bc

Year of the Maid

book_age18+
41.2K
FOLLOW
249.3K
READ
one-night stand
arrogant
inspirational
CEO
heir/heiress
sweet
bxg
small town
sassy
virgin
like
intro-logo
Blurb

Callie ran away from home when her mother remarried. She applied as a nanny and it would have been a perfect job for her if not for her arrogant boss who likes shouting at people. The day she arrived, he fired the last maid in the house and she was told she is going to take her place. An all around maid – just great. She didn’t know anything about domestic work but she is a fast learner. The problem is his boss keeps hanging around the house than his office – and it’s making her heart go crazy.

***

Copyright © 2021 SilentQuinn . All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form on by an electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the publisher, except by a reviewer who may quote brief passages in a review.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MULA sa Marinduque ay lumulan ako ng barko papunta sa Lucena saka sumakay ng bus papunta sa Batangas. Dito ako nakahanap ng trabaho bilang yaya s***h tutor. Kung titingnan ay mistulang Maynila na ang probinsyang ito. Marami ng mga gusali na kay tataas. Some of them were condos and not just offices. Madami rin akong nadaanan na naglalakihang shopping malls. Huminto na ang jeep na sinasakyan ko. "Miss, hanggang dito lang ako sa mall," sabi ng driver. "Ganoon po ba? Sige po." Itinuro n'ya ang sakayan ng tricycle. "Ang tricycle sa unang pila ang lapitan mo saka mo ibigay ang address." "Salamat po." Bumaba ako ng jeep at lumapit sa umang tricycle. Malapit lang naman pala ang bahay ng magiging amo ko. Sampung minuto lang dito kung hindi traffic. Isang backpack lang ang dala ko dahil ang balak ko ay dito na lang ako bibili ng mga gamit ko. Wala akong masyadong cash na dala at hindi ko pwedeng gamitin ang bank cards ko. Malalaman nila kung nasaan ako. "Miss, exclusive ang subdibisyon na 'yan. Bawa ang tricycle. Hanggang dito lang ako sa gate," sabi ng driver. "Okay lang. Heto ang bayad ko." "Salamat. Itanong mo na lang sa guard kung saan ang bahay ng pupuntahan mo." Tumango ako at umalis na s'ya. Lumapit ako kay Manong. "Magandang tanghali po. Saan po ang bahay ni Mr. Jason Gomez?" "Magandang hapon din, Ineng. Alam ba nila ang pagdating mo? Pinapalista sa amin ang pangalan. Anong pangalan mo?" Napalunok ako. Sana ay nasabi nila na ngayon ang dating ko, kung hindi ay wala akong tutulugan. "C-Callia M-Moran po." Great! Talagang nautal pa ako sa pangalan ko. Saglit na tiningnan ni Manong ang blue na notebook at saka tumango tango. "Nandito ka sa listahan. Medyo malayo dito sa b****a ang bahay ng mga Gomez. Tatawagan ko lang sila para masundo ka." Nagdial s'ya sa telepono at sinabi ang pagdating ko. Mayamaya lang ay dumating ang isang bagong itim na SUV. Unipormadong driver ang bumaba sa driver's seat at nilapitan ako. Nasa edad singkwenta na s'ya at mukha namang mabait. "Ikaw si Callia Moran?" "Opo." "Pinapasundo ka ni Sir Jay." Sumama ako sa kanya at umupo sa unahan. Madaming paliko liko ang dinaanan namin at hindi ko tanda ang palabas. Hindi bale, isang araw ay maglalakad lakad ako para mabihasa ako sa lugar. Tumigil kami sa harap ng isang bahay na malaki at kulay puti. Sa labas pa lang ay masasabi mo ng mayaman ang nakatira. Garden pa lang ay alaga na sa trim at puno ng orkidyas. It was a modern mansion. I wonder what our quarters look like. Syempre hindi naman ako matutulog sa guest room. Naghihintay ako ngayon dito sa salas at muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ko ang malakas na iyak ng isang babae. Ano bang nangyayari? "Get out!" Parang kulog ang boses ng lalake. "Sorry na po, Sir. Hindi na po mauulit," umiiyak na sabi nito. "Hindi na talaga mauulit dahil aalis ka na nga ngayon din. Hindi ako makapaniwala na nagpapatuloy ka ng lalake dito kapag wala ako. Paano na lang kung may nangyari kay Mia? Kung hindi ko pa naisipan ireview ang CCTV ay hindi ko malalaman. Umalis ka na, ito ang huli mong sahod." galit na sabi nito. Napalunok ako. Ito ba ang magiging boss ko? Sa unang tingin ay kapansin-pansin na ang tuwid n'yang tindig. Mataas s'ya at sa tingin ko ay nasa anim na pulgada. Kulay brown ang mata, matangos ang ilong, malantik ang pilik, medyo mapula ang labi at ng magsalita s'ya ay nakita ko ang mapuputi n'yang ngipin. Ang buhok n'ya ay itim at medyo may pagka-wavy. Kung sa balat naman ay kayumanggi ang balat nito. In short, lalaking lalaki.. at gwapo. "Are you done checking me out?" Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala s'ya. Noon lang ako nahimasmasan. Nag-init ang pisngi ko at nakaramdam ako ng matinding hiya. "I wasn't —" Sh*t! Anong sasabin ko? Think, Callie. "What," mababa pero madiin ang boses n'ya at wari ko ay inip na. "I was not checking you out. Nagulat lang ako sa sigaw mo sa babaeng umiiyak," katwiran ko. There, I hope he buys that. Tumaas ang kilay n'ya at humalukipkip. "Are you saying I shouldn't have shouted at her?" Napalunok ako. Shut it, Callie or you're going to be fired -- ni hindi ka pa nagsisimula sa trabaho. At 'wag kang masyadong magsalita ng English, baka mahalata ka. "Pasensya na po, Sir. Naawa lang po ako sa kanya." "You shouldn't feel sorry for her. Nilagay n'ya sa peligro si Mia. Paano na lang kung r****t ang boyfriend n'ya," napahilamos ito sa mukha n'ya at nang tumingin uli sa akin ay medyo maaliwalas na ang mukha. "I'm sorry you have to see that. Anyway, you're Callia, right?" Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Opo, Sir." Naupo s'ya sa katapat kong silya. "It's good to have you here. Dahil sa nangyari ay nagkaroon ako ng trust issues sa pag-hire ng kasambahay." "Naiintindihan ko po, Sir. Mahirap po talagang magtiwala sa mga tao lalo na sa panahon ngayon. Kaya nagpapasalamat po ako sa inyo ngayon na binigyan n'yo ako ng pagkakataon na magtrabaho para sa inyo." "Let me personally tour you around the house and I will introduce you to Mia later. Nasa piano lessons pa s'ya. Sabay na natin s'yang sunduin mamaya. Come with me." "We are in the living room right now and it's an open concept. You can see the kitchen and the dining area from here. That's my study room at the end if you need anything, just knock. After office hours, d'yan ako naglalagi." "Inuuwi mo pa --" tumingin s'ya bigla sa akin. Pinamulahan ako ng mukha. Itatali ko na ang dila kong napakatabil. "Wala po pala, Sir." "May pasilyo sa dulo, kapag dineretso mo 'yon ay makikita mo ang tatlong kwarto. Ang isa doon ay suite. Stay in ang mag-asawa. Nakilala mo na si Mr. Ocampo, ang driver ko. Asawa n'ya ang mayordoma dito, si Mrs. Ocampo. May dalawang kwarto pa doon na bakante. Ang isa ay kay Lulu na nakita mong umalis kanina. Ang isa ay para sa 'yo. It's a decent size room at may bintana lahat. It's fully equipped at may tv rin na maliit. Feel free to use the wifi as long as you're not chatting online during working hours. Your working hours are long. You start at six in the morning and ends at nine. When Mia is in school, take your break. Her class starts at eight in the morning and ends at four in the afternoon. She has to be in bed by eight at night, para maaga s'yang magising. Off mo kapag Linggo. Is that understood?" "Yes, Sir." Ipinasyal pa n'ya ako sa taas at itinuro ang mga silid. Nang pababa na kami sa hagdan ay nauuna s'ya. Pinagmasdan ko pa ang likod n'yang malapad. Halatang alaga sa gym. Naputol ang pagpapantasya ko sa kanya ng magsalita s'ya ulit. Nakababa na kami sa ground floor. Mabuti na lang at wala na kami sa hagdan, kung hindi ay baka nahulog na ako sa sunod na sinabi n'ya.  "By the way, since Lulu left and I have issues with hiring new people -- you will be taking her place too. Of course, may karagdagang sweldo. Your salary will be changed from fifteen thousand to thirty thousand," walang emosyon n'yang sabi. "Po?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
44.2K
bc

Be Mine Again

read
106.1K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Worth The Wait

read
204.4K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
489.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
91.5K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
778.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook