Azalea Zhinli Centana's POV
"Malapit na tayo. Tandaan niyo lang yung bilin ng hari at reyna. Boys, takpan niyo agad yung tenga niyo pag nagsikanta na yung mga serena." paalala ni Derah sa amin.
"Gwapo ko pa naman baka ako agad ang paginteresan nung mga taong isda. Mitchisel ko, ikaw ma bahala ah." sabi ni Ace kaya nabatukan na naman siya ni Fern. Ang cute cute talaga nila kapag naglalambigan.
"Tumabi ka lang sa akin mamaya huh Zhinli. " sabi sa akin ni Arthur kaya nilingon ko siya tsaka tumango.
"Sa akin didikit si Zhinli. Di ba?" sabi naman ni Fern tsaka ako inakbayan. Napangiti na lang ako tsaka tumingin sa harap namin at naglakad. Di ko kayang tumawa gaya nung dati, ewan pagkagising ko ganito na ko. Parang may mali... parang...
"Don't bother yourself too much." napahinto kaming lahat nung nagsalita si Zaid na nasa tapat ko na pala tsaka pinatong yung chibi mode na si Zinco sa ulo ko.
Pano kaya siya nakarating sa tapat ko? Ganun ba kalalim yung iniisip ko eh parang wala nga kong iniisip. Ayyy... bakit kasi ganun? Yung panaginip ko. Sabi nila dalawang araw akong tulog eh. Tsaka sino ba yung babaeng yun? Bakit...
"Awww... " sabi ko tsaka hinawakan yung noo ko na pinitik ni Zaid.
"Tsk... I told you to stop thinking too much." sabi ni Zaid na seryoso pa rin.
"Ay naku Zhinli magfocus ka pwede? Malapit na tayo sa Mermaids falls. Mapapahamak kami sa katangahan mo kung ganyan." sabi ni Adara tsaka naunang naglakad. Nagbow naman ako bilang sorry tsaka sumunod. Nagsisunuran na din yung iba. Kinuha ko si Zinco sa ibaba ng ulo ko tsaka siya kinarga.
Focus Zhinli. Focus Azalea.
Asher Theron Zin's POV
I'm really worried about her. Masyado siyang nag-iisip.
"Here we go. The Mermaids Falls." sabi ni Yara kaya nagsipag alerto kaming lahat lalo na kaming mga lalake. Balibalita kasi na kaming mga lalake ang madalas maapektuhan ng mga serena.
"Ngayon, asan yung Aqua stone?" tanong ni Gust kaya nilingon naming lahat si Yara.
"Sa likod nung falls..." sabi ni Yara.
"Sa trono ng reyna ng mga serena." dugtong ni Arin kaya napalunok kaming lahat maliban kay Zaid na nakatingin lang sa amin.
"Mabuti pa puntahan na natin yun. Sabi sa mga libro ng kaharian, tulog sila tuwing umaga. Tara na." sabi ni Ace kaya sumunod kami. Hindi kami nag-uusap dahil sa iniiwasan naming may magising na serena. Hindi namin sila nakikita dahil siguro sa nasa ilalim sila ng tubig pero may mga napapansin akong parang hugis ng serena sa tubig.
Sa sobrang tahimik namin, sinubukan ko na lang basahin ang nasa mga iniisip nila pero kagaya ng inaasahan, nakasara ang isip nila. Tsss... Natuto na sila. Kahit sila Amarine na bagong kalilala ko pa lang naman eh gamay na ang pagsasara ng isip. Kung bakit kasi tinuruan pa sila ni Yara.
"Mga wizard..."
Napahinto ako ng may nabasa akong isip. Hindi yun galing sa mga kaibigan ko.
Crap! May gising na sa mga serena. Pilit naman akong kumalma tsaka pasimpleng umakbay kina Ace at Gust na sabay lang maglakad.
"Maghanda kayo, may mga gising ng serena. " bulong ko tsaka lumakad naman palapit sa iba at bumulong. Naglakad lang kami na parang walang alam papunta sa may falls ng may isa-isang naghagis ng mga sibat sa amin. Nagkanya kanyang iwas pa nga kami.
"Boys...Cover your ears!" pagkasigaw nun ni Fern, automatic na napatakip kami sa mga tenga namin.
The mermaids are singing.
F*ck... naririnig ko pa din sila.
"Hahhhh... narammm... darammm..."
Yung boses nila. Bakit...?
"Sinusubukan nila tayong kontrolin" sigaw ko tsaka ako napaluhod sa may batuhan.
Sh*t...
Yara Serafin Mondel's POV
"Asher!" napasigaw na lang ako nung isa-isang napaluhod yung mga lalake habang nakahawak sa mga tenga nila.
"Oh my gosh... Arthur. Anong gagawin natin?" natatarantang sabi ni Arin. Tinignan ko naman yung mga serenang kumakanta. Hindi sila sakop ng kapangyarihan ko bilang prinsesa. Agrisibo ang mga serenang naninirahan dito sa mermaids falls hindi gaya ng sa ibang mga nakatira sa ibang parte ng kaharian.
" Pakiusap... Wala kaming intensyong masama." sabi ko sa mga serena nagsisikanta. Napaatras naman ako ng kinontrol ng isang serena yung tubig na parang ahas.
" Makinig kayo. Ako si Prinsesa Adara mula sa fire kingdom. Kasama namin ang prinsesa ng Aqua Kingdom! Wala kaming masamang plano." sabi ni Adara. Nagsihinto naman sa pagkanta yung mga serena. Akala ko huminto sila dahil sa sinabi ni Adara pero ang totoo, huminto sila dahil sa pagkagising isang serenang may kulay gintong buhok.
"Mahal na Reyna..." sabi ng mga serena tsaka nagsigilid. Ibang klase... Ang ganda niya.
"Ikaw ba ang Prinsesa ng Aqua?" Tanong niya na nakatingin sa akin at sa suot kong Cloak.
"O-Opo. " sagot ko. Napalunok pa ko ng napangisi yung reyna nila.
"Kung ganun mahal na prinsesa, ipagpaumanhin mo pero hindi ko ibibigay ang Aqua Stone... maliban na lang kung..." sabi niya gamit ang nakakainis niyang tono.
"Kung...?" tanong ko.
"Kung matutuwa ako sa paglalaro natin." sagot niya tsaka ko napatingin sa gawi ng mga kaibigan ko sa likod dahil sa sigaw ni Arin.
"Teka Gust!" sigaw ni Arin kay Gust na sakal sakal si Amarine.
"Peste ka Ace! Anong..." si Fern naman yun na sinasanga lahat ng tira ni Ace.
"Hypnotism! " Sabi naman ni Derah na inilalayo si Zhinli kay Zaid.
"Now princess, can you fight against your friends? " tanong nung reyna kaya napatingin ako sa kanya tsaka binalik yung tingin ko sa mga kaibigan kong lalake na kontrolado na ng mga serena.
"Manunuod ka na lang ba?" napailag agad ako sa atake ni Asher sa akin.
"Asher!" sabi ko habang nakatingin sa kanya. Anong gagawin ko?
"Time to die Yara..."
Pano na?
Hindi ko sila kayang labanan?
Aishi's note:
yun oh nakapag-update din!
Sinong nag-antay?
Pasensya na guys. Anyway, hindi naman na ko super busy, masisigit ko na to. Salamat sa mga nag-antay!