Azalea Zhinli Centana's POV
Nanghihina ako. Hayyy...
Gusto kong matulog pero ayokong magkulong sa kwarto para doon magpahinga. Masyadong maiksi ang 99 days para magtulog lang ako sa kwarto ko. Tsaka isa pa free time na kaya pwede na kong tumambay kung saan saan. Kagaya ngayon magkasama kami ni Amarine na lumalantak ng madaming pagkain.
" Sigurado ka bang ayos ka lang hah Zhinli? Medyo maputla ka kasi. " sabi ni Amarine.
" Ayos nga lang ako. Hahaha.. Mamaya ka na nga dumaldal may chocolate pa yung ngipin mo eh." Sabi ko habang tinuturo yung ngipin niya.
Napagod lang naman ako pag-aayos nung nasirang harang kaninang madaling araw. Ayaw pa nga sana akong papasukin nila Hedamaster eh, buti na lang cute ako kaya nadaan pa sila sa charm ko.
Alam niyo kasi kahit na mana keeper ako ng unli na mana, napapagod din ako no... Super concentrate kaya ako kanina.
" Kyaaa... " tilian ng mga babae dito sa cafeteria. Hindi naman na ako nag-abalang tumingin kasi paniguradong ang Hunters yun. Sila lang naman ang tinitilian dito :*
" Oh tulala ka diyan Amarine?" Tanong ko sa kanya nung nakatulala siyang nakatingin sa akin. Napakunot naman yung noo ko ng may maramdaman akong malambot sa may paanan ko.
" Hihihi....nakikiliti ako." Sabi ko tsaka tinignan yung nasa ilalim ng upuan ko.
Hala ka!
Mitchisel Fern Zerez's POV
" Tantanan mo nga ako sa kakatawag mo ng Mitchisel! Baka gustong ipakain kita sa lupa Ace!" Sabi ko kay Ace na kanina pa Mitchisel ng Mitchisel. Naiinis pa naman ako sa pangalan kong iyan. Masayado kasing pangbabae.
" Hindi mo kaya yun Mitchisel. Manghihinayang ka lang sa kagwapuhan ko eh. " sabi ni Ace kaya pinagalaw ko na yung mga puno para bantaan siya.
Mukha namang naalerto si Zinco kaya umapoy na naman yung katawan niya.
" Awat na Fern natatakot si Zinco." Sabi ni Yara. Tinignan ko naman ng masama si Ace tsaka tinigil yung pagalaw ng mga puno.
" Tsk! " sabi ko tsaka medyo naunang naglakad.
" Hahaha.. Kayo ngayon na nga lang natin nakasama si Zinco eh." Sabi ni Adara. Buti nandito to ngayon, madalas kasi na nasa Royal Council tong babaeng to kasi siya lang naman ang may ganang makipag-usap sa Royal Council.
Tinignan ko naman si Zinco na naglalakad sa tabi ni Zaid.
Isang Wolfen si Zinco. Lagi namin siyang kasama noon kaya lang nabulag siya sa isang labanan kaya lagi na kang siyang nasa likod ng Hunter's Dorm. Nagulat na lang kaming lahat ng nakita namin si Zinco sa tapat ng kwarto ni Zaid kaninang umaga at ang nas nakakagulat pa eh yung nakakakita na siya.
Kahit nga si Yara na pinakamagaling sa Aqua Kingdom hindi nagamot yung mga mata ni Zinco eh.
" Zinco! " tawag ni Yara kay Zinco na tumakbo papasok ng cafeteria. Hinabol naman namin siya at nagulat talaga kami sa nilapitan niya.
" Bakit lumapit si Zinco sa kanya? " tanong ni Adara. Nakatingin naman ako kay Zinco na nasa paanan ni Zhinli.
" Hihihi....nakikiliti ako." Sabi ni Zhinli. Nasa likod na niya kami pero mukhang di niya ata napapansin. Dahan dahan siyang yumuko tsaka tinignan yung nasa may paanan niya.
Pfffttt...
" Kyaaa... " sigaw niya tsaka biglang napatayo.
" Naku! Nakakagulat ka naman." Sabi niya ng narealize niya kung ano yung nasa paanan niya kanina.
" Magkakilala kayo ni Zinco, Zhinli? " tanong ni Yara. Tinignan naman kami ni Zhinli tsaka nanlaki yung mata niya.
" Hi-hindi. Ano... Akala ko kasi kung ano. Wolfen lang pala." Sabi niya. Lumapit naman sa kanya si Zinco tsaka kiniskis yubg ulo niya sa paa ni Zhinli.
" It looks like he knows you." Sabi ni Zaid kaya napatingin kami sa kanya. Totoo yun, sa kinikilis ni Zinco parang sobrang Amo niya kay Zhinli. Kami nga ilang beses napaso nung hinawakan namin si Zinco noon eh.
" Hindi ah. Nga-ngayon nga lang ako nakakita ng Wolfen." Sabi niya tsaka umupo at hinimas yung ulo ni Zinco.
" Wahhh... Ang cute naman ng mata mo Wolfen." Sabi ni Zhinli na nakatitig sa mata ni Zinco.
" Zinco." Sabi ni Zaid.
" Zinco?" Patanong na ulit ni Zhinli.
" Ayun yung pangalan niya." sabi ni Dion.
" Ahh... Hello Zinco." Sabi ni Zhinli. Natawa naman kami ng biglang lumakas yung apoy ni Zinco sa katawan niya.
" Oi wag ka namang mangulat. Hihihi... " sabi ni Zhinli. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa ng lalong lumakas yung apoy ni Zinco.
Napalayo naman ng unti si Zhinli tsaka niya tinitigan yung kamay niya.
" Ah hehehe... Akala ko napaso ako." Sabi niya tsaka tinago yung kamay niya. Lumapit naman si Zaid kay Zinco tsaka tinignan si Zinco.
" Too many mana. " sabi ni Zaid tsaka pinakalma si Zinco.
" Ay Oo nga pala may gagawin pa ko. " sabi niya tsaka pinukpok yung kanang kamao niya sa kaliwang palad niya.
" Aalis muna ako ah. Babye Amarine! Babye Hunters!" Sabi niya tsaka mabilis na tumakbo paalis. Nagkatinginan naman kaming lahat kasi naweirsuhan kami sa kanya. Sino ba namang hindi kung ganun siya umakto.
" Ano kaya yun? " bulong ni Amarine sa sarili niya.
" Ano yung ano? " tanong ko. Nanlaki naman yung mata niya tsaka umiwas sa amin.
" Ah wala. Hehehe... Iniisip ko kung ano yung nakalimutan niya. Ako din pala may nakalimutan. Sige po mauna na ko." Sabi niya tsaka nagbow at tumakbo paalis.
" Ang weird nilang magkaibigan no? " tanong ni Dion sa akin. Tumango na lang ako habang nakatingin sa dereksyon na pinuntahan ng dalawa.
" Let's go." Sabi naman ni Zaid tsaka kami lumabas ng cafeteria.
Weird...
Amarine Luna Altemar's POV
Oh my Gosh...
Ano yun...
" Ano kaya yung nakita ko? " buling ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa Seeekers Dorm.
Naku naku... Hindi ako pwedeng magkamali eh. I saw something kanina.
Pero di ba wala siyang powers?
" Anong nakita mo? " napatalon naman ako sa gulat.
" Ay malaking P!" Sabi ko sa gulat. Napatakip naman ako ng bibig sa lumabas sa matabil kong dila.
" Malaking ano? Pfftt.. " natatawang tanong ni Asher.
" P as in Pusa! Bwisit ka Asher, wag ka mgang nangugulat. Ang pangit mo pa naman." Sabi ko tsaka siya inirapan.
Nakita na ngang may super deep ako na iniisip e-epal.
Ang totoo niyang hindi naman pangit yang si Asher, malamang kapatid ni Headmaster Cai yan, yun nga lang ang pangit ng sense of fashion ng kumag na to. Nagpililing nerd eh hindi naman...
" I'm a minde reader Amarine. Wag mo kong laitin sa isip mo." Sabi niya.
" Uso privacy men! Hanap ka mg ibang pakekealaman. Busy ako. Shooo! " sabi ko tsaka ulit naglakad.
" Ano ba yung nakita mo sa kamay ni Zhinli? " tanong niya kaya nanlaki yung magaganda kong mata. Hayop talaga tong mind reader na to eh.
" Oo na maganda na yang mata mo. Ano nga?" Tanong niya.
" Nakakita ako ng sampung daliri. " sabi ko tsaka nagtransform bilang isang ibon. Lumipad agad ako palayo sa lakakeng yun. Aba kaibigan ko yun si Zhinli. Ayoko namang mapahamak siya dahil sa nakita ko.
Pero ano nga kaya yung meron kay Zhinli... Nung nilapitan pa lang siya ni Zinco, weird na eh. Lalo naman yung pagtatago niya ng kamay niyang nagliliwanag sa likod niya eh nakatalikod siya sa akin.
Sino ka ba talaga Zhinli?