Mitchisel Fern Zerez's POV
"Late kayo!" bungad ni Ace sa amin nina Yara at Zhinli pagkapasok na pagkapasok namin sa office ni Headmaster Arianne.
"Alam namin. " sabi ko tsaka siya nilagpasan at umupo. Kumpleto kaming Hunters ngayon dahil sa biglaang meeting na to.
"Sorry for being late Headmasters." sabi ni Yara. Tumango naman sina Headmaster Arriane at Headmaster Cai samantalang ngumiti si Headmaster Rico.
"Sandali lang at may kulang pa." pagkasabing pagkasabi nun ni Headmaster Rico, sakto namang pumasok sina Arthur, Adira at Amarine.
"A3!" sabi ni Zhinli tsaka yumakap sa kanilang tatlo.
"A3?" tanong naman ni Adira na nakataas yung kaliwang kilay.
"Yep. A for Arthur, Adira amd Amarine. Tapos kapag kasama ako A4 na!" masayang sabi ni Zhinli.
"A4? Hindi naman letter A ang simula ng pangalan mo Zhinli." sabi ni Gust kaya nilingon siya ni Zhinli. Para namang binuhusan ng tubig mula sa ilalim ng ice fountain si Zhinli tsaka natawa. Pilit na tawa...
"A-hehehe... Oo nga no? A3Z pala." sabi niya tsaka napakamot sa batok niya.
"Huli na ba ako?" agad naman kaming napatingin sa pinto ng pumasok ang isang maliit na Ada. Teka... Ada?
"Sakto lang Derah. Maupo na kayong lahat." sabi ni Headmaster Arriane kaya nagsiupo naman kami. Katabi ko si Yara na tahimik at si Zhinli na ang likot likot. Kinukulit niya yung Ada na Derah ang pangalan. Nasa tapat niya kasi iyon, katabi ni Headmaster Cai.
"Ahemmm..." lahat kami napatingin kay Headmaster Cai. Mukha silang seryosong tatlo kaya kinabahan ako. Bihira kasi magseryoso si Headmaster Cai kaya nakakatakot siya kapag seryoso ang mukha.
"We're giving the all of you a mission. " sabi ni Headmaster Arianne. Mission?
"Anong misyon? Seryoso?" tanong ni Ace na parang t*nga lang.
"Mukha ba silang nagbibiro?" tanong ko tsaka siya sinamaan ng tingin.
"Shhh... this is all about princess Azalea of Vista Kingdom."
Ewan. Pero pagkasabing pagkasabi nun ni Headmaster Arriane, parang lahat ata kami napanganga. Ano daw?
"She died already. What's with her?" tanong ni Zaid na napatayo pa. Hindi ko naman maiwasang magtaka. Anong meron? Palagi kasing ganyan si Zaid kapag tungkol kay Azalea ang usapan eh ni wala pa ngang nakakakilala sa kahit na sino sa mga tagapagmana ng Vista Kingdom.
"We think it's time for all of you here to know, princess Azalea is alive. " sabi ni Headmaster Arriane.
"Naitakas namin siya at itinago sa lahat para sa kaligtasan niya. Ngayon, mukhang alam na ng kalaban kung sino siya kaya kailangan na nating maghanda sa nalalapit na digmaan." sabi ni Headmaster Cai. Nagulat naman kami ng padabog na tumayo si Zaid.
"Where is she? " tanong niya. Sinenyasan naman siya ni Headmaster Arriane na maupo kaya umupo din siya.
"Nasa paligid lang siya. Sa ngayon, kailangan niyong maglakbay sa bawat kaharian para makuha ang Elemental Stone na makakatulong para mapalakas ang elemental powers niyo." sabi naman ni Headmaster Rico.
"Lalabas kami ng Academy?" tanong ni Yara na sa wakas nagsalita din.
"Oo Yara. Sa bawat kaharian, may natatagong elemental stone. Sa pagkakaalam namin, pinaghiwahiwalay ang mga batong iyon para hindi magamit sa kasamaan. " sabi ni Headmaster Rico tsaka naglabas mg hologram na itsura ng mga elemental stone na sinasabi nila.
"Water, Fire, Earth, Wind, Ice, Thunder, Shadow and Light. Walong bato mula sa limang kaharian. Makakatulong to para mapalabas ang buong kapangyarihan niyo." sabi ni Headmaster Rico.
"Eh bakit ngayon niyo lang pinapahanap?" tanong ni Adara kaya napatingin ako sa kanya. May punto ang bruhang to.
"Dahil ngayon lang natin kakailanganin. Mapanganib ang kapangyarihan ng pinagsama-samang bato, pwedeng pwedeng gamitin to ng mga sakim sa kapangyarihan." sagot naman ni Headmaster Arriane.
"Ahemm... Mawalang galang na po. Pero bakit naman kami nasama dito?" tanong ni Amarine. Oo nga. Ngumiti na lang si Headmaster Cai tsaka humarap sa amin.
"Purong prinsesa at prinsipe na maglalakbay? Sa tingin ko hindi makakabuti yun dahil sanay ang mga tong pinagsisilbihan. Makakatulong kayo sa kanila hindi lang sa pakikipaglaban kundi pati na din sa buhay sa labas ng Akademya." sagot ni Headmaster Rico.
"So alalay kami ganun?" tanong naman ni Adira kaya siniko siya ng pinsan niyang si Arthur. Isa pang maarte tong babaeng to.
"Hindi Adira. " simpleng sagot ni Headmaster Arianne.
"Siya nga pala. Ito si Derah, ang Ada ni prinsesa Azalea. At makakasama niyo din siya sa paglalakbay niyo." pakilala ni Headmaster Cai kay Derah tsaka nagbow sa amin.
"Teka muna ah. Kasi... buhay si prinsesa Azalea at nasa paligid lang siya? Sasama ba siya sa amin? " tanong ni Gust na parang nagtataka na. Ako din naman nagtataka.
"Malalaman niyo din ang lahat. Sa ngayon magpahinga na kayo at maglalakbay na kayo bukas na bukas din." sabi ni Headmaster Cai tsaka tumayo. Wala ni isa sa aming magkakaibigan ang tumayo.
"Ano pang inaantay niyo? " tanong ni Headmaster Arianne. Sa totoo lang hindi ko din alam. Inaantay ko lang din silang tumayo.
"Wala naman. Tara na!" sabi ni Asher na nauna ng tumayo at lumakad palabas na nakangisi. Nagsisunuran na din kami kasi kailangan na naming ayusin yung gamit namin. Bakit naman biglaan? Tsk!
"Nagtataka talaga ako." napalingon kaming lahat habang naglalakad kay Gust.
"Hindi lang ikaw ang nagtataka dude. Kami din." sabi naman ni Ace na may pahimas himas pa sa baba na parang nag-iisip eh wala naman siyang utak.
"Mabuti pa, mag-ayos na lang tayo." niligon ko naman si Yara na katabi ni Zhinli na nakatulala habang naglalakad.
"Ui Zhinli!"
"Ay kulungan!" bigla niyang naisigaw dahil sa gulat.
"Kulungan?" tanong ko kaya napailing naman siya.
"Huh? Ah wala yun. Iniisip ko lang na baka makulong ako pagpumalpak ako. hehehe... Ayun." sabi niya na natatawa.
"Hindi ka naman basta basta ikukulong kung wala kang kasalanan. Nga pala babalik na muna kaming tatlo sa Seekers. Mag-aayos pa kami ng gamit. Wag kang pasaway Zhinli!" sabi ni Amarine kay Zhinli.
"Kita na lang tayo bukas Zhinli. " sabi naman ni Arthur na kay Zhinli lang talaga nakatingin.
"Ah sige. Ingat! Babye! Good night!" sunod sunod na sabi ni Zhinli habang naglalakad paalis yung A3.
Mukhang mahabang gabi ng pag-aayos ng gamit to - -
...
"Ang dami mo kasing dala!" sigaw ni Amarine kay Adira. Oha... ang aga-aga ang iingay nila. Ipakain ko kaya sila sa lupa?
"Bakit ba? Hindi naman ikaw ang magbubuhat si Arthur! Si Arthur ka ba?" sabi naman ni Adira. Nasa gitna nila si Arthur na umaawat. Kawawang Arthur...
"Hihihi... Ang cute nila tignan di ba?" biglang sabi ni Zhinli na sumulpot lang kasama ni Yara. Andito kami ngayon sa tapat ng Hunter's building. Ang usapan namin 6 a.m. aalis para di kami abutan ng dilim sa daan pero etong mga to, 6 pa lang nagising. - -
"Asan na yung mga lalake?" tanong ni Yara na hinahanap siguro sina Asher, Ace, Gust at Zaid. Buti pa tong si Adara nauna pa sa amin.
Aba malay ko sa mga yun na pachicks pa. Dapat kasi kanina pa sila nandito.
"Oi ayos kumpleto na!" speaking.
Nagsilingunan kami sa apat na lalakeng late sa usapan. Pagbabatukan ko kaya silang apat. Naku naku... umiinit ang ulo ko at kulang ako sa tulog. Ang aga-aga pa eh.
"Late kayo. Pachicks masyado." sabi ko tsaka tumayo at binuhat yung isang bagpack na dala ko. Lahat naman kami tig-iisang bag pack lang ang dala. Etong si Adira lang ang may maletang dala. Naawa tuloy ako sa pinsan niya.
"Kinausap kasi kami nila Headmaster. Ano tara na?" tanong ni Gust sa amin. Nagsiayos na kami at ready na umalis ng sumigaw si Zhinli.
"Zinco!" sabi ni Zhinli tsaka hinablot yung maliit na form ni Zinco na nasa balikat ni Zaid.
"Namiss kita Zinco. Saan ka nagpunta? " sabi niya na kinakausap si Zinco. Nakatingin lang kami sa kanya kasi nga nasa ibang planeta na naman ata ang utak niya. Pffftt... Nakakatuwa talaga siya.
"Ahemmm... Tara na." sabi naman ni Adara tsaka lumakad. Nagkatinginan pa kaming lahat tsaka lumakad ba palabas ng Academy.
"Saan ang una nating punta?" tanong ko sa kanila total sila naman ang nakausap nila Headmaster.
"Sa kaharian ng mapayapang alon. Sa Aqua kingdom." sabi ni Gust kaya napahinto si Yara.
"Sa amin?" tanong ni Yara kaya tumango si Gust at Ace.
"Yep. Kaya malamang sa ibang bayan tayo matutulog. Sa pagkakatanda ko kasi, dalawang araw pa bago tayo makarating sa Aqua kingdom. " sabi ni Asher kaya napasimangot ako. Masyadong mahabang paglalakbay to.
"Wiiii! Maglalakbay tayo! Maglalakbay tayo!" natatawa naman ako sa kinilos ni Zhinli. Buhat huhat niya kasi si Zinco habang tumatalon talon na naglalakad. Halata ngang excited na siya. Ang totoo niyan, isa yan sa dahilan kaya antok na antok ako eh. Ang inggay kasi ni Zhinli kagabi habang kinakausap si Yara. Hindi daw siya makatulog dahil excited na siya tapos ang lapit pa ng kwarto ko sa kanya. Buti pa yung mga lalake katapat lang ng kwarto namin.
"Pffftt... Mauubusan ka ng energy sa ginagawa mo Zhinli." natatawang sabi ni Ace kasi totoo naman, kung ganyan siya ka-hyper, madali siyang mapapagod. Baka mamaya lang pagod na siya maglakad. Wala pa naman kaming masasakyan dito at wala kami sa syudad.
"Huh? Ah sige. Tatahimik na ko. Unti..." sabi niya na naglakad na ulit ng normal pero panay naman ang kausap niya kay Zinco.
"Hihihi... Sana naiinitindihan kita Zinco. " sabi niya kaya napapangiti ako. Nakakawala kasi ng pagod pag may kasama kang masayahin.
Naglalakad kami habang nagkukwentuhan na din ng napahinto ako.
"Bakit fern?" tanong ni Amarine kaya sinenyasan ko siyang tumahimik. Pumikit ako tsaka pinakiramdaman yung lupa. Sigurado na kong may sumusunod sa amin.
"May sumusunod sa atin." sabi ni Ace kaya nginisian ko siya. Ayos, may silbi din ang mayabang na to.
"Talaga? Saan?" mahinang tanong ni Zhinli tsaka ginala yung paningin niya sa mapunong dinadaanan namin.
"Zhinli, wag kang lalayo sa amin." sabi ni Derah, yung ada ni Azalea na nakaupo sa balikat ni Zhinli na mukhang close na close na agad sa kanya. Hindi naman na ko nagtataka at mabilis lang makasundo si Zhinli. Si Zinco nga na mailap sa amin gustong gusto siya.
"Sino ka? Lumabas ka!" sigaw ni Adara tsaka naglabas ng latigo na gawa sa kuryente.
"Adara, don't waste your mana." sabi ni Zaid kaya pinawala din ni Adara yung latigo niya. Yung mismo ang dahilan kaya hindi kami gumagamit ng magic para lumipad oh magpalipad, masasayang ang mana namin.
"Show your self." sabi ni Zaid tsaka kami may narinig na kaluskos sa mga damo. Nagsamasama kami ng pabilog.
"Why would I? Tsss... Don't mind me. Protect your princess for her death will be your death. " yun lang yung sabi nung boses ng babae tsaka nawala yung presensya niya.
"Seriously? Ang bilis nawala ng presence niya. " sabi ni Adira na palinga linga pa din.
"Anong ibig niyang sabihin?" tanong naman ni Arthur kaya lahat kami nagkatinginan.
Ano nga ba?