Chapter 2

1091 Words
THIS is a bad idea. Anong alam ko sa gawaing bahay? Kaya nga nanny ang inapplyan kong posisyon. Bata ang aalagaan ko -- hindi buong household! Sh*t! Ni hindi ako marunong magluto o maglaba. At kung mamamalantsa pa ako ay siguradong mas gusot pa 'yon sa papel na nilamukos. Paano ngayon 'to? "May problema ba," kunot noong tanong n'ya. Napalunok ako ng ilang beses. Relax, Callie. Kayang kaya mo 'yan. "Wala naman po, Sir. Nagulat lang po ako." "Kulang ba ang sweldo? Kung kulang ay dadagdagan ko. You know what? Let's make it forty thousand monthly." That's a lot of money. Madali akong makakaipon at isa pa ay free board and lodging na. Madali naman akong matuto eh. Para ano pa at may google. "Okay po, Sir." "Sige, magpahinga ka na muna. Lumabas ka na lang in an hour at susunduin natin si Mia. You may take the first room on your right, it's not occupied at malinis 'yon." Matapos n'yang magsalita ay tinalikuran na ako. He's not that bad. Talaga lang may pagkasuplado minsan at hindi yata marunong ngumiti. Wala sigurong lovelife. Binaybay ko ang pasilyo dala ang backpack ko. Inihanger ko ang mga damit ko. Sabado bukas, may isang araw pa ako sa trabaho at sa Linggo ako pupunta ng mall para mamili ng gamit ko.  Wait, hindi pwede sa mall -- mauubos agad ang dala kong cash at sa katapusan pa ang sahod. Kung bakit naman kasi hindi kinsenas katapusan para mas madaling magbudget. I-suggest ko kaya? Baka naman magalit at sabihin na mukha akong pera. Hayaan mo na nga. May dala pa naman akong singkwenta mil dito. Kasya na siguro ito, wala naman akong ibang bibilhin bukod sa ilang gamit. Sa pagmamadali ko kasi ay nakalimutan ko ang laptop ko. Buti nadala ko ang cellphone. Hindi kaya magtaka s'ya kung bakit may latest akong iphone? Hayaan mo na nga.  Humiga ako saglit sa kama at nagset ng alarm for forty five minutes. After five minutes, tumayo rin ako at nagshower. It made me feel better. May shampoo at sabon naman dito. Bibili na lang ako ng brand na ginagamit ko at pati na rin blower sa buhok. Sa ngayon ay titiisin ko na towel dry na lang. Tuwid ang buhok ko at natural ang lambot, hindi na kailangan ng rebond. Medyo mainit sa labas kaya nag-pedal pants na lang ako at puting blouse. Bukod sa sipit na sinelas at suot kong puting rubber shoes kanina -- ang nahagip ko lang ay itim na Converse. Ni wala akong dalang sandals. Pinili ko ang Converse. Nakarinig ako ng katok sa pinto at nang buksan ko ay isang matandang babae ang nabungaran  ko. "Magandang hapon po," bati ko sa kanya. "Magandang hapon rin, hija. Ikaw si Callia," nakangiting sabi n'ya sa akin. "Bagay na bagay sa 'yo ang pangalan mo. Ang ganda ganda mo." Namula ako. "Hala, Mrs. Ocampo. Salamat po." "Gusto lang kitang i-welcome dito. Umalis na si Lulu. Naku ang batang 'yon napakatigas kasi ng ulo. Ang pinsan n'yang si Violy ang dating yaya ni Mia -- matigas rin ang ulo kaya hindi nagtagal dito. Mukha namang mabait ka kaya sana ay magtagal ka dito. Mabait na bata ang alaga mo." "Nasaan po ba ang asawa ni Sir Jason? Hindi ko pa nakikita." "Ay! Wala pang asawa ang batang 'yon." "Ah, eh kanino pong anak si Mia," napakamot ako sa leeg ko.  "Sa kapatid ni Sir. Si Ma'am Jenny," lumungkot ang expression ng matanda. "Naaksidente sila ng asawa n'ya at ang guardian ng bata ay si Sir Jason." "Po? Naku. Kawawa naman po pala si Mia." "Tatlong taon na ang nakakaraan simula noong maaksidente sila. Simula noon ay dito na tumira ang bata. Ang kapatid kasi ng asawa ni Ma'am Jenny ay isang modelo kaya palaging wala sa bansa. Hindi rin n'ya maaalagaan si Mia kung sakali kaya hindi na n'ya kinontesta ang will ng mag-asawa." "Ganoon po ba? Huwag po kayong mag-alala, aalagaan ko po ng maayos si Mia," nakangiting sabi ko sa kanya. "Mabuti kung ganoon. S'ya nga pala. Nabanggit ni Sir na magiging all around ka dito. Ibibigay ko sa iyo ang lista ng gagawin mo para wala kang makalimutan. Kung may tanong ka, huwang kang mahihiyang lapitan ako." "Salamat po, Mrs. Ocampo." Ngumiti s'ya. "Nanay Ida na lang. Wala kaming anak ni Manong Jun mo kaya ikaw na lang. Magaan ang loob ko sa 'yo." "Sige po, Nanay Ida. Natutuwa po ako na maganda ang pagtanggap n'yo sa akin. Kinakabahan nga po ako kanina kasi nakakatakot palang magalit si Sir." "Mabait 'yon, natyempuhan mo lang na galit kay Lulu. Isa pa, simula ng magbreak sila ng girlfriend n'ya ay bihira ng ngumiti." Sabi ko na eh, kaya masungit dahil walang love life. Nagsalita ang may love life! Biglang nag-alarm ang telepono ko hudyat na malapit na naming sunduin si Mia sa piano lessons n'ya. "Naku 'nay, susunduin na po pala namin si Mia. Pupuntahan ko po muna si Sir Jason at baka mainip ay magalit pa sa akin." "S'ya sige. Basta habaan mo ang pasensya sa kanya at hindi madali para sa kanya ang maging instant na ama sa pamangkin n'ya." "Opo, 'nay."  He was on the phone when I saw him at the living room. Salubong na naman ang kilay ng humarap sa akin at may binubulyawan na naman. Ito ba ang specialty n'ya -- ang manigaw? I pity the woman who's going to end with him. "I told you to send the documents yesterday -- not today! How hard is to do that? What? Do you want to keep your job? Then do it right!"  Hinihingal ito ng tapusin ang usapan nila sa phone. Oh boy! Palagi na lang bad mood. Kailangan na n'ya talaga ang lovelife. Pwede naman ako? Makapag-apply kaya? Natawa ako sa naiisip ko. Callie, hindi ka n'ya magugustuhan. You're a maid. Ang katulad n'ya ay hindi nababagay sa 'yo. Well -- unless you tell him the truth, baka patulan ka n'ya. And that will never happen -- kaya nga ako naglayas ay para hindi ako mahanap ni Mommy. Siguradong pinapahanap na n'ya ako ngayon. One thing is for sure, hindi n'ya ipapalathala ang mukha ko sa dyaryo. Maghahire s'ya ng tao para hanapin ako.  "Ano pang tinatayo tayo mo d'yan? Tara na." Namumuro na talaga sa akin si Boss Bulyaw! Tama -- 'yon ang itatawag ko sa kanya. Palagi na lang kasing nakasigaw. Kung may button lang ng volume ay hininaan ko na. Better yet, a mute button -- that would be perfection. Tahimik akong sumunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD