Day 5: Shapeshifter

1605 Words
Azalea Zhinli Centana's POV Good Morning World! " Yaaahhh... Heto na ready na ko pumasok! " sabi ko habang nag-uunat at hawak hawak yung mga gamit ko sa school. Unang klase ko ngayon sa history. Today is Friday and Friday is History day! At ang masaya pa doon si HeadMaster Arianne ang magtuturo sa amin. Cool di ba? Since time wizard din siya kagaya ni Master Era may mga powers sila na may pagkakaparehas. Mas magaling nga lang yung kay Master Arianne kasi nagtatatime travel talaga siya tapos si Master Era naman nababalik niya yung itsura nung mga bagay bagay na parang bago. " Prinsesa Azalea kumilos ka nga na parang prinsesa... Nakakaloka ka! " sigaw sa akin ni Derah habang nakapamewang. Highbkood na Ada. " At bakit naman ako kikilos na parang prinsesa eh di ba kunwari ordinaryong wizard lang ako?! " pagdadahilan ko. " Ai naku tatanda ako sayo ng maaga. Pumasok ka na nga. At please lang wag kang gumawa ng kalokohan." Sabi niya tsaka biglang nawala. Naaamaze talaga ako kapag nakikita ko siyang bigla biglang nawawala. Hayyy... Makaalis na nga lang. Kailangan kong pumasok ng maaga kasi bawal na kong malate. Tsaka ayoko ng maulit yung kahapon. Anlaki anlaki pa naman ng field namin. " Zhinli! " napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Eh? Wala namang tao. Naglakad na lang ako ulit papasok ng school building namin. " Oi Zhinli! " " kyaaa..." Napasigaw ako ng may mabalahibong kamay na humawak sa balikat ko. " Waahhh chill. Hala biro lang. " sabi ni Amarine. Oo si Amarine na mukhang mamaw kanina. O_o " Paanong... Kanina... Ikaw... Pangit... Mamaw!" Sabi ko na di maayos ayos yung sentence ko. " Grabe ka naman. Pangit? Mamaw? " sabi niya tsaka ngumuso. " Eh kanina lang naman yun eh. Ngayon cute ka na ulit." Sabi ko. Inangkla naman niya yung kamay niya sa braso ko tsaka kami naglakad papasok ng school building. " Teka bakit ka ba nangugulat?" Tanong ko. " Wala lang. Trip ko lang magshapeshift. " sabi niya tsaka binuksan yung pinto. Sabay pa kaming umilag kasi may trap na naman yung magpinsan. " Ohaaa! Alam ko ng may trap! " sabi ko tsaka umupo sa upuan ko ng bigla iyong bumagsak. " Ouchy! " sabi ko habang hinihimas yung may balakang ko. Aruyy naman. " Hahahaha... " tawanan nila. Inabot naman ni Amarine yung kamay niya sa akin. " Ok ka lang? " tanong niya. Tumayo naman ako tsaka ngumiti. " Yep. Ok lang. Buhay pa naman. Hihihi..." Sabi ko tsaka naghanap ng bagong upuan. Sakto pagkaupo ko, pumasok si Headmaster Arianne kaya natahimik kaming lahat. Aba Headmaster na yang nasa harap namin noh. " Good Morning!" Bati ni Headmaster Arianne. " Good Morning Headmaster Arianne!" Bati namin. Umupo na kami tsaka nakinig sa klase. Hindi na ko masyadong nakikinig kasi advance na yung mga natutunan ko nung nakakulong pa lang ako sa kwarto ko eh. " ... And this are the shapeshifter." Napatingin ako kay Headmaster Arianne nung narinig ko yung salitang shapeshifter. Shapeshifter si Amarine di ba? " They are the kind of wizards who change their looks and shape. " sabi ni Headmaster Arianne. " And yun yung dahilan kung bakit sila yung pinakamahina." Sabi nung isa naming classmate. Eh? " Shapeshifter si Amarine di ba? " sabi nung isa pa. " So Amarine is the weakest." Sabi naman ni Arthur. Napatingin naman ako kay Amarine na nakayuko lang. Bakit naman ganun? Malakas din naman yung shapeshifters ah. At least sila di na nila kailangan mag cast ng spell makapagpalit lang ng itsura. " Class... " awat ni Headmaster Arianne kaya nagsitahimik naman sila. Nagtuloy tuloy lang yung klase kaya lang halata namang wala sa mood si Amarine. Pagkatapos ng klase, nagderederetsyo lang siya palabas ng classroom kaya sinundan ko siya. " Teka lang Amarine! " sigaw ko pero di pa din siya lumilingon. Ayoko ng habulan... " Amarine! " tawag ko ulit. Ewan ko kung anong sumapi sa akin pero pinagalaw yung isang sanga kaya natapilok siya. Wahhh sorry Amarine. Ayaw mo kasi huminto eh. " Oi Amarine ok ka lang? Aawayin ko na ba yung sanga? " tanong ko sa kanya. Teka kung aawayin ko yung sanga edi dapat awayin ko yung sarili ko kasi ako yung nagpagalaw sa sanga. Di ba? Ay naku... Mabalik na nga lang kay Amarine yung topic. Pilit naman siyang ngumiti tsaka umiling. " Sure? ah tara doon tayo oh! " turo ko sa matandang puno na tinatambayan ko. " Ok lang ako." Sabi niya tsaka ngumiti pagkaupo namin sa may puno. " Weh? " sabi ko. Halata naman kasing hindi siya ok eh. " Ah Amarine may favor talaga ako