Chapter 21: Her Tears

1233 Words
Azalea Zhinli Centana's POV Masakit na yung mata ko. Bakit ganito ayaw niya tumigil kakaiyak? "Waahhh tama na. Ano ba?" sabi ko sa sarili ko tsaka mabilis na pinunasan yung luha ko. Para na kong ewan dito eh. Ang salbahe naman kasi ng luha ko ayaw umayos. "Here." Tinitigan ko yung puting panyo na nasa harap ng mukha ko. "Are you going to get it or what?" tinignan ko agad yung may nakabarang sipon sa ilong. Hihihi... Ayan! Tumatawa na ko. Yes! Napatigil ako sa pagtawa ng tinaasan ako ng kilay ni Zaid. "Why are you laughing?" tanong niya sa akin kaya napanguso ako. Masama ba? "Wala lang. Hihihi... Kanina ko pa kasi pinapatigil yung luha ko ayaw eh tapos nung dumating ka wala na. Natakot sayo yung luha ko! Waahhh dito ka na lang palagi sa tabi ko." derederetsyong sabi ko kasi ang galing nga. Kusang huminto yung luha ko. Nagbabye na. Nilalaro ko yung panyo niya ng mapansin kong napatulala siya sa akin. Errr? May nasabi ba akong mali? "Ah Zaidsungit... Ui! " tawag ko sa kanya kaya para naman siyang nagising bigla. Wehehehe... cute. "Ang cute mo pala pag ganun. Ulit! " sabi ko sa kanya kaya umiwas siya ng tingin tsaka nag "tsk". Nanahimik muna ako kasi nakakatakot yung kasupladuhan niya. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin kaya nanlaki yung mata ko. "Waahhh! Nagtagalog ka ulit! Tagalog yun! Ayiieee... " sabi ko tsaka pumalakpak. Bihira ko kasi siya marinig magtagalog eh. Pinitik naman niya yung noo ko kaya napanguso ako. Noo murderer! "Answer me!" sabi niya na nag-english na. Ano ba yan? KJ ni Zaid. KJ as in Kulang sa Joke! Nagbibiro lang eh. "Wala. Nakalimutan ko na." tsaka yumuko. Hindi ko naman pwede sabihin na aalis na ako at babalik sa kulungan ko este kwarto ko noon pala kasi ako ang mana keeper. Edi malalaman na ako si Prinsesa Azalea kahit ako naman talaga yun. "Hayyyy..." napabuntong hininga na lang ako kasi naman eh. Ayoko pang bumalik sa kwartong yun. Ayoko na dun. Kahit etong natitirang 63 days ko man lang matapos ko. "Wahhh... Eto na naman yung luha ko!" sigaw ko tsaka tinakip agad yung panyo sa mga mata ko. Ayoko na umiyak! Awat na... please! "Tsk. Wag mong pigilan." sabi ni Zaid tsaka hinablot yung panyo niya na nakatakip sa mukha ko. Tinignan ko siya agad. "Pahiram muna." sabi ko na kinukuha sa kanya yung panyo niya. Lumapit pa ko sa kanya kasi nilalayo niya eh. Pilit kong inaabot yung panyo niya nang hinawakan niya yung kanang kamay ko na umaabot sa panyo tsaka niya ko isinandal sa punong sinasandalan niya. Napatitig na lang ako sa kanya. Ang ganda ng mata ni Zaid. Parang... parang... "Your tears are killing me. I don't fuckin even know why." sabi niya tsaka pinunasan yung luha ko gamit yung panyo. Hindi naman ako nakagalaw kasi nakaharang yung kaliwang kamay niya sa may puno. Ang lapit niya... "Zaid..." sabi ko tsaka lalong dumami yung luha ko. Bakit ganito? Ano bang? "Hush princess... I'm here to wipe that pain away." sabi niya tsaka pinunasan pa yung luha ko. Hindi na ko halos makahinga kasi isang dangkal na lang yung lapit ng mukha niya sa mukha ko tsaka parang may nagdadrums sa puso ko. Ang hyper... Palapit pa siya ng palipit ng.... "Achuuu! " "Wahhhh Zaid hindi ko sinasadya. Sorry!" sabi ko tsaka kinuha yung panyo ni Zaid sa kanya tsaka pinunas sa mukha niya. "Ai naku mali! Siningahan ko pala to." sabi ko tsaka pinunasan yung mukha niya gamit yung kamay ko. Nakakahiya! Nabahingan ko si Zaid. Wahhhh... Pinunas ko pa yung panyo niyang may luha at sipon ko na sa mukha niya. Ang bad ko... Natataranta na ko kasi baka sunugin niya ko ng buhay ng marinig ko yung malakas na tawa ni Zaid. Malakas na TAWA?! Natulala ako sa kanya habang pinapanood siya na mamatay matay na kakatawa. "D*mn... Hahahaha... " tawa niya habang nakahawak na sa tiyan niya. Nakatitig ako sa kanya kasi... Pamilyar yung tawa ni Zaid. Parang kanta na ewan yun sa tenga ko. "Hahahaha... Baliw ka! " "ehhh... Tinatawanan mo na naman ako!" "kasi nakakatawa ka!" "Ang bad mo! Isusumbong kita sa Reyna para ipatapon ka niya sa malayo! Bleh!" "Kaya mo ba? hahaha... Ikaw lang talaga ang nakakapagpatawa sa akin ng ganito Azalea. Pagpumalpak ka sa pagiging prinsesa mag-apply ka na lang na clown ko." "Ahhhh..." sabi ko tsaka napahawak sa ulo ko. Ano naman yun? Napapikit ako sa sakit ng ulo. Parang may pumupokpok na ewan. "Hey. What's happening?" tanong ni Zaid na lumapit sa akin. Ang lapit na naman niya. "Ilayo mo yung mukha mo." "Hahaha... Wag ka na magtampo." "Ayoko. Bad ka! Sabi mo babalik ka agad!" "Nag-enrol na ko sa Clandestine Academy eh. Tsaka kasama mo naman ang kuya Ron mo." Naluluha ako na hindi ko alam. Ano bang nangyayare? Sobrang sakit ng ulo ko. "Sh*t! Dadalhin kita sa mga healers." sabi ni Zaid tsaka ako binuhat. "Inang Reyna! Ama! Mga masasama kayo!" "Kunin niyo ang batang prinsesa!" "Bitawan niyo ang kapatid namin." "Ang Mana Blocker at Mana Controller." "Bakit naman namin gagawin yun?" "Bitawan. niyo. siya." Nakakapit lang ako sa damit ni Zaid dahil sa sunod sunod na boses na naririnig ko. Ang sakit... "Tama na..." bulong ko. "Azalea! Babawiin ka namin! " "Kuya Zen... Kuya Ron!" Bigla na lang akong may nakitang nangyayare sa isip ko. Madaming dugo. Bilog na bilog ang buwan tapos ang daming mga patay na hayop at wizards. Mga nakaputi sila at puro sugat. Sira sira din yung mga gamit... "Sa amin ka Prinsesa Azalea. Amin ka!" "Kyaaaaaaa!" Titus Zaid Flynn's POV "Kyaaaaa!" nataranta ako lalo ng lumakas yung sigaw niya at humigpit yung pagkakakapit niya sa damit ko. What the hell is happening to her? "Prince Zaid... What happened to her again?" tanong nung healer. "Fuck... I don't know!" I said with annoyance. I can't help it. Bakit hindi na lang niya gamutin si Zhinli? "Prince Zaid, please stop yelling at her. Kira, go and get this herbs." sabi ni Master Yana. "Long time no see Prince Zaid." she said still looking at Zhinli. "Tsk... What's happening to her?" tanong ko sa kanya. She's the first princess of Aqua Kingdom, Yara's older sister, Yana Sarpina Mondel ... "Kaano ano mo ang babaeng to Zaid?" She ask me with a smirk. "Classmate." I plainly said. "Classmate? Really? " Ano bang problema ng healer na to? "She's under a memory spell." Napalingon namn ako sa kanya. Memory Spell? "What? " tanong ko. "Memory spell. She's bound to forget her seven years of existance." Yana said touching Zhinli's face. "Lumabas ka muna Zaid. " sabi niya tsaka ako pinalabas. Fuck. I want to know her condition. Is that even hard to understand? "Hulaan ko si Zhinli na naman ang nandyan no?" I look at Asher. What do you need mind reader? I said using my mind as I walk away from him. Pagkalabas na pagkalabas ko siya agad yung nasalubong ko. "I need to know what happen to her." I look at him. Why do you care? "Pwede ba magsalita ka nga! Eto..." Hindi ko na siya pinatapos. Go and enter that clinic. Check her. "Ang sungit. Ah Oo nga pala Zaid, kapag bumalik na siya... protektahan mo ah." he said as he enters the clinic. What the hell did he mean about that? Protect who?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD