sabi niya habang hinahatak yung ilang piraso ng buhok ko. " Pero kasi... " sabi ko tsaka dahan dahang umupo. Pano kung habang naglalakad ako bigla na lang umapoy yung paanan ko? Pano kung habang nakikinig ako kay Master Era biglang umapoy yung buhok ko? Pano na? " Hayyyy Azalea! Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa bumangon diyan... Ipapabalik na kita sa kwarto mo! Isa... " pagsisimula ni Derah. Waahhh... " Dala- " hindi ko na siya pinatapos. Ayoko! Ayoko bumalik dun! " Oo na. Eto na! " sabi ko tsaka mabilis na nag-ayos. *** " Bilisan mo na ang kilos! " sigaw ni Derah sa akin. Nakakatakot tong bubwit na to. " Azalea naman eh! Late ka na. Ang bagal mo! " sigaw niya sa akin. Nawawala talaga yung pagtawag niya ng 'prinsesa' sa akin kapag nagmamabagal ako. Naiinis kasi siya... " Eto na! " sabi ko tsaka inayos yung sapatos ko. Lumabas naman na ko ng pinto ng Dorm ko... " Babye Derah! Lalarga na ko! " sabi ko tsaka paalis na sana ng nagsalita siya. " hep! " sabi niya kaya napalingon ako ulit sa kanya. " Ano naman yang ayos mo at nagshades ka pa? May pahabol pang cup?! Tirik na tirik ang araw ah! Ikaw lang natitirikan? " sarcastic na sabi niya. Mahadera to. :* " Hehehe... Disguise ko to. Para di ako makilala ni Zaid. " sabi ko. Nagulat naman ako nung kinagat niya yung tengga ko. " Aray! " reklamo ko. " Naku nangigigil na ko sayo Azalea! Ang kulit mo! Tangalin mo na yan. Mukha kang ewan! " sabi niya. Seryoso na siya... Napayuko naman ako tsaka tinangal yung sumbrero tsaka shades ko. " sorry.. " mahinang sabi ko. " Sige na labas na. Malelate ka na. " sabi niya. Nginitian ko naman siya tsaka lumabas. Hindi ko ata kaya malungkot ng lagpas limang minuto eh. Hahaha... Naglalakad na lang ako papuntang classroom ng may naramdaman naman akong nakatingin sa akin. Naku! Baka si Zaid yun... Tutustahin na niya ko °___° Nagpanic naman ako tsaka nagtago sa likod ng poste. Lingon sa kanan... Lingon sa kaliwa... Sa gitna... Sa taas... Sa baba... Okay... Safe. Dahan dahan naman akong naglakad tapos bigla akong tumakbo papasok ng classroom. Hinihingal ko pang sinarado yung pinto habang nakapikit. Hoooo! Nakatakas ako... Hindi pa ko nasusunog. Sabi ko tsaka dumilat. O_O " Hehehe... Good Morning Ma'am! " sabi ko tsaka tinignan yung Master na nasa harap ko. Siya siguro si Master Orange. Yung Battle professor namin. Iba nga pala yung subject namin ngayon kasi Friday. Friday is Battle Day. Nakakahiya... Late na nga ko ang ganda pa ng pasok ko! Waaahhh baka 'S' nga talaga ako ? As as in... Stu... Ah ayoko! Ayoko sabihin. Bad word yun. " Good Morning? Your 47 mins. late Ms. Centana. " sabi ni Master Orange na najatingin sa relo niya. Buti na lang inaral ko na yung mga pangalan ng mga masters dito. " 46 minutes po Master. " sabi ko tsaka nagpeace sign. Eh kasi 7:00 a.m. ang klase namin tapos 7:47 pa lang ngayon eh medyo kanina pa ko nakatayo dito eh di 7:46 ako nakapasok. Di ba? Di ba? " Ms. Centana 50 rounds sa field. Ngayon din! " sigaw niya kaya napatayo ako ng tuwid. Napalunok pa ko ng laway ko. " 50? " patanong kong ulit. Waaahhh ang laki nung field namin. Baka lawit na yung dila ko sa pang 25 na rounds. " Make it 60! " sigaw niya. Napasaludo naman ako... Ayoko na magsalita. Baka ma-70 pa yan. " Hehehe... Game na Master! Iikot na po ko... 60 rounds comming up! " sabi ko tsaka kumaripas ng takbo papuntang field. Pagkapunta ko sa field nakita ko pa si Master Orange nalumulutang at nakatingin sa akin ng masama. May latigo pa nga siya eh... " Eto na Master... 60 rounds po. " sabi ko tsaka sinimulang tumakbo. Kyaaaa... Ang malas ko naman T^T " Bilisan mo! " sigaw ni Master Orange. Mukhang nainis talaga siya. Sinabi ko lang naman yung totoo, kung 7:47 na edi 7:46 pa lang nasa loob na ko kasi may papikit pikit pa kong moment kanina. " Opo! " sigaw ko habang tumatakbo. Nakita ko pang mas dumadami yung nanunood sa aking studyante. Nakakahiya... Binilisan ko pa para matapos na... " ...38... " sigaw ko pagkatapos ng 38 rounds ko. Pabagal na ko ng pabagal. Nakakapagod na kasi... " Bilisan mo! " sigaw ni Master Orange. Kinagat ko naman yung lower lip ko. Aba Zhinli wag ka ng magsalita baka madagdaga pa. " ...42... " sigaw ko ulit. Hingal na hingal na ko kaya napahinto ako saglit. Nagulat naman ako ng hinampas ni Master Orange yung latigo niya sa harap ko kaya napasigaw ako. " kyaaaaaa! " *Boom* Napatingin kami sa sumabog na ilaw ng mga poste. Nakapatay yung mga yun kasi nga umaga kaya lang nalagyan ko ata ng madaming mana nung napasigaw ako. Patay ka Zhinli... " Ah... Ta-takbo na po ko ulit! " sabi ko tsaka tinuloy yung pagtakbo. Inhale... Exhale... " ... 50 ... " sigaw ko habang tumatakbo. Nasa kalagitnaan ako ng pagtakbo ng napahinto ako dahil sa sigaw ni Headmaster Cai. Patay kang makulit ka >____< Lagot ka Zhinli!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD