Azalea Zhinli Centana's POV
Aray... Unti unti ko namang dinilat yung mga mata ko.
Nahihilo ako.
"Ok ka lang? " inaninag ko pa kung sino tong mga nakapalibot sa akin.
" Yara. " mahinang bulong ko nung luminaw na yung paningin ko.
" Ok ka lang ba? " tanong niya. Nasa kanan siya tapos nasa kaliwa si Fern. Nasa may paanan ko naman sina Dion at Ace.
Ano bang nangyari?
... Yung harang!
Bumangon ako agad nung naalala ko yung harang kaya bigla na naman akong napaupo.
Umiikot talaga yung paligid ko.
" Teka... " sabi ni Fern.
" Wag ka munang bumangon." Sabi naman ni Dion.
" Si Headmaster Arianne? " tanong ko. Nagkatinginan naman sila.
" Nasa labas ng Academy. Nagkaroon kasi ng atake mula sa Black wizards kaya nagpunta sila dun para ayusin yung mga nasira. " sabi ni Ace.
Alam kaya nila Headmaster na nadito ako?
Kailangan ko silang samahan... Kailangan kong ayusin yung harang.
Tatayo na sana ako ng pumasok si Headmaster Cai sa kwarto ko.
" Headmaster!" Bati nila Yara kina Headmaster tsaka nagbow kaya nakibow na din ako.
" Iwan niyo na muna kami." Sabi ni Headmaster Cai kaya nagsitanguan sila at lumabas ng kwarto.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Headmaster Cai.
" Ayos lang. Anong nangyari sa harang? " sabi ko. Napabuntong hininga siya tsaka pinatong yung kamay niya sa ulo ko at ginulo yun.
" Waahhh wag mong guluhin yung buhok ko Headmaster!" Sabi ko na pilit inaalis yung kamay niya.
" Magaling ang ginawa mo Azalea. Napatatag mo yung harang." Sabi niya.
" Pero teka nasira yun bago ako nawalan ng malay eh." Sabi ko. Seryoso, yun yung nakita ko... Nawasak yung harang.
" Oo nawasak yung harang. Nasa may tarangkahan sina Headmaster Arianne at Headmaster Rico kasama si Zaid para bantayan pansamantala yung nawasak na parte." Sabi niya. Ganun pala...
" Eh anong magaling dun? Nasira pa din yung harang ko." Sabi ko tsaka sumimangot.
" At least hindi nawala yung harang sa buong Academy. " sabi ni Headmaster Cai.
" Kung ganun aayusin ko na yung harang." Sabi ko tsaka pumikit at hinawakan yung kwintas na kumokonekta sa akin sa mga harang para maayos na sana yung harang kaya lang pinigilan ako ni Headmaster Cai.
" Wag muna sa ngayon." Sabi niya tsaka kinuha sa akin yung kwintas.
" Bakit? " tanong ko.
" Kailangan mo pang magpahinga. " sabi niya.
" Oo nga pala magpasalamat ka kay Zaid." Sabi ni Headmaster Cai pagkatayo niya.
" Bakit naman ako magpapasalamat sa kanya? " tanong ko kay Headmaster Cai.
" Kasi binuhat ka niya galing sa Hunter's building hangang dito sa kwarto niya." Sabi ni Headmaster Cai.
KWARTO niya?
Bigla ko namang ginala yung paningin ko sa kwarto na to.
Oo nga may mga gamit na panglalake. Tsaka may pictures sa dingding. Picture nila ng mga Hunters.
Bakit ngayon ko lang to napansin?
" Teka kung siya yung nagbuhat sa akin hindi kaya alam na niya kung bakit ako nawalan ng malay? " tanong ko kay Headmaster Cai. Umiling naman siya.
" Hindi naman siguro. Ang sabi na lang namin ni Arianne at Rico eh may sakit ka." Sabi ni Headmaster Cai. Napatango na lang ako. Ano kaya yun? Wala na nga akong kapangyarihan may sakit pa ko. Edi parang sobrang hina ko naman.
" Sige na. Oras na para ako at ang ibang myembro naman ng hunters ang magbantay sa harang. Magpahinga ka muna ha." Sabi ni Headmaster Cai tsaka tumagos sa dinding.
Ang tamad niya talaga magbukas ng pinto.
Nung naiwan na ko mag-isa, tumayo na ko sa kama tsaka sumilip sa bintana. Tanaw pala dito yung harang. Hindi nakikita ng mga ordinaryong mata yung harang ko kaya pumikit muna ako tsaka inisip yung lugar ng harang.
" What are you doing?" Tanong ni Zaid kaya dinilat ko agad yung mga mata ko.
" Wa-wala. Nilalanghap ko lang yung hangin. Hehehe..." Sabi ko tsaka lumayo sa bintana. Lumapit naman siya sa bintana tsaka sinarado yun. KJ _ _
Ai magpapasalamat pa nga pala ako sa kanya.
" Salamat nga pala!" Sabi ko tsaka umupo sa kama niya.
" Tsk... Ok ka na hindi ba? Umalis ka na." Sabi niya tsaka kumuha ng damit niya sa Nkabinet niya. Oh di aalis. Tatakas din naman ako eh. Kailangan kong ayusim yung harang.
" Saang building ba to? " tanong ko baka paglabas ko hindi ko na alam kung saan ako pupunta.
" Hunter's Dorm. Here!" Sabi niya tsaka hinagis sa akin yung isang papel. Sketch ng daan papuntang Seekers building.
Gusto ko sanang sabihing shunga ako sa pagbabasa ng mapa kaya lang baka magalit kaya wag na.
" Ah sige. Salamat ulit. Babye! " sabi ko tsaka lumabas ng kwarto niya.
Ohlalala... Ang laki naman ng Hunter's Dorm. Tinignan ko naman yung mapa. Kanan daw.
"Okay! Kanan Zhinli!" Sabi ko sa sarili ko tsaka lumakad papuntang kanan.
" Tapos kaliwa." Bulong ko ulit sa sarili ko tsaka lumakad sa kaliwa. Sinunod ko lang yung nasa sketch hangang sa makalabas na ko.
"Yes! " sabi ko tsaka tinignan yung paligid ko.
Parang may mali...
Tinignan ko ulit yung mapa.
Ang sabi dito dapat tanaw na yung Hunter's building paglabas ko eh. Bakit gubat to?
Naglakad na lang din ako... Malay niyo makita ko yung daan.
Shik shikkk...
Napahinto ako ng may narinig akong kaluskos.
" Omo..." Sabi ko tsaka umatras. Naku wag naman sanang halimaw yun. Madilin oa naman na.
Wahhh ayoko namang mabalitaan ng mga Headmasters nakita akong wakwak na ang katawan sa kalagitnaan ng gubat.
" Hello? Ano peace tayo ah." Sabi ko tsaka nagpeace sign. Aatras na sana ako para bumalik sa Hunter's Dorm ng may lumabas na isang pares ng mapupulang mata.
" Kyaaaa... " sigaw ko tsaka biglang napaupo ng dumamba sa akin yun.
" Wolfen? " sabi ko ng makita yung dumamba sa akin.
" Ang cute!!! " sabi ko tsaka yun niyakap. Kulay abo siya na may mga pulang mata. May mga apoy apoy pa siya pero hindi nakakapaso. Ang cool!
" Hi! Hello! Kamusta ka? Wolfen ka di ba? Sinong amo mo? Bakit ka nandito sa labas? " sunod sunod na tanong ko. Ang cute cute cute niya. Wahhh....
Hindi naman aiya sumagot kasi hindi naman nagsasalita yung mga Wolfen. Sinilip ko naman yung ano niya para malaman kung babae o lalake siya. Hihihi.. Churi bastos ako.
"Ai lalake ka?" Sabi ko sa Wolfen. Dinilaan naman niya yung kamay ko. Ang cute niya talaga...
Niyayakap ko siya ng may napansin ako.
" Teka Mr. Wolfen..." Sabi ko tsaka tinitigan yung cute niyang mga mata.
" Wala kang nakikita?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman ako tinignan nung Wolfen kasi nga hindi siya nakakakita.
" Hayyy.. Kawawa ka naman." Sabi ko tsaka hinaplos haplos yung ulo niya. Magagalit kaya sila Headmaster pagpinagaling ko tong Wolfen? Ang sabi kasi yung mga magical creature eh binubuo ng mana so pwede ko siyang gamutin since gawa siya sa mana. Di ba?
" Hmmm... Hindi naman siguro." Sabi ko tsaka pinangtakip saata niya yung kanang kamay ko tsaka pumikit.
Dahan dahan kong pinagalaw yung mana sa katawan ko papunta sa kanang kamay ko hangang sa umabot sa mata ni Wolfen.
Mga ilang minuto din nubg inalis ko yung kamay ko sa mata niya.
"Wow! " sabi ko ng nakita yung mata niyang parang may apoy sa loob.
Ang galing...
" Ayan Wolfen ok ka na? " sabi ko tsaka tatayo na sana kaya lang bigla na naman akong nahilo.
" Ahehehe... Chill ka lang Wolfen. Papahinga lang ako." Sabi ko ng napansin kong naalarma si Wolfen.
" Ano kayang pangalan mo? " tanong ko sa kanya kahot hindi naman siya nagsasalita. Hahaha.... Baliw na ko!
" Azalea!" Napalingon ako kay Derah na lumilipad sa harap ko.
" Hi Derah!" Bati ko sa kanya. Nakapamewang na naman siya at mukhang dadaldalan na naman niya ako.
" Ano sa tingin mo amg ginagawa mo? " tanong biya nung nakita niya yung Wolfen.
" Wala naman. Ang cute nung wolfen no? " tanong ko sa kanya.
" Tsk... Tara na nga! " sabi ni Derah tsaka ako hinawakan.
Pagdilat ko nasa kwarto na ako. Wow... Ginamit ni Derah yung teleportation magic niya.
" Ang cool talaga pag nagteteleport ka. Isa pa dali!" Sabi ko sa kanya. Sinimangutan naman niya ko.
" Tantanan mo ko Azalea. Naku ikaw... Ang tigas ng ulo mo. Bakit mo pinagaling yung Wolfen?" Tanong niya sa akin. Pano niya nalamang pinagaling ko yung Wolfen?
" Pano mo nalaman? " tanong ko.
" Halos apat na buwan ng bulag ang Wolfen na yun." Sabi niya. Ahhh so sikat yung Wolfen na yun dito? Dapat pala nagpaautograph ako.
" Ano na namang kaweirduhan yang iniisip mo? Hayyy kumain ka na. Maaga tayo bukas para ayusin yung harang." Sabi ni Derah na tinuturo yung mga pagkain sa harap ko.
" Wow sige.... Gutom na din ako eh." Sabi ko pa tsaka pumunta sa lamesa at kumain.
Ano nga kaya yung meron sa Wolfen na yun?
Sana makita ko pa siya bukas... Ang cute cute niya kasi.