Chapter 27: Yara's Devil Side

1539 Words
Yara Serafin Mondel's POV "Asher... Teka... Tama na!" Sabi ko sabay ilag sa mga tira niya. Dahil nga sa mana blocker si Asher, mabilis lang niyang napapawala yung kapangyarihan ko. Nakakainis... seryoso siyang lumalaban sa akin samantalang hindi ko siya malabanan. "Anong gagawin natin?" Tanong ni Amarine na nagpalit na ng itsura bilang dragon. Hindi talaga ako naniniwalang mahina ang mga shape shifter eh... "Ewan. Pero pag di ako nakapagtimpi dito kay Ace babalian ko na tong mga buto hangang sa matauhan!" pasigaw na sabi ni Fern habang sinasanga lahat ng tira ni Ace. "Kaibigan pa din natin sila! Waahhh tama na guys!" sabi ni Zhinli na panay ang iwas kay Zaid. "Magtago ka muna Zhinli. " sabi naman ni Arin na hinarang si Zaid. "Pag napatay ko tong Arthur na to, wala akong kasalanan!" sigaw ni Adara tsaka nagpakawala ng malakas na kidlat. Napatakbo naman ako ng mabilis tsaka sinalag yung tira niya. "Adara! Kaibigan pa din natin sila." sabi ko tsaka napaiwas naman ng bigla akong sugudin ni Asher. "Mauubusan tayo ng Mana kung magpapatuloy to." sabi ni Fern tsaka gumamit ng vines para pansamantalang itali si Ace. "Bakit hindi ka na lang lumaban?" tanong sa akin ni Asher na nakangisi. "Asher... Ano ba? Wag kang magpakontrol sa kanila. Magkaibigan tayo, kaya hindi kita lalabanan. " sabi ko kay Asher habang nakatingin sa mga mata niya. "Magkaibigan?" nakangising tanong niya. "Yan pa din kaya ang sasabihin mo kapag napatay na kita?" tanong niya kaya napalunok ako at napaatras. Agad akong bumuo ng water balls... "Kita mo na. Handa ka na ngang sugudin ako kung sakali." sabi niya kaya napaatras ako ulit. "Hindi ako susugod, proprotektahan ko lang ang sarili ko." sabi ko habang kontrolado pa din yung water balls ko. "Proprotektahan? Kung ganun wala kang tiwala sa mga kaibigan mo?" singit nung reyna sa usapan namin ni Asher. "Hindi! Hindi yun ganun!" sigaw ko tsaka sa kanya ibinaling yung water balls ko. Sunod sunod akong nagpatama ng water blades sa reyna ng mga serena na nasasanga naman niya. Delikado to... parehas kaming tubig ang ipinanglalaban. "Bakit hindi niyo na lang sila patayin para matapos na ang lahat." sabi ng isang serena. Tinignan ko naman yung mga kaibigan kong nagkakasakitan na. "Ahhh..." sigaw ko ng makaramdam ako ng matinding sakit ng ulo. Ano to? "A-asher..." sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Masakit ba?" tanong ni Asher na parang natutuwa pang nasasaktan ako. "Awww... A-asher... ta... tama na..." sabi ko tsaka napaluhod. Ginagamit niya ang mind power niya. "Wala kang kwenta Yara. Kahit ano pang pagkukunwari mo, alam ko namang gustong gusto mo ding mawala ako sa grupo. Hindi ba?" sabi ni Asher tsaka niya pinulot yung espada niyang tumilapon na kanina. "Ano bang... sina-sinasabi mo? Hindi to..totoo.. yan!" sabi ko tsaka tumayo ng paayos. "Tsss... Kasinungalingan!" sigaw ni Asher tsaka ako sinipa sa may tagiliran. Agad naman akong tumilapon sa may tubig. "Yara!" sigaw ni Zhinli. Sinenyasan ko siya na manatili na lang siya sa pwesto niya. Napangisi ako at tumayo. Naiinis na ako. Naiinis ako na kailangan ko pang kalabanin ang mga kaibigan ko. Naiinis ako na makitang naglalaban sila. Naiinis ako sa tawa ng mga pesteng serena na to... Third Person's POV "F*ck... nagising na siya." sabi ni Fern habang napatingin kay Yara na unti unting nagbabago ang itsura at aura. "Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Amarine habang nakatingin kay Yara. Kahit ang mga serenang kumukontrol sa mga lalaki eh natigilan dahil kay Yara. Hindi alam ng iba ang tungkol sa katangiang ito ni Yara. Nag-iiba siya kapag nagagalit... Lumalabas ang sinasabi nilang devil form niya. "Seriously? Gusto mo kong patayin huh Asher?" Malakong tanong ni Yara. Ngumisi naman si Asher tsaka sumagot. "Oo. Gustong gusto." sabi ni Asher tsaka sinugod si Yara. Halos hindi na makita ang dalawa sa bilis at lakas ng Alon na ginagawa ng paglalaban nila Asher at Yara. Habang natulala na sa panunuod kay Yara si Fern, hindi niya napansin na nakawala na si Ace sa mga vines niya. "Ako lang ang tignan mo Fern!" sigaw ni Ace tsaka tinusok sa tagiliran ni Fern yung espadang yelo niya. "Ackkk..." sabi ni Fern tsaka hinawakan yung tagiliran niya pagkalayo kay Ace. "Fern ok ka lang ba?" tanong ni Derah kay Fern habang sinusubukang lumapit kay Fern. " Humanda ka sa akin Ace!" sigaw ni Fern tsaka pinalutang yung mga bato at hinagis kay Ace. Gumawa naman ng harang na yelo si Ace kaya paunti unti lang ang tumama sa kanya. "Delikado to, nawawalan na sila ng kontrol! " sabi ni Derah tsaka lumapit kay Zhinli na marami na ding sugat dahil sa pag-atake sa kanya ni Zaid. Yara Serafin Mondel's POV Panay ang atake ko kay Asher na minsan naiilagan niya. Hindi ko na din maintindihan ang ginagawa ko, basta ang alam ko... kung hindi ko siya mapapatay, ako ang papatayin niya. Nakangisi ko siyang tinignan habang puro pasa at sugat na siya. "Magpaalam ka na... Asher!" sabi ko tsaka siya kinulong sa malaking bola ng tubig. Nakita ko kung pano siya magpumiglas sa loob ng tubig. "Yara... Tama na... Mapapatay mo si Asher!" sigaw ni Arin kaya tinignan ko siya tsaka hinampas ng tubig. "Hindi niya kayo maiintindihan!" sigaw naman ni Fern na hirap na din magsalita. Tinignan ko pa si Ace na ginagawang yelo yung dugo sa sugat niya. Napangisi ako tsaka tuluyan na sanang lulunurin si Asher ng nakarinig ako ng isang sigaw. "Tama na! Please tama na! Magkakaibigan tayo. Bakit kayo nagsasakitan?! TAMA NA!" kasabay ng sigaw na yun ang isang malakas na pagsabog. Halos sabay sabay kaming tumilapon sa kung saan. Masakit... Nakakaramdam na ko ng sakit... Umupo ako ng maayos tsaka ko nakita yung repleksyon ko sa tubig. Devil side... "Te... teka. Asher!" sabi ko tsaka tumayo at nilapitan siya. Ang dami niyang sugat sa katawan. Wala na din siyang malay. Ako bang may gawa nito? "Fern? Oi Mitchisel!" napalingon naman ako kay Ace na ginigising si Fern na halos mabalutan na ng dugo. "Ano bang nangyari?" bulong ko pagkakita ko din kina Arthur at Amarine na puno ng sugat sa katawan. Pati na kina Gust, Arin at Adara na sugatan na din. "Naglaban laban lang naman kayo. Hindi ba? Napakagandang pagkakaibigan?" tanong nung Reyna ng mga serena. "Anong... Hindi. Impossible. Kinontrol niyo lang kami." sigaw ko sa kanya tsaka sinimulang gamutin si Asher. "Kayo mismo ang umatake sa isa't isa." sabi nung isang serena kaya tinignan ko sila ng masama. "Magkakaibigan kami. Masaktan man namin ang isa't isa, kami pa din ang magtutulungan sa huli." sabi ko habang sunod sunod ang pagtulo ng luha ko. Tinignan ko si Asher habang ginagamot. "A-Asher..." sabi ko habang pinipilit na mapagaling siya. "Hindi mo na sila mapapagaling. Wala ka ng natititirang Mana." sabi ng Reyna ng mga Serena habang natatawa. "Hindi... Kaya ko pa. Kahit maubos ng tuluyan lahat ng Mana ko. Mapapagaling ko sila." sabi ko tsaka nanghihinang pinagaling si Asher. Napapangiti na lang ako ng nakita kong unti unting gumagaling yung mga sugat niya. "Baliw ka... ikamamatay mo ang pangagamot sa kanila." sabi ng Reyna ng mga Serena nang tumayo ako para naman lapitan si Fern. "Ayos lang. " sabi ko tsaka nilapitan si Ace at pinatabi siya. "Teka Yara..." Awat sa akin ni Ace. "Shhh... " sabi ko tsaka sinimulang gamutin si Fern. Pakiramdam ko sinusunog ang puso ko. Ano bang... " Yara tama na. Baka ikaw naman ang ..." Pang-aawat pa ni Amarine pero di ko sila pinakingan. "Magkasakitan man tayong magkakaibigan, sama sama naman tayong babangon." sabi ko tsaka umubo ng may kasamang dugo. Lasang lasa ko pa ang sarili kong dugo. "Ta..." hindi ko na pinatapos si Ace sa pagsasalita, pinuntahan ko na si Arthur para gamutin ng may isang kay na humarang sa akin. "Zhinli..." bulong ko ng may maramdaman akong kakaibang init galing sa mga kamay niya. Hawakhawak niya ko sa magkabilaang balikat habang umiiling. "Sa...sandali lang..." sabi niya hanggang sa pakiramdam ko bumabalik lahat ng lakas ko. Teka... hindi kaya. "Zhinli... " hindi na ko natapos magsalita ng binitawan niya ko tsaka siya ngumiti. Wala na... wala na kong maramdamang sakit. Parang... "Wow Yara... napagaling mo ang sarili mo!" sabi niya tsaka biglang napaupo. Lumapit naman sa akin sila Amarine. "Parang hindi ka lumaban." sabi nila sa akin. Nakita ko pang ngumiti sa akin si Zhinli tsaka nginuso sila Arthur. Pinakita niya ba sa akin... ang kapangyarihan ng Mana Keeper? Azalea Zhinli Centana's POV Napangiti na lang ako tsaka lumapit kay Zaid na walang malay. Kanina... flashback... "Za-zaid..." sabi ko habang umiiyak. Natatakot ako sa kanya. Puro sugat na sina Arin at Derah. Masyadong malakas si Zaid... "Natatakot ka na ba?" seryosong tanong niya habang nakatutok pa din sa akin yung espadang apoy niya. Dahan dahan naman akong tumango. "Natatakot ako... Zaid sungit..." mahinang sabi ko nung isasaksak na niya sa akin yung espada niya. Medyo matagal din akong nakapikit habang inaantay yung atake niya pero napamulat na lang ako ng mata ng niyakap niya ko. Ano bang nangyayari? "Azalea..." sabi niya bago siya nawalan ng malay. end of flashback... "Pa... pano mo... na lamang ako si Azalea? Huh... Zaid? " pabulong na sabi ko bago tuluyang magdilim ang paligid ko. Aishi's Note: Zhinli : Namiss niyo ko? Hihihi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD