HINDI si Manong Jun ang nagdrive sa amin kundi si Boss Bulyaw. Hindi ko tuloy alam kung saan mauupo. Kapag sa likod ako umupo ay magmumukha s'yang driver. At kung sa unahan ay mukha naman kaming mag-asawa. Talaga ba Callie? Taba ng utak mo ha. Mag-asawa agad ni hindi ka nga tinatapunan ng tingin. Ambisyosa!
Pinili kong maupo sa unahan. Wala naman s'yang sinabi. It was the longest car ride ever. He was so quiet. At kahit sampung minuto lang ang layo ng music school ni Mia ay inabot kami ng bente minutos dahil sa traffic dito sa Lipa. Inaayos kasi ang highway at ongoing ang construction nito. Nang itigil n'ya ang sasakyan ay bumaba rin ako. Hindi ko na hinintay na pagbuksan n'ya ako. Nakakahiya naman kung amo ko pa ang magbubukas ng pinto ko. Pumasok kami sa pinto na de bubog at naghintay kami sa lobby.
Maganda ang music school ni Mia. Halatang de klase. I play piano when I was younger. Marunong pa rin naman ako pero kinakalawang na. Maybe we can play together one day. Excited akong makita ang alaga ko. Wala kasing picture sa bahay kahit isa. Para bang sinadya na itago ang mga itsura ng nakatira. I smirked. Ang bahay namin ay puno ng litrato ko at ng mga magulang ko. Ewan ko lang ngayon.
"Daddy Jay," sabik na bati ng batang babae. Cute na cute ito sa suot na puting shorts at pink na blouse. Nakasandals din na pink. Ang buhok ay itim at mahaba. Tuwid na tuwid na nilagyan ng pink clip sa gilid.
"Hi sweetheart. How was your lesson?"
"It's good. How come you picked me up? Nasaan si Manong Jun," nagtatakang tanong nito saka ako nilingon. "Who's she?"
Tumikhim ito at pinakilala ako sa pamangkin n'ya. "Nasa bahay si Manong Jun, free lang ako today kaya ako na ang sumundo sa iyo. By the way, this is Callia. She will be your nanny."
Lumapit sa akin ang bata at yumakap ng mahigpit. Ako man ay nagulat sa ginawi n'ya. I expected a hi but not a hug. Mukhang magkakasundo kami. Tinapik tapik ko rin ang likod n'ya.
"Hi, I'm Mia. Can I call you Mommy Cal?"
Napamulagat ako at napatingin sa boss ko. Tita or Ate pero Mommy? Nanuyo ang lalamunan ko. Anong sasabihin ko ngayon sa kanya?
"Uhm --" Hindi ko alam kung tatanggi ako o hahayaan na lang ang bata.
Mabuti na lang at naisipang sumingit ni Sir. "Sweetie, I don't think she's comfortable with you calling her that. How about Ate Cal na lang?"
Sumimangot ang bata at mukhang maiiyak na kaya pumayag na rin ako. I don't want to ruin our first meeting. Kinapitan ko ang kamay n'ya. "It's okay, you can call me whatever you want."
Nagliwanag ang mukha nito at niyakap ako uli. "Yehey! Thank you po."
Ang dali palang pasayahin ng batang ito. Namimiss siguro ang kanyang ina. Bigla kong naisip si Mommy. Kumusta na kaya s'ya?
"Daddy Jay, pwede po ba tayong magpunta sa mall after this? I'm hungry, I want spaghetti."
Naglalakad na kami papunta sa sasakyang ngayon at mistula kami isang masayang pamilya. Nasa gitna namin s'ya at kapit ang kamay namin.
"Sure, sweetie. I'm hungry too. How about you Mommy Cal?," nakangising tanong n'ya sa akin. Mukhang inaasar ako ng hudyo.
"Okay lang."
"Then it's settled, we're going to the mall to eat."
Ipinagbukas n'ya ako ng pinto at sunod n'yang binuksan ang back door at isinakay si Mia. Nilagyan n'ya ito ng seatbelt at bahagya pang hinigit para siguraduhin na safe. Naisara ko na ang pinto ko ng umikot s'ya at umupo sa driver's seat. He noticed my seatbelt was twisted. Bigla n'ya akong dinukwang kaya napasinghap ako.
"Relax. I'm just going to fix your seatbelt."
Sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin at ang bango ng hininga n'ya. Bigla tuloy akong na-conscious. Nagtoothbrush naman ako kanina kaya lang nakakatense pa rin. I noticed he was taking his goddamn time and was grinning like a mad man.
"Ako na lang," sabi ko sa kanya. Kung magtatagal pa kami ng ganitong tagpo ay baka ako na ang manghalik sa kanya kahit hindi ako marunong.
He tsked. "Ako na, saglit na lang."
"Ang tagal mo kasi," bulong ko sa kanya.
"There, okay na."
Umayos na s'ya ng tayo at pina-start ang sasakyan. Narinig ko ng magtanong si Mia.
"Mommy Cal, do you like spaghetti?"
I don't really like pasta. Mas gusto ko ang kanin pero sige lang. "Minsan. Mas gusto ko ang kanin."
"Oh, masarap ang spaghetti nila sa Gia's. I'll let you taste it." Mukhang excited ang alaga ko na magmeryenda kasama kami.
Matraffic ngayon at nang lingunin ko si Mia ay nakaidlip na pala. Maayos naman ang tayo ng ulo n'ya. Nagmasid na lang ako sa labas. Gustuhin ko man makipagkwentuhan ay boss ko pa rin s'ya. Kung magtatanong naman s'ya ay sasagutin ko.
"How old are you again, Callia?"
"Twenty two."
"Limang taon pala ang tanda ko sa 'yo."
He doesn't look his age. Para ngang magkasing-edad lang kami. Ang bata n'yang CEO. Niresearch ko ang profile n'ya bago ako nag-apply ng trabaho. Mayaman ang mga Gomez pero mas mayaman ang pamilya ko.
"Are you sure you've been a nanny before," nilingon n'ya ako. "You don't look like one. Kahit ang mga kamay mo ay parang walang kalyo. Have you worked a day in your life?"
Sh*t! Pati kamay ko na walang kalyo napansin pa n'ya? Kumakalabog sa kaba ang dibdib ko. Paano kapag nalaman n'yang nagsisinungaling ako? Siguradong katakot takot na bulyaw ang aabutin ko at masisisante ako sa trabaho.
"Ah, oo naman. Nag-nanny na ako last year pero nagpunta na ng Amerika ang pamilya ng batang inaalagaan ko kaya naghanap ako ng bago. Ang kamay ko naman ay alaga sa lotion kaya walang kalyo." My gosh, sana ay huwag na s'yang magtanong uli. Feeling ko ay maiihi ako sa nerbyos.
"Really? That's sad. Namimiss mo siguro ang dati mong alaga. Don't worry, Mia's a good kid. Makulit lang minsan but she's really sweet. She likes you already."
Tipid akong ngumiti sa kanya at ibinaling ang mukha sa labas. Narating din namin ang mall at imbes na gisingin si Mia ay binuhat ito ng tito n'ya. Nagising lang ng makarating kami sa restaurant at nag-order. Kasalukuyan kaming kumakain ng makaisip ito ng kalokohan. Pilya rin ang batang ito ah.
"Daddy Jay, since she's my Mommy Cal -- can you make subo to her?"
"W-what?"
Napatikhim naman ito. "Sweetie, I don't --"
"Come on, let's just pretend you're my real parents today. My Mom and Dad used to do it all the time."
Namimiss nga ang magulang kaya naman kami ng tito n'ya ang napapagdiskitahan.
Game naman ang tukmol na ito. "Mommy Cal, say ahh."
Nang lingunin ko s'ya ay naka-arrow na sa akin ang kutsara na may lamang kanin at ulam. Wala akong nagawa kundi ibuka ang bibig ko at isubo ang pagkain na binibigay n'ya. Pumalakpak si Mia at ang bwiset naman ay kumindat pa sa akin.
"Now, you have to kiss her. Daddy used to do that to Mommy."
Aba teka lang, subo kanina ngayon halik na. Napainom ako ng tubig ng wala sa oras at nilunok ang nasa bibig ko. I didn't hear him protest. Naramdaman ko na lang ang mainit na hininga n'ya sa may pisngi ko at dahil sa paglingon ko ay nagkalapat ang mga labi namin. Nanlaki ang mga mata sa gulat. Saglit lang ang halik pero pakiramdam ko ay libong boltahe ang nanalaytay sa buong katawan ko. Pagkatapos ng naganap ay pumalakpak pa si Mia at ang bwiset ay bumalik sa pagkain n'ya na parang walang nangyari.
This job is going to be harder than being an all around maid. Sh*t!