eh." Sabi ko tsaka kunwaring nahihiya sa hihingin kong pabor. " Ano yun? Basta ba hindi pera ah. " sabi niya. Napangiti naman ako. " Pwede bang gayahin mo yung itsura ko? " tanong ko sa kanya since shapeshifter naman siya. " Ah? Wag na... " sabi niya. Pinagdikit ko naman yung mga palad ko tsaka pinagkiskis para ipakitang nakikiusap na ako. Sana tumalab! " Ayyy sige na nga. Wait..." Sabi niya tsaka pumikit. Nakatitig lang ako habang namamangha sa pagbabago ng itsura niya. " Waahhh... Ang galing. Grabe. Para akong nakatingin sa salamin " sabi ko habang pinipisil yung pisngi niya. " Kyaaa ang cute ko pala!" Sabi ko na tuwang tuwa. Napatawa naman siya. " Tama bang purihin ang sarili? " tanong niya na natatawa. Ngumuso naman ako. " Tama bang laitin ang sarili? " tanong ko kaya natahimik siya. " Alam mo Amarine, hindi man ako mind reader halata namang nasaktan ka kanina. Ano na? Sabi mo magkaibigan tayo." Sabi ko. Napabuntong hininga naman siya tsaka bumalik sa tunay niyang itsura. " Pano kasi ang hina ko. Kaya ko ngang gumaya at mag iba ng itsura pero hangang itsura lang ako. Hindi ko kayang gayahin yung kapangyarihan o katangian ng ginagaya ko." Sabi niya. " Ahhh... Ok lang yun. At least may power ka. Ako nga wala eh!" Sabi ko tsaka ngumiti sa kanya. " Hindi ok yun Zhinli. Sa mundo natin mahalaga ang kapangyarihan. Kawawa ka pagnasa pinakababa ka." Sabi niya. Napaisip tuloy ako. " Hindi ba parang mas kawawa yung may malalakas na kapangyarihan?" Tanong ko. Kumunot naman yung noo niya tsaka sinandal yung ulo niya sa balikat ko. Hindi kaya siya nahihirapan kasi mas matangkad siya sa akin eh. " Pano mo naman nasabi? Hindi ka ba nahihirapan na wala kang kapangyarihan? " tanong niya. Hindi. Hindi naman totoong wala akong kapangyarihan eh. Hahahaha... Pero kung papipiliin ako mas gusto ko ng wala akong kapangyarihan. " Alam mo kasi Amarine pag mas malakas ang kapangyarihan mo mas malaki yung responsibilidad mo." Sabi ko tsaka bumuntong hininga. Tignan mo ko. Dahil sa ako ang mana keeper, ang daming nakasalalay sa akin. Responsibilidad kong inggatan ang buong kaharian dahil ako ang prinsesa ng Vista Kingdom. " Tignan mo na lang yung mga headmaster tsaka yung grupo nila Yara. Ang dami nilang ginagawa kasi ang lalakas nila. At least tayo chill chill lang." Sabi ko tsaka nag-unat. " Zhinli hindi ka ba naiingit sa mga may kapangyarihan? " tanong ni Amarine. Bakit naman kailangan kaingitan kami? " Hindi. Ok na ko sa binigay sa akin ng langit " sabi ko. Nakita ko namang napangiti siya. " Salamat ha! " sabi niya. " Naku! Hahaha... Magshapeshift ka nga ulit. Yung kamukha naman ni Master Orange pag galit! " sabi ko habang natatawa. Naalala ko na naman yung pinagawa sa akin ni Master Orange. Parang ayoko na tuloy mag-thursday. " Oh sige galit na mukha ni Master Orange comming up!" Sabi niya. Nagtatawanan lang kami ng may napansin akong kakaiba sa paligid. Parang... " Okay ka lang ba Zhinli? " tanong sa akin ni Amarine kaya ibinaling ko na naman yung tingin ko sa kanya. " Huh? Ah oo naman. Hihihi... Naiihi lang ako." Sabi ko tsaka tumayo. Pinagpag ko pa yung mga alikabok sa uniform ko. Kailangan kong pumunta sa mga Headmaster. Parang may nangyayari sa labas ng harang na ginawa ko. " Sigurado ka? " tanong niya. " Yup. Ai teka hatid na kita Classroom tapos dederetsyo na kong C.R. Tara na?" Sabi ko tsaka inabot yung kamay ko para tumayo na siya. Hindi ko kasi siya pwedeng iwan dito mag-isa. Hindi naman ako nabigo kasi inabot niya yung kamay ko. " Oi samahan na kaya kita sa C.R. Zhinli? " tanong niya sa akin nung nasa tapat na kami ng classroom. Naku... Amarine hindi pwede kasi hindi naman talaga C.R. ang pupuntahan ko. " Hindi na. Yakang yaka ko na to. Magsisimula na yung klase, babalik ako agad! " sabi ko tsaka tumakbo paalis. Nung nakalayo na ko naglakad na lang ako papasok ng Hunter's building kung nasaan sina Headmaster Arianne. " Ahhh... " bulong ko ng nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Napahinto pa ako sa paglalakad. May sumisira sa harang na ginawa ko... Kinalma ko yung sarili ko at pilit pinapatibay yung harang sa buong school. Anim na harang ang ginawa ko noon. Isa sa bawat kaharian tapos isa dito sa Academy. Yung harang dito sa Academy ang pinakamatibay at iniingatan dahil nandito ang mga tagapagmana ng bawat kaharian. " Ah... " sabi ko nung napaupo na kosa sakit. Hinawakan ko pa yung ulo ko ng mahigpit. Ang sakit >_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD