Chapter 23: Voice

1526 Words
Dion Gust Almiro's POV "Sa wakas makakapagpahinga din." sabi ni Fern tsaka humilata sa lupa na sinapinan niya ng malalaking dahon. Huminto muna kami sa paglalakad at mas piniling dito na magpalipas ng gabi sa gitna ng gubat. Wala naman kasi kaming nakikitang bahay dito na pwedeng tuluyan. "Malamok!" sabi ni Arin tsaka humiga sa higaang gawa ng pinsan niyang si Arthur. Minsan naawa na ako kay Arthur kasi panay ang utos ni Arin pero parang sanay naman na siya. Si Amarine naman naglatag lang ng kumot tsaka humiga. Kalat kalat kami ng pwesto ngayon ng higa, kanina pa kami nakakain sa daan kaya isa na lang ang gusto at dapat naming gawin, yun ay ang matulog. Nakasandal lang ako dito sa may puno, si Zaid naman ginawa lang unan yung dalawang braso niya. Wala ng latag latag. Tumabi lang sa kanya si Ace at Asher na pinagitnaan pa siya. "Patabi." nilingon ko naman si Arthur na umupo ng tabi sa akin at sumandal sa kabilang gilid ng puno. "Yara dito ka sa tabi ko. Ikaw Zhinli?" tanong ni Fern sa dalawa. Lumapit naman si Yara kay Fern at nakihiga. "Tatabi muna ako kay Arin. Wala kasi siyang katabi." sabi ni Zhinli tsaka humiga sa tabi ni Arin. "Awww.. Touch ako!" natatawang sabi ni Arin. "Oi patabi din!" sabi naman ni Amarine na tumayo na at kinuha yung kumot na nilatag niya. "Tara sa kanila Fern." mahinhing sabi ni Yara kaya tumabi din sila ni Fern kina Zhinli at Amarine. "Wow! Ang daming stars!" manghang sabi ni Zhinli nung nakahiga na silang lima. "Ai teka Adara tara dito!" tawag ni Zhinli pero inirapan lang siya ni Adara. Mataray nga talaga si Adara pero mabait yan. Hindi lang talaga siya madalas makipagkaibigan. "Masyado siyang masiyahin." sabi ni Arthur na nakatingin kila Zhinli. "Oo nga. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o ano." sagot ko naman. Ang daming stars at bihirang mangyari to. Sa mundo kasi namin, dumadami lang ang mga bituin sa langit pag wala ang buwan. Yun lang ang nagpapailaw sa langit... "Nakita ko na si Prinsesa Azalea." sabi ni Arthur kaya napalingon ako sa kanya. "Huh?" tanong ko. "Mukha kasing takang taka ka. Totoo yung sinabi nila Headmaster na buhay si Prinsesa Azalea at kahit ako hindi makapaniwala. " sabi niya habang ako hindi makapaniwalang nakikinig. Wala akong alam sa Vista kingdom kahit na anong basa ko kasi sa mga libro, wala din akong nakikitang impormasyon maliban sa mga naunang Hari at Reyna. "Siguro naman nabalitaan niyong nakulong kami ni Adira dahil sa napagbintangan kaming katulad ng mga magulang namin? " tanong niya kaya napatango ako. Alam naman yun ng lahat, hindi lang kami nakialam at wala naman kaming laban sa council. Kahit pa sabihing mga maharlika kami, wala pa din kaming laban sa Magic Council. "Oo. Pero wala kaming laban noon kaya patawad." sabi ko tsaka yumuko. Ngumiti naman siya tsaka natawa ng unti. "Hindi mo kailangan magsorry. Tsaka isa pa natulungan naman kami ni Prinsesa Azalea. " sabi niya kaya nagtanong agad ako. "Paano mo nalamang si Prinesa Azalea yun? Paano niya kayo tinulungan?" tanong ko agad. "Isang gabi habang nasa kulungan kami, bigla na lang siyang nagpakita. Nakaputing cloak siya na may simbolo ng Vista Kingdom. " sabi niya. Hindi naman porket nakasoot siya ng Royal Cloak eh siya na si Prinsesa Azalea. "Paano mo nalamang siya talaga yun?" tanong ko sa lanya tsaka siya ngumiti at pumikit. "May bahagi sa Prinsesa na kapag kaharap mo siya alam mo ng siya ang Mana Keeper. " sabi niya kaya napa-isip ako. Hindi kaya... "Teka alam mo ba kung sino si Prinsesa Azalea?" tanong ko pero ang loko tinulugan ako. Tsk... Nag-antay pa ko ng unti at baka sumagot pa siya pero wala na. Tulog na ata talaga. Napatingin na lang ako sa langit tsaka napaisip. Kung totoo ngang nasa paligid lang si Prinsesa Azalea, posible kayang nakakasama na namin siya ng di namin alam? Azalea Zhinli Centana's POV >____"What the heck are you doing?" "Ayy four hundred!" napatakip agad ako ng bibig sa gulat. Napalakas yung sabi ko at baka nagising ko sila. Madama pa naman naiistorbo yung tulog ni Derah... "Tsk..." nilingon ko si Zaid na nasa may likudan ko. Medyo magulo pa yung buhok niya pero ok lang gwapo pa din siya. Bakit kaya ganun? "I said what are you doing? You should be sleep by now." sabi niya tsaka umupo sa tabi ko. "Hindi ako makatulog eh kaya nagbibilang na lang ako ng stars. Ang dami na nga eh!" sabi ko tsaka binalik yung tingin ko sa langit. Wala kayang ganyan dun sa kwarto ko dati, wala nga kasing bintana yun. Hinihintay ko siya magsalita kaya lang di na siya ulit nagsalita. Tinignan ko naman siya tsaka napansing nakatingin siya sa akin. "Bakit? May muta ba ko? Laway?" tanong ko habang nakakunot yung noo. Grabe kasi siya makatingin. Para naman niyang kinakabisado yung mukha ko. "Tsss... Matulog ka na." sabi niya tsaka tumayo. "Oi tagalog yun! Hihihi..." sabi ko tsaka napabungisgis. Napatahimik lang ako ng tinignan niya ko ng masama. "Peace!" sabi ko tsaka nagpeace sign sa kanya. "Matulog ka na Zhinli." sabi niya bago tumalikod at naglakad pabalik sa hinihigaan niya kanina. Ako naman naiwan dito tsaka ulit tumingin sa langit... ilang stars na nga ulit ang nabilang ko? "Azalea... " Huh? "Azalea... " Tumayo ako tsaka ginala yung paningin ko sa paligid. Tulog silang lahat... Pero may tumatawag sa akin. Hindi kaya multo yun? O_o "Azalea..." "Si-sino ka?" mahinang bulong ko. "Azalea, mag-iingat ka. " Sabi nung maamong boses. Hindi ko alam pero parang narinig ko na yun dati. Hindi ko lang matandaan... "Saan? Multo ka po ba?" tanong ko habang palingon lingon sa paligid. "Kayanin mo Azalea, kayanin mo." Yun lang tapos... tapos wala na kong marinig. ... "Zhinli gising na!" napabagon ako agad tsaka dinilat yung mga mata ko. "Okay... Anong meron at bakit namumutla ka?" tanong sa akin ni Arin. Panaginip lang. Panaginip lang yun. Tama. Panaginip lang... "Wa-wala. Hihihi... napuyat lang ako kakabilang ng stars sa langit. " natatawang sabi ko tsaka bumangon. "Weird ka talaga. Daliaan mo na sumabay ka na kina Yara maligo. You know, lalakad na ulit tayo pagkakain." sabi ni Arin kaya tumango ako at kumuha ng damit. Sumunod nga ko kung saan naliligo sina Yara tsaka sumabay sa kanila. Tapos kumain kami ng luto nina Amarine at Arthur. Ang sarap talaga nila magluto. "Salamat sa pagkain!" sigaw ko pagkadighay. Hihihi... "Excuse me!" masiglang sabi ko. "Gross..." sabay na sabi nina Arin at Adara kaya nagkatinginan sila. Siguro kung papansinin lang kami ni Adara baka mag-bff na sila. Hihihi... "Pasensya na nasarapan lang! Ang galing galing galingggg niyo kasi magluto eh!" sabi ko sa kanila. Napapikit naman ako ng hinilamos ni Arthur yung palad niya sa mukha ko. Bad! Ang laki pa naman ng kamay ni Arthur >_"Nang-uto ka pa." sabi niya sa akin kaya tinapik ko yung kamay niya. "Hindi ah!" sabi ko na nakangiti. "Ahem lang love birds. Umiinit dito." sabi ni Asher kaya nagtataka ko siyang tinignan. "Love birds? Asan yung ibon?" tanong ko tapos bigla siyang natawa. Anong nakakatawa? Tinignan ko naman si Arthur na nakayuko. Ehhh? "Hahaha... Hindi ko talaga mapaniwalaan to. Bukod sa inosente at ignorante ka, manhid ka din. hahaha... Tara na tara na. Medyo malapit na tayo sa gate ng Aqua kingdom." sabi ni Asher kaya napatango ako. Inayos na namin yung pagkain namin tsaka yung pinagkainan na din namin. Sabi kasi ni Fern dapat daw kung pano namin dinatnan ang gubat dapat ganun din namin iwan. Respeto sa kalikasan... Kaya bawal magkalat. "Lakaran na naman..." sabi ni Fern habang naglalakad kami. "Unti na lang naman. Kung makakarating tayo bago magabi sa gate ng kaharian namin, pwede namang doon na tayo matulog sa palasyo." sabi ni Yara kaya napapalakpak ako. "Talaga? Wiihhh... Excited na ko. Tara dali!" sabi ko tsaka naunang naglakad. Gusto kong makita yung itsura ng palasyo. Kailan kaya ako makakapunta sa kaharian namin? "Wag kang pupunta dun Azalea" napahinto ako sa paglalakad ng narinig ko na naman yung boses sa panaginip ko. Ang amo talaga ng boses niya. "Oi Zhinli bakit napahinto ka diyan?" tanong ni Ace na nakatingin sa akin. Ang totoo niyan hindi lang siya ang nakatingin sa akin, nakatingin silang lahat. Pati si Zinco at si Derah. "Ah wa-wala." sabi ko tsaka naglakad ulit. Naglalakad kami habang nagkukwentuhan ng biglang wala na naman akong marinig. Wala akong marinig pero nakikita ko sila. Unti-unti naman akong magpanic nung pati yung pakiramdam at paningin ko unti unting nawawala. Isa pa walang lumalabas na boses ko. Ano bang nangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD