PAGPASOK ko ng opisina ay kaagad akong sinundan ng sekretarya ko sa loob. Maganda ang gising ko kaya wala akong nasigawan ngayon. Bakit? Dahil ni Cal. May kakaibang bagay s'yang pinupukaw sa sistema ko. Hindi na simpleng attraction lang ito. Iba. It's just so weird that it's only been a few days since she came to our lives and yet, ayaw ko ng mahiwalay sa kanya. I know she has a family to go home to -- hindi ko naman s'ya ipagdadamot. I just -- I need to know her more. I need to know everything about her. "Karen, may kailangan ka ba? Anong meeting ko ngayon?" tanong ko sa sekretarya ko. "May isang meeting kayo Sir ng alas diyes. Libre ang hapon n'yo." "That's good." "But, there's a few paperworks for your review." "I'll take them home with me. Sa bahay ko na lang irereview. Anythi